Inexplain ko ng maigi kay Luna kung ano yung gusto kong bigyan niya ng mas magandang focus na shot sa mga eksenang kukunan namin. She's really bright and good at her job as filmer. As in, kaya bagay na bagay sa kanya yung kukunin niyang AB Broadcasting.
Nang makuha na niya yung mga gusto kong makita at lumabas sa film, umupo na ako sa gilid kasi susunod ng isu-shoot yung major scene kung saan mahuhuli na nambababae yung karakter na ginagampanan ni Oliver.
Iniwas ko yung tingin ko sa kanya at pinilit kong ibaling yung atensyon ko sa pagbe-brainstorm ng iba pang eksena na pwedeng idadagdag para mas maging creative at makatotohanan yung story.
But I always failed kasi kusang bumabalik yung mata ko sa topless niyang katawan! Nakita ko din yung peklat ng tahi na dulot ng saksak sa kanya nung birthday ni Alper.
Nararamdaman kong nag-iinit yung magkabila kong pisngi at hindi ko nagugustuhan yung nararamdaman ko.
Buti na lang mabilis na natapos yung bed scene na hindi naman ganun kaintense kasi natatawa lang kami sa acting ni Oliver na very natural daw ayon kay Vito.
Baka nga favorite scene niya ito e. Napapaisip tuloy ako kung ganito ba yung itsura ni Oliver sa kama kapag nakikipag-make out siya.
Napapailing-iling na lang ako.
Natapos kami ng alas-dos ng madaling-araw. Last scene yung inuman at tinotoo talaga nila yung alak kaya naman kahit pa bago kami matulog nila Vera, Luna, Eliza at Sheddy sa kwarto ni Oliver, nasa veranda pa din sa ng mga tropa niya.
Infairness sa kanya, malinis yung light green themed niyang bedroom. Green is his favorite color. Naaalala ko na kapag nagchachat siya ng goodnight, good morning or ingat noon, laging may emoji na heart na kulay green..
I saw three bottles of Red Horse mucho at dalawang bote ng Gin sa table nila. Gusto ko sanang sawayin sila kasi may kukunan pang eksena sa school bukas kaso mukhang nag-eenjoy sila kaya pinagbigyan na lang namin.
Luna reminded them to become responsible tomorrow and face the repercussions of their so called 'bonding time'.
Tumango lang si Oliver. Pinilit ko na lang matulog kahit pa namamahay ako.
***
Nagising ako nang tumama yung sinag ng araw sa mukha ko. Napabalikwas ako ng tayo para tingnan kung anong oras na.
Magaala-siete na pala ng umaga. Napatingin ako sa magkabilang gilid ko. Tulog pa si Luna at Sheddy. Si Vera malamang gising na kasi wala siya dito, siguro nasa labas.
Kinuha ko yung gamit ko at nagsuklay bago ako nagpasiyang lumabas. Sinundan ko yung amoy ng mabangong bawang at sibuyas na ginigisa.
Nakita kong nakatutok sa kani-kanyang cellphone yung mga lalaki na nakaupo sa malaking sofa sa sala except kay Oliver na hindi nila kasama.
Napangiti ako sa loob-loob ko kasi nakita ko yung sarili ko na kumportableng nakapatong ang binti sa hita niya habang nanonood ng movie na Titanic. Naalala ko na naman yung moment na yun pati yung pinag-usapan namin. Nasaan na kaya yung mga salita na 'yon?
Siguro naligaw na.
Nag-angat ng tingin si Ray kaya nagtama yung mga paningin namin. He grinned at me which makes my forehead creased.
"Gising na pala si Ji e."
Sabi niya kaya naman napatingin din sa akin sila Lloyd, Jommel, Joshua, at Vito na mukhang busy sa pagmo-mobile legends. May session ang mga ungas.
Siniko ni Joshua si Ray.
"Ano ka ba, e kahit nga halatang may amats pa si Oliver, pinilit niyang umalis para bumili ng lulutuin niya para daw paggising ng mahal na reyna niya, may madadatnan na itong pagkain sa mesa."
BINABASA MO ANG
Coffee and Tears (ON-GOING)
RomanceWe were such a mess when we parted ways but wasn't it the best? #thewattys2019