A/N:
Hi! Please share your thoughts about this story on the comment box! Thank you so much, happy reading!
*****
Surprisingly, nagkaroon ng shortage sa jeep na masasakyan papuntang McKinley Homes. Siguro kasi maulan tapos the fact na uwian na din ng mga nag-oopisina at saraduhan ng ibang mga malls, sabayan na.
Past 8pm na nung makasakay ako. Sobrang trapik din which is very unusual kasi sabi naman ni Oliver dati, bihira ang ganung aberya sa lugar nila.
Narinig kong sunud-sunod na napamura yung driver ng jeep at pabulong na nagreklamo yung ibang pasahero dahil may isang truck pala na tumirik sa mismong gitna pa ng highway kaya halos hindi na makagalaw yung mga kasunod nitong sasakyan.
Too bad na lowbatt na din ako kaya hindi ako makapag-online. Kahit na bored na bored na ako sa biyahe at gusto kong magscroll sa social media, pinigilan ko ang sarili ko kasi sinisave ko yung natitirang battery percentage para machat ko pa sila Luna mamaya.
I took a nap hangga't hindi pa ako nakakababa sa subdivision nila Oliver.
***
Nagising ako sa mahinang tapik sa pisngi ko. Agad akong napamulat nung marinig ko yung boses ng driver na tinatanong ako kung saan ba daw ako bababa kasi last trip na daw niya ito at nagsibabaan na yung ibang pasahero!
Napatingin ako sa daan na halos zero visibility na din dahil sa malakas na ulan na kanina pa bumubuhos. Bigla akong kinabahan at nakaramdam ng takot kasi kahit saan ako tumingin, wala akong ibang makita kung hindi malawak na bukirin na!
Hindi ko na maintindihan yung ibang sinasabi ni Manong basta ang natatandaan ko lang, nasa Sapang Palay na daw ako. Shit talaga! Hindi ko namalayan na nakalagpas na ako sa bababaan ko dahil napahimbing yung tulog ko dahil na rin sa pagod at maaga akong nagising para pumunta sa PNU.
Napakapa ako sa bag ko para ilabas yung payong ko pero naalala kong iniwan ko nga pala ito sa ilalim ng upuan ko. Sinilip ko iyon doon pero wala na, kung minamalas ka nga naman, nanakawan pa ako ng panangga sa ulan!
"Ayon iha oh, tumambay ka muna doon sa may tindahan. Ligtas ka doon. Makitawag ka na lang din sa mga kakilala mo para masundo ka. Pasensya na wala rin kasi akong dalang payong para ipahiram sa 'yo."
Sabi ni manong sabay turo sa kabilang daan. Napahinga ako ng malalim, mabait naman pala siya.
Nginitian ko siya.
"Salamat po Manong. Malayo ho ba ang McKinley Homes dito?"
I was praying na sana hindi ganun kalayo kasi kung titingnan para talagang nasa lugar ako na malayo sa kabihasnan at parang napag-iwanan ng sibilisasyon sa lungsod!
"Medyo. May dadaan pa namang jeep dyan. Pero magmadali ka kasi baka maabutan ka ng oras nila ng paggarahe. Ang iba kasing drayber dito, maagang umuuwi kapag gantong may bagyo."
Shit. May bagyo pala! Tumango ulit ako at nagpasalamat saka ako tumakbo papunta doon sa kabilang daan kung saan nakatayo yung isang tindahan na hindi kalakihan.
Mabilis kong binuksan yung cellphone ko at madali kong chinat si Luna at Vera pero naiyak na ako nung makita kong parehas silang hindi online! Nagmessage ako sa group chat namin nila Jolie pero wala ding nagsiseen kasi busy din siguro sa shooting nila.
Nakagat ko ng madiin yung labi ko habang naghahanap ako ng kaklase ko na online. Nakita kong online si Zed kaya naman minessage ko kaagad siya. Buti na lang nagreply siya agad at sinabi niyang taga-dito rin daw siya pero nasa Marikina siya. Doon nga pala siya sa ancestral house nila Mona nagsushoot. Sinabi niyang dapat ko daw sabihan si Oliver dahil mas mabilis daw ito makakarating kasi nakamotor ito.
BINABASA MO ANG
Coffee and Tears (ON-GOING)
RomanceWe were such a mess when we parted ways but wasn't it the best? #thewattys2019