CAT 28

18 2 0
                                    


Mark? As far as I know, wala akong kakilalang Mark ang pangalan sa higher year namin nung nasa college pa ako. Kaya hindi ko talaga siya matandaan. But somehow, I felt familiarity.

"I'm sorry, saan ba tayo nagkaroon ng interaction?"

Parang gusto niya humagalpak ng tawa dahil sa paraan ng pagtatanong ko.

"Seriously?

I nodded.

He cockes his head on the side.

"Sabagay, hindi mo na talaga ako matatandaan kasi puro readings ang laman ng isip mo 'non."

I pursed my lips. Readings are my constant companion up to now.

He reached for my hand and shake it with his. Ang init ng kamay niya samantalang ang lamig-lamig dito sa Tagaytay. Naiilang kong binawi yung kamay ko. Para naman siyang nahiya bigla sa gesture niya.

"Nice to meet you again."

A small smile formed unconsciously on my lips.

He said then he took a glance at my car.

"Ayos, nagdadrive ka na pala. May kasama ka?"

Naipasok ko bigla yung kamay ko sa loob ng bulsa ng high-waisted denim shorts ko.

"Mag-isa lang ako."

Tipid kong sagot. I was amused when his forehead creased.

"You mean, mag-isa ka lang dito sa Tagaytay?"

Tumango ulit ako.


"Weird. Masarap may kasamang kayakap pag pupunta dito."


Weird daw. Di pwedeng gusto mapag-isa? Dapat ba laging may kasama? Ako naman yung napatingin doon sa sasakyan niya na hindi gaya ng akin na heavily tinted. Gusto kong matawa kasi siya din naman walang kasama.

"Bakit ikaw? May kasama ka?"

I snapped. Huli pero di kulong.

Umiling siya. See?

"Loko. Pwede ka namang gumala ng walang kalandian. Mga lalaki talaga, basta malamig, may tumitindig."

Halos ibulong ko na lang yung huling parte ng sinabi ko.

"Anong sabi mo?"

Umiling ako.  Bahala siya kung narinig man niya o hindi. Pare-parehas lang naman silang mga lalaki.

Binuksan ko na yung pinto ng sasakyan ko at saka pumasok sa loob.

"Una na ako."
I politely said. Binuhay ko na yung makina pero nagulat ako nung buksan niya yung pintuan nito.

Napaawang yung labi ko. Ano bang kailangan niya sa 'kin?

"What?"
I almost hissed.

"Gusto mo ba ng kasama? I figured out na masarap maglibot pag may travel buddy."

I eyed him upon hearing his offer. I knew their ways. Mabait at gentleman sa umpisa, pero sa dulo, gago din pala.

"You sure, travel buddy?"

"Hoy, maayos na travel buddy kasi."

Mabilis niyang bwelta. At talagang nakasandal pa siya sa kotse ko. Feeling close.

"Are you in?"

Oh, he really wants to push the idea.

I masked a smile.

Coffee and Tears (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon