"Huwag mong sabihing iiyakan mo yung gagong 'yon. Masasampal ka na talaga namin Jelena Francisco!"Automatic na tumigil sa pagtulo yung mga luhang kanina pa namumuo sa gilid ng mga mata ko sa malakas na sigaw ni Jolie na umalingawngaw sa tapat ng gate ng bahay nila Vera.
I really hate it when they called me in my full name. Sobrang nakakairita lang kasi. Idagdag pa na napakaseryoso din ng tono ng pananalita niya. Pero hindi ko rin naman siya masisisi.
Hindi ko sila masisisi kung nawawalan na din sila pasensya sa akin.
"Ji, don't cry! Masasayang yung mascara! Tandaan mo, nagkandahirap si Luna sa pagme-make up sa 'yo para takpan yung pangingitim ng ilalim ng mata mo."
Sermon naman ni Renz.
"Baliw okay lang. Keri ko naman i-retouch si Ji. Kapag di niya na talaga kaya, hayaan natin siyang umiyak."
Sabi naman ni Luna na naiiyak na din habang tinitingnan ako.
Inirapan naman ako ni Pia.
"Tangina kasi ng kupal na Oliver na yun e. Nananahimik yung kaibigan natin tapos nilandi-landi. Kung di niya chinat si Ji, edi sana di yan magkakaganyan. Tingnan niyo nga, daig pa ang get-up ng pupunta sa lamay! Hello??! Debut kaya ni Vera pupuntahan natin! We are supposed to have fun!"
Naiinis na sigaw niya din sabay sapo sa noo. Tama si Pia, we're here to have fun. Bakit ko nga ba dinadala yung stress na dulot ng fuckboy na yun?
Mag-iisang linggo na rin magmula nung malaman ko yung kagaguhan ni Oliver. Binlock ko siya sa lahat ng account ko at ginugol ko yung mga patay na oras ko sa pagbabasa ng novel entitled Granny Dan na gawa ng favorite author ko na si Danielle Steele.
I even deleted our convo para hindi ko basahin sakaling mamiss ko siya. Ayoko na siyang makausap pa. Besides, wala naman siyang ginagawa para habulin ako, I guess, he's not really into me. Kasi kung gusto niya ako kagaya ng mga sinabi niya dati, edi sana gumawa siya ng paraan para magpaliwanag. Pero kahit na magpaliwanag siya, hindi ko pa rin siya papakinggan at paniniwalaan.
Bakit kailangan niya pang magsinungaling? Wala ba siyang tiwala sa akin? Sobrang sakit lang. Pwede naman niyang sabihin na nagbago na ang isip niya, na mahal niya pa din yung ex niya. Pwede namang magsabi, kaso mas pinili niya pa ring pagmukhain akong tanga.
"Ji, pahinga ka muna sa stress please? Hindi na healthy yan e."
Alys demanded while caressing my hands.
"Malapit na magstart yung 18 candles guys," Dane said while typing something on her phone. When she's done, she looked at me, "Ji, we're always at your back. Suportado ka namin sa pagmu-move on but please don't deprive yourself sa happiness na alam naman nating deserve mo. We're here to celebrate Vera's birthday. Magpaparty tayo! Magpasalamat na lang tayo dahil nalaman mo na agad yung tunay niyang kulay bago mo pa nai-commit yung sarili mo sa kanya."
I nodded.
She was right.
I should be thankful na na-save ko ang sarili ko bago pa man ako tuluyang nahulog sa kumunoy.
I carefully wiped my tears para hindi masira yung make-up ko.
We are all looked so pretty tonight. We alloted four hours to fix ourselves to look decent. Religious pa naman parents ni Vera. Tamang eyeshadow ang kailangan. Hindi pwedeng makapal, at ayaw din naman ni Jolie ng plain.
"I'm sorry guys."
That's the only words I managed to say.
"That's fine. Let's go na bago pa tayong lahat mahulas."
BINABASA MO ANG
Coffee and Tears (ON-GOING)
RomantikWe were such a mess when we parted ways but wasn't it the best? #thewattys2019