CAT 04

59 14 0
                                    

Nung ako bumati sa'yo, hindi ka man lang nagpasalamat o kahit maglike man lang sa pinost kong picture natin! Tapos kay Ji nag-thank you ka at ang bilis-bilis mo pa magreply!

Hindi ko alam kung bakit kailan ko pang marinig yun.

Dapat hindi ko na lang nalaman. Naguguluhan na ako.

Ayokong mag-overthink kasi napakababaw ko naman kung bibigyan ko ng kulay yun.

Mona is one of his closest friend according to Jolie. Siya lang din yung kaklase naming babae na kayang tablahin at alaskahin si Oliver.

She's amusing.
And she's quiet but she observes a lot.

Kahit ilang beses kong gustong balewalain yung kinwento nila sakin, ewan ko ba bakit hindi ko magawa. Hindi tuloy ako makapagfocus sa klase.

Maybe I should do something. Maybe I should stop chatting with him.

Right.

Act normal, pretend like we didn't know each other. Kasi yun naman talaga ang totoo, hindi ko talaga siya kilala and hindi niya rin ako kilala.

Humingi lang siya ng papel at tinanong ako kung anong assignment. Hanggang doon lang yun. Ayokong maghukay ng sarili kong libingan.

"Ji, tama na yang chat chat kay Oliv! Tumulong ka na dito!"

Bulyaw ni Jolie na nagpabalik sa akin sa realidad na andito nga pala kami kila Pat para tapusin yung final editing sa research paper namin.

Napairap ako.

"Hindi ko siya kachat, okay??"

"Sure, kahit parehas kayong active now."

Napailing na lang ako saka in-off yung wifi mode. Praning talaga 'to.

Lumapit ako sa kanila saka nagsimulang mag-isip ng isusulat.

Hindi gumagana yung utak ko kasi lumilipad yung isip ko doon sa Bulacan. Leche talaga.

Halos isang oras na akong gumagawa ng draft pero wala pa rin akong maayos na nagagawa.

Nafufrustrate na ako!

In-on ko yung wifi mode saka nagsimulang magsearch.

Shit. Lalong nakakatempt na icheck kung nagchat na naman ba siya!

Sinilip ko yung likuran ko kasi baka binabantayan ako ni Jolie or Luna. Mabagsik pa naman radar ng mga yan! Daig pa yung hired detective sa pagmamanman at pag-iimbestiga.

Mabuti naman at busy sila sa pag-eencode ng gawa nila. Saglit akong pumunta sa messenger and hindi nga ako nabigo.

Gaya ng inaasahan ko, may message ako galing sa kanya.

Hindi ko pa man din nabubuksan, pinagpapawisan na yung palad ko!

Ji

Yun lang yung laman at isang picture ng red horse na halatang malamig dahil may mga butil pa ng tubig.

Anong ginagawa niya??!

Bukas na kaya yung defense!
Tapos eto siya tamang inom lang????

Ang unfair sa eyebags ng groupmates ko hahahhahahhaha!

Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya matiis. Yes, nagreply ako.

Aawardan na talaga ako nila Pia ng Marupokpok ng taon!

Bakit ka umiinom?

Parang tanga kong tanong. Bukod sa mahilig sa babae, lasinggero din daw ang mestisong ito.

Coffee and Tears (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon