Chapter 15
"Cassy lagyan mo naman ng sun block ang likod ko. Di ko kasi maabot." Nakangiting lumapit si Nhada kay Cassandra na abala naman sa binabasang libro habang nakahiga sa tuwalyang nakalatag sa buhangin.
"No." sagot nito na hindi inaalis ang tingin sa libro.
"Sige na Cassy...." Nagpuppy eyes pa si Nhada para umepekto ang paawa effect niya pero irap lang ang inabot niya sa isa.
Bumaling siya sa katabing si Shimie pero bago pa man siya makapagsalita ay inirapan na siya nito agad.
"Ano ba yan!" maktol niya. Padabog siyang tumayo at nang mapunta sakin ang kanyang tingin ay nagpacute na naman ito. I mentally rolled my eyes.
"Yeeenn ..." napangiwi ako ng marinig ang ginawa niyang pagtawag sakin.
"Please?.." napairap ulit ako pero hindi na ako nagreklamo at mabilis inabot ang sun block na hawak niya.
"Yehey! Thank you Yen! Buti pa si Yeniesh ang BAIT. Di tulad ng iba dyaaaannn.." parinig niya sa dalawa pero hindi siya nito pinansin. Tahimik kong pinahiran ng sun block ang kanyang likod habang naglalakbay ang aking isip tungkol sa nangyari kagabi.
"Please don't try to avoid me. It makes me crazy."
"Please don't try to avoid me. It makes me crazy."
"Please don't try to avoid me. It makes me crazy."
Napakagat labi ako habang parang sirang plaka na nag-uulit-ulit ang mga sinabi ng kumag na iyon.
Ano yun?! Anong ibig sabihin niya doon? Bakit niya sinabi yun? May saltik ba siya?! Nabaliw na?! Halos hindi tuloy ako nakatulog kagabi sa kakaiisip tungkol dun. Bwisit kasing kumag yun daming alam.
Naalala ko ang pag-uusap namin ni Red tungkol sa kanilang dalawa. Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa dahil sa nalaman tungkol kay Third. Kung sakin din siguro yun nangyari, hindi ko alam kung anong gagawin ko. I can't imagine myself as an illegitimate daughter o di kaya ay ampon. Hindi ko yata kaya yun.
Hindi ko siya masisisi kung naging barumbado ang pag-uugali niya dahil sa nalaman. He's Denzel Third Rios at base sa pagkakakilala ko sa kanya, isa siyang taong snob. May pagkaweird din. Tahimik at medyo may pagka cold. Pero nung malaman ko ang tungkol sa pagiging anak niya sa labas, may naramdaman akong kakaiba sa loob ko na naging dahilan para maiba ang tingin ko sa kanya.
Idagdag pa yung nangyari kagabi. Uggghhh!.... I wanna punch myself for thinking that I like him! Wait what?!!! Saan yun nanggaling?!
*Dug dug dug dug dug dug dug....
Ahhhhhh! Ano ba tong naiisip ko?! Naisip ko bang gusto ko siya?! no! no! no! nababaliw ka na Yeniesh Lander Ramirez! Pano mo magugustuhan yun eh ang bastos ng ugali nun?! Tapos kelan mo lang sya nakilala! Hindi mo masasabi kung may sapi yun o ano!
Wala sa sariling napatampal ako saking noo at huli na nang maalalang may sun block pala ang kamay ko. Ang lagay? Para akong naghilamos ng sun block. Mabilis na pumihit paharap sakin si Nhada at nang makita ang mukha ko ay bigla siyang bumunghalit ng tawa.
"Hahahahahahaha! Anong trip mo Yen? Mukha kang tinaihan ng ibon sa noo! Hahahahahahaha!..."
Napalingon samin sina Cassandra at Shimie at kapwa nagtatakang napatitig sakin. Sinamaan ko ng tingin si Nhada na halos mahiga na sa buhanginan sa sobrang tawa niya. Dinampot ko ang bimpong malapit sakin at padabog na pinunasan ang aking noo.
Kasalanan to ni Third ehh! Bwisit na yun! Ayaw tantanan ang isip ko. Ugghh! Nakakainis! May pa-' Please don't try to avoid me. It makes me crazy' pa kasi.. kaimbyerna!
BINABASA MO ANG
Silver Claws ( COMPLETED )
Teen FictionLies... Betrayal... Pain Her name is as cool as her personality. She doesn't need anything to make her the right girl for a guy because she's already the right one. He's a snob, cold and weird. He's nothing but a good-snober but because of that he b...
