Chapter 40
Yeniesh's POV
The party is already started and everyone seems to enjoy the event without worrying about anything maliban sakin na kanina pa masid ng masid sa paligid. Marami na rin ang nagsasayawan sa gitna.
"Are you ok Yen?"
Nabaling ang atensyon ko kay Red na katabi ko. Napansin niya siguro na hindi ako mapalagay.
"I am. Why?"
"Kanina ka pa kasi hindi mapakali. May problema ba?"
Should I tell him about the attack? Mas maganda siguro kung malaman nila nang maging handa ang lahat.
"Red... Uhmmm... Sayaw tayo?" aya ko sa kanya.
Nakita ko kung paano gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. Napansin ko rin na napalingon samin ang ilan sa kasama namin sa mesa lalo na sina Third at Xavier na kapwa mataman ang tingin sakin.
"Sure. Tara."
Agad kaming pumunta sa mga nagsasayawan at tahimik na sumunod sa saliw ng awit. Habang nagsasayaw kami ay nagtatalo ang isipan ko kung sasabihin ko ba sa kanya ang ipinag-aalala ko.
"Red, what if may mangyaring masama ngayon dito sa event?"
He looked at me with confusion. Humigpit ang pagkakahawak niya sakin at mataman akong tinitigan.
"You knew." Nakangiti niyang turan. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
"A-Alam mo?"
"Hindi lang ako. Lahat kami alam ang mangyayari ngayon Yen. Someone told us."
"S-Si Caleb ba?"
He slightly nodded. Nakahinga ako ng mabuti. They knew! Kung ganoon ay hindi madadamay ang iba kung sakaling may mangyari nga.
"Are you worried?" napaangat ako ng tingin at muling sinalubong siya ng tingin.
"Yeah. Alam ko kasing kapag may nangyaring masama sa iba ay ako ang may kasalanan." Napakagat labi ako. I can't just ignored this feeling lalo na kung alam kong ako ang puno't dulong dahilan ng mga ito kahit hindi ko naman alam kung bakit ako.
We stopped from dancing when Red suddenly held my chin. My heart skipped the moment I saw how sincere his eyes are. Sa sobrang lalim ito ay para akong hihigupin. I was captured by his stares. Hinayaan ko siyang haplusin ang pisngi ko habang nanatiling nakatingin diretso sa kanyang mga mata.
"Walang mangyayaring masama sayo Yeniesh. Kahit anong mangyari hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo. Kaya kong saluhin ang bala na para sayo para lang iligtas ka. You're my everything even if I'm not yours."
"R-Red."parang gusto kong maiyak. Ramdam ko ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Hindi taliwas sakin ang nararamdaman ni Red. I want to like him the way he likes me. Gusto kong suklian ang nararamdaman niya pero hindi ko mapipilit ang aking puso. Someone already took my heart at hindi ko alam kung paano ito babawiin kung alam kong hulog na hulog na ako sa taong iyon.
"I know I already told you about what I felt. Na handa akong magparaya pero ang hirap pala. Ang hirap makitang sa iba masaya ang babaeng gusto ko. Yeniesh I like you so much to the point na handa kong baliktarin ang mga sinabi ko. Na handa kitang ipaglaban kahit kapatid ko pa ang karibal ko."
BINABASA MO ANG
Silver Claws ( COMPLETED )
Teen FictionLies... Betrayal... Pain Her name is as cool as her personality. She doesn't need anything to make her the right girl for a guy because she's already the right one. He's a snob, cold and weird. He's nothing but a good-snober but because of that he b...
