Claws 22

1.9K 38 0
                                        

Chapter 22

Tunog ng phone ko ang gumising sakin. Kinapa ko ang ilalim ng unan ko at pikit matang sinagot ang tawag ng kung sinong hinayupak.

"Hmmmmm..." inaantok kong sagot sa tumawag.

["GOOOOOOD MORNING! BESSY!"]

"Shit!"

Agad kong nilayo saking tenga ang phone ko dahil sa lakas ng boses.

Tangina! may balak pa yata 'tong gawin akong bingi.

"ANO BANG PROBLEMA MO INTSIK?!!"

Niloud speaker ko ang tawag at padabog na nilapag ang phone sa kama.

["Hehehehehe... gising ka na ba?"]

"Sa tingin mo tulog pa ako sa lagay na ito?! " galit kong singhal. Ang aga-aga niyang mambwisit.

["Malay ko ba kung nags-sleep talk ka."]

"Ewan ko sayo! Ano bang kailangan mo at ang aga-aga mong mambulabog?!"

["Wala naman. Namiss lang kita."]

Napapikit nalang ako sa inis na nararamdaman. Ang sarap manapak lalo na ngayong kulang ang tulog ko!

Bumalik nalang ako sa pagkakahiga at pumikit. Inaantok pa ako...

["Bessy? Yohooo? Are you there?"]

Hindi ako sumagot. Bahala siya dyan. Inaantok pa ako.

["BESSY! NANDYAN KA PA BA?! HINAHANAP KA NI DENZEL!"]

Napabalikwas ako ng upo at nanlalaki ang matang napatitig sa cellphone ko.

"WHAT?! BAKIT AKO HINAHANAP NG TUKMOL NA YAN?!"

["Hahahahahahaha!!... joke lang bessy! Basta talaga pagdating kay Denzel ang bilis mong---"]

Nanlilisik ang mga matang pinatay ko ang tawag.

Tangina talaga! Makita ko lang mamaya ang Intsik na 'yan, masasapak ko siya. Wag na wag lang tagala siyang magkakamaling... hay nako! Bwisit! Makaligo na nga lang!

Kahit tinatamad ay nagtungo nalang ako sa CR at naligo. Hinayaan kong mabasa ng tubig galing sa shower ang katawan ko habang nakatitig sa repleksyon ko sa salamin. Habang nakatitig saking mukha na nababasa ng tubig ay muling bumalik saking alala ang nangyari kahapon.

'Yung ginawa kong pagsigaw para sa hinayupak na tukmol na iyon at kung paano ako nakatanggap ng tukso sa mga kapwa niya hinayupak. At kung paano ako naging bangang maghapon.

*Flashback...

"Kyaaaaaaaah!"

"Woooooooo! Panalo! Panalo tayo!"

"Ang galing mo pre! Tangina Ay lab u na! hahahahaha!.."

Malakas na dagundong ng sigawan ang bumalot sa buong lugar matapos ang larong nangyari.

"Ang galing ni Denzel. Sigaw mo lang pala ang hinihintay. Pabebe rin pala ang gago." Natatawang sabi sakin ni Ezekiel. Inismiran ko siya bago lumapit kina Shimie na mukhang masaya rin sa pagkapanalo ng team nina Third.

Marami ang nagsibaba sa benches para puntahan at macongratulate ang mga nanalo. Nanatili akong nakapanghalukipkip habang pinapanood ang mga taong galak na galak sa nangyari. Ayokong makisiksik sa baba. Wala naman akong gagawin dun.

Silver Claws ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon