Claws 24

1.9K 34 1
                                        

Chapter 24

Habang nakapikit ang mga mata ay ramdam ko na hindi lang ako nag-iisa dito sa kwarto ko. Pinakiramdaman ko ang paligid at talagang mayroon akong nararamdaman na kakaiba.

Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at ganoon nalang ang panlalaki ng mga ito nang makita ang nakangising mukha ni Tanda.

"What the fuck?!"

"Good morning din apo!"

Nakapandekwatro siyang nakaupo sa couch malapit sa kama ko. Agad akong umupo at pinagtaasan siya ng kilay. Ke-aga-aga siya agad ang nakita ko. Tss.

"What are you doing here!"

"And sweet mo talaga. Anyway, gusto ko lang makitang natutulog ang napakaganda kong apo na nagmana sakin." Sabay hagikhik niya. Natawa naman ako sa narinig. Ang yabang parin ng matandang toh.

"Excuse me? Maganda ako pero hindi ako nagmana sayo ok? Tss..."

"Whatever you say Lala, fix yourself. Nakahanda na ang agahan." Tumayo na siya at lumapit sa pinto ng kwarto ko para lumabas.

" And oh make it fast. Don't make lolo wait for too long!" pahabol pa niya bago tuluyang isinara ang pinto. Naiwan naman akong naiiling dahil sa kanya.

Dahil hindi na ako makakatulog pa dahil sinira na ng matandang iyon ang tulog ko ay nagpasya nalang akong maligo. Habang nasa ilalim ng shower ay iniisip ko ang dahilan ng paglipat namin dito.

They said, mas magiging maganda raw kung titira kami kasama ni Tanda habang hindi pa naisasaayos nina dad ang problema. And about that problem? I don't have any idea. Magdamag ko silang pinilit na sabihin sakin kung anong problema ang kinakaharap nila para lumipat kami ng bahay but they never told me. Mom said that it is not my concern anymore. But can't they consider the fact that I am part of the family? I have the right to know about that problem, after all I am their daughter.

About naman sa matandang iyon kanina, he's my lolo. Theodore Ramirez, Dad's father. And there is one thing that I don't like about him. He's too annoying! Matanda na siya pero parang bata parin kung umasta. About the way I talk to him, you might think that I don't respect him, it's just that since I'm a kid, bestfriend na ang turing namin sa isa't isa. I don't call him lolo, I call him Tanda. Kapag lolo raw kasi ang itawag ko sa kanya ay nagmumukha siyang matanda. Hello? Matanda na talaga siya. Maarte lang talaga.

Noong bata ako ay siya ang lagi kong kasama kapag wala sina mom at dad. At dahil ako ang paborito niyang apo, ako tuloy ang napagdiskitahan niyang turuan ng mga kalokohan niya. Sa kanya ko natutunang magmura, makipag-away at kung ano pang kabulastugan. During his teenage years ay siya raw ang pinakagwapo sa school nila, syempre hindi naman ako naniwala, I'm telling you, he's a liar. Lagi raw siyang napapaaway dahil sa kagwapuhan niya. Isa pa yan sa talent ng matandang iyon, hanggat may pagkakataon ay ipagmamayabang niya ang pagiging magandang lalaki niya na siya lang ang nakakakita.

Matagal na rin mula nung umalis ako sa bahay na ito kaya't aaminin kong namiss ko ring magstay dito.

Matapos maligo ay lumabas na ako at tinahak ang daan papuntang dinning area. Walang klase ngayong araw dahil ang sabi nila ay rest day daw ito para sa mga players. Malaki naman ang pasasalamat ko dahil kahit hindi ako naglaro ay wala paring pasok, yun nga lang ay mabuburo naman ako sa bahay na ito at alam kong mamemeste lang sakin yung matandang iyon.

Panay rin ang tanong sakin nina Shane at ng mga co-Guardian ko kung bakit hindi raw nila ako makita kahapon. Sinabi ko lang na busy sa bahay. But the intsik knows na lumipat kami ng bahay kaya tinadtad niya ako ng mga tanong na hindi ko na sinagot.

Silver Claws ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon