Claws 27

1.7K 34 2
                                    

Chapter 27

Things did change. Lagi ng nakabuntot sakin ang Silver Claws na siyang pinag-uusapan ng lahat lalo na ng mga babae. Whenever I'm in school or outside the campus, laging may nakabuntot saking isa sa mga tukmol, bukod nga lang kung uuwi na ako. Mayroon kasi akong sundo, na talagang ipinagtataka ko. My parents never used to gave me a driver. May kotse ako kaya't hinahayaan na nila akong gumala gamit ito, pero simula nang lumipat kami kina Tanda, hatid sundo na ang ginagawa nila sakin.

I don't know if I'm just paranoid pero nararamdaman kong may tinatago sakin ang mga tao sa bahay. Dad never open up anything, also mom. Hanggang ngayon ay wala parin akong alam dyan sa problema nila. Ginawa ko na ang lahat na kaya ko para magkaroon ng idea about it pero masyado silang masikreto. About naman kay Tanda, wala akong makukuhang magandang sagot sa kanya so better not to talk to him.

Vacant namin ngayon sa isang subject namin kaya't tambay na naman ang gagawin namin. Wala sa sariling napalingon ako sa katabi ko. Nakapikit siya habang nakasandal sa kanyang upuan at may suot na earphone. Ever since Silver Claws keeps an eye on me, lagi kong napapansin na nakabantay din sakin itong katabi ko.

Hindi lingid sa kaalaman ko ang out of the blue niyang confession, well hindi naman niya direktang nagconfess sakin na yun nga. Na ehem! May gusto siya sakin pero bulag lang ang hindi makakakita sa pinaggagagawa ng uguk na ito. Sabi nga nila, actions speaks louder than words at yun ang ginagawa niya. Magugulat ka nalang na bigla siyang gagawa ng isang bagay na hindi mo inaasahan.

"Quit staring at me. Mas lalo akong nahuhulog sayo niyan."

Unti-unti niyang minulat ang kanyang mga mata at sinalubong ang mga mata ko na nanlalaki dahil sa biglaan niyang pagsasalita. Nakita ko ang pagngisi niya kaya't agad akong napaiwas ng tingin sa kanya.

"Kapal ha! I'm not staring at you ok? N-Nakatingin ako sa bintana no! Sadyang nasa side mo lang nakalagay ang window kaya nasasagi ka lang ng paningin ko!" sabi ko sa kanya ng hindi nakatingin. Ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko kaya't mas lalo akong nagiwas ng tingin sa kanya.

"It's ok to lie. Anyway, I won't mind if you're staring at me. Mas gusto ko nga yun ng malaman ko na nagsisimula ka ng magkagusto sakin." Kibit balikat niyang sabi na para bang wala lang yung sinabi niya.

"Tss." Pag-ismid ko sa kanya. Bumalik na siya sa pagkakapit at hindi na akong muling kinausap. Hindi na rin ako ulit lumingon sa kanya at baka bigla-bigla na naman siyang magmulat at mahuli akong nakatitig sa kanya.

'Teka nga?! Bakit ba ako nakatitig sa uguk na ito?!'

There is something inside me that wants to stare and stare at him. Napapansin ko rin na napapadalas ang kakatitig ko sa kanya tuwing hindi siya nakatingin sakin. Third is no doubt handsome. He's a head turner gaya nung mga kapwa niya tukmol. Noong una ko ngang kita sa kanya at humanga rin naman ako sa pagiging magandang lalaki niya kaso nga lang, napansin ko yung pagiging weird niya at may pagkamahangin din kaya medyo naturn-off ako ng slight. Ang ayoko sa lahat ay yung mayabang at may pagkasuplado at yung ang napansin ko sa kanya.

Inaamin kong naiinis at naiirita ako sa kanya. Noong una ay gusto ko siyang iniinis pero nung nagkaroon ng something sa loob ko na laging gustong makita siya, nagkaroon na ng ilang ang pagtingin ko sa kanya. But despite of my irritation and uneasiness feelings towards him, inaamin ko na gustong-gusto ko siyang nakikita.

Alam ko ang ganitong pakiramdam dahil minsan ko na itong naramdaman noon so bago pa lumala ito, I need to stop this. I need to prevent it before it develop in something serious. Ako lang rin ang mahihirapan at masasaktan sa huli.


*CAFETERIA

Kahit anong gawin kong iwas, magkakaroon at magkakaroon ng issue itong pagbuntot sakin ng mga tukmol na ito. Simula ng sabihin nila ang reason behind those things, lagi na namin silang kasama tuwing kakain at hindi lang ako ang naiirita sa kanila. Even my co-guardians are not agreed na sumabay pa sila samin lalo na itong si Nhada. Hindi na ito sakop ng pagiging responsible nila sa safety ko 'kuno'.

Silver Claws ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon