Chapter 45
Yeniesh's POV
Matyaga kong pinagmasdan ang bawat estudyante na papasok ng SSA. Hindi kalayuan sa gate ay kitang-kita ko ang mga mukha nilang parang walang pinuproblema. I've been staying inside my car for almost half an hour para lamang abangan ang mga pamilyar na mukha. Hindi naman ako nabigo nang humunto ang isang itim na kotse sa harapan ng gate at lumabas doon ang isa sa mga taong una kong nakilala sa paaralang ito.
"Nhada."
Nakayuko ito habang papalapit ng gate nang biglang may umakbay sa kanya. Isa sa mga hinihintay ko.
"Shimie."
Sandali silang nag-usap bago tuluyang pumasok ng gate. Naghintay pa ako ng ilang minuto nang si Cassandra naman ang dumating lulan ng isang puting kotse na huminto rin sa harap ng gate. Tulad ng dati ay nagmumukha parin siyang mataray. Umalis ang naghatid sa kanya pero nanatili siyang nakaharap sa gate at nakatingala sa pangalan ng school na nakalagay sa mismong bungad ng Campus.
Nagpasya akong lumabas ng kotse. Right now I'm wearing my school uniform. I decided to go back here dahil una, hindi naman ako agad-agad titigil sa pag-aaral, after all high school palang naman ako tyaka graduating pa. Pangalawa ay para harapin sila. I can't keep on crying at isipin ang ginawa nilang panloloko sakin. I have to face them kung gusto kong malaman ang dahilan. Kahit na malinaw na ang dahilan, gusto ko parang malaman ito mula sa kanila.
Cassy's still standing at the gate's front nang mapagpasyahan kong lumapit sa kanya.
"Anong meron sa pangalan ng school at titig na titig ka dito, Cassy?"
Pansin ko ang pagkabigla niya sa ginawa kong pagsasalita sa kanyang tabi. She turned her gaze towards me at kitang-kita ko ang pagkawala ng kulay sa kanyang mukha.
'Ganoon ba ang gulat mong makita ang taong minsang niyong niloko?'
"Y-Yeniesh?"
"Anong problema? Mukha kang nakakita ng multo dyan?" pagbibiro ko sabay tawa ng mahina kahit sa loob-loob ko ay gusto ko siyang sampalin at sigawan. Pero hindi ko yun magagawa. I can't, that's how coward I am.
"Malelate tayo niyan tara na!"
Hinawakan ko siya sa kanyang braso at hinila papasok.
"Hello po kuyang guard!" bati ko sa guard na siyang nakaduty. Napansin ko ang ilang mata na nakasunod samin ni Cassandra habang hila ko siya papasok ng main building.
"Ang tahimik mo naman yata Cassy?" puna ko sa kanya nang mapansing nakatitig parin siya sakin. Napakislot siya nang magsalubong ang aming tingin.
Alam kong sa mga oras na ito ay nakakaramdam siya ng awkwardness. Kahit ako man, pero kailangan ko silang harapin. Walang mangyayari kung mananatili lang akong duwag na harapin sila.
"Punta muna tayo ng Guardian's Den. Nandoon na siguro sina Shimie at Nhada."
"S-Sandali lang Y-Yeniesh."
Hindi ako nakinig sa mahina niyang pagrotesta at mabilis na nilakbay ang daan papuntang Den. I was about to open the door nang mapansin itong nakasiwang and I heard someone talking inside. I can hear a male's voice. Kailan pa sila pumayag magpapasok ng hindi kabilang sa Guardians?
"This room feels so empty." Rinig kong turan ni Nhada. Ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses.
"I know. Maging doon sa SC Building, masyadong tahimik at awkward ang lahat simula noong nawala siya dito." Kung hindi ako nagkakamali ay boses iyon ni Michael.
BINABASA MO ANG
Silver Claws ( COMPLETED )
Roman pour AdolescentsLies... Betrayal... Pain Her name is as cool as her personality. She doesn't need anything to make her the right girl for a guy because she's already the right one. He's a snob, cold and weird. He's nothing but a good-snober but because of that he b...
