Claws 31

1.7K 31 0
                                        

Chapter 31

Unang rumihistro saking isipan nang magising ako ay ang huling nangyari sakin. Nabaril ako sa binti at sa tagiliran. Nilibot ko ang aking tingin at doon ko lang napansin ang nanlalabo kong mga mata.

"N-Nasaan ang eyeglass ko?"

Kinapa ko ang direksyon ng mesang katabi ko at nakaramdam ako ng ginhawa nang makapa doon ang eyeglass ko. Hindi ako pwedeng magmulat ng matagal nang wala nito dahil paniguradong sasakit ang ulo ko lalo na at wala sa kondisyon ang aking katawan. Sinubukan kong bumangon pero agad rin akong napahiga nang maramdaman ang matinding kirot sa tagiliran ko.

"Kung hindi mo sinubukang tumakas hindi mo makukuha ang tamang iyan sa tagiliran mo."

A sudden speak made me turn to my right kung saan printeng nakaupo ang taong pamilyar sakin. Wala na ang kanyang suot na maskara kaya't malaya kong napagmasdan ang nakangisi niyang pagmumukha.

"Tangina mo."

"Tsk. Tsk.tsk... Kababaeng tao ang lakas magmura. Parang nung una kitang nilapitan sabay hablot sa headphone mo."

Muling bumalik saking isipan ang una naming pagkikita. This guy is no other than the guy who tried to stole my headphone! Yung lalaking naging dahilan kung bakit ako nagkaroon ng mga galos sa siko at tuhod.

"You! Kilala mo na ako noon bago mo ako lapitan hindi ba?!" nanggagalaiti kong sigaw sa kanya.

"Yup! Hindi ko namang plinanong nakawin ang headphone mo noon since kaya ko namang bumuli nun. Ginawa ko yun para malaman ang kaya mong gawin." Nakangisi niyang sabi.

"Yung mga lalaking----"

"Ahhh.. yung mga nambugbog sakin? Mga tauhan ko yun, inutusan ko lang rin silang gawin yun sakin para makuha ang atensyon mo. And it works! You tried to save me, kaso nakakadisappoint lang dahil wala kang ginawang madugo na alam kong kaya mo namang gawin." Sabi niya sabay make face na parang disappointed na disappointed talaga.

"Hindi ako tulad mong walang puso!"

"Dahan dahan sa pananalita. May puso naman ako yun nga lang deactivated. It's also not functioning well so medyo wala sa mood para magkaroon ng care, alam mo na." bahagya siyang natawa.

"Ohh, anyway, about dyan sa tama mo, hindi naman yan malala. Basta wag kalang lilikot at hindi yan lalala. Ikaw kasi ehh, masyado kang atat umuwi, ayan tuloy muntik pa kitang mapatay. But don't worry darating tayo dyan. Mauuna muna ang walang hiya mong tatay bago ikaw. Let's start the party with the main course before the dessert."

Nagngitngit ang ngipin ko habang masama siyang tiningnan. Gusto ko siyang sakmalin at sapakin ng paulit-ulit. Bwisit siya. Tangina niya!

"Your stare is deadly. Wag mo naman akong tingnan ng masama. Kung gusto mo pwede tayong maging friends." Turan niya na parang nang-iinis.

"F*ck you! Mas gugustuhin ko pang mabaril ulit kesa maging kaibigan ang katulad mong magnanakaw! Mamamatay tao! Demonyo! Bwisit ka! Tangina mo!" nanggagalaiti kong sigaw.

"Wow. Ang dami nun. Demonyo talaga?" natawa ulit siya na parang aliw na aliw sa pinagsasabi ko. Bwisit mukhang ginawa pa yata akong entertainer nito.

"Ano bang kailangan mong hudas ka?!"

"Hudas naman ngayon. Tsk. Tsk. Tsk. Hay... wala bang ibang tanong dyan? Yung pwedeng mapahaba ang kwentuhan natin?"

Silver Claws ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon