Chapter 42
Yeniesh's POV
It's been weeks since the last time I saw the outside world. Simula nang malaman ko ang katotohanan, hindi ko na sinubukang humakbang palabas ng kwartong ito. I secluded myself to everyone. Nagpapahatid lang ako ng pagkain at hindi nagpapapasok ng bisita.
All I know is that I'm in a private hotel malayo sa lahat ng gulo at sakit. Hindi ko manlang nalaman na nasa ibang bansa pala ako dinala ni Tanda. Nalaman ko lang nang sabihin sakin ni Ryan. And speaking of Ryan, he's also part of 'Our' Mafia as well as Caleb. Hindi na ako nagulat nang sabihin nila iyon sakin lalo na at nandoon sila nung gabi ng Christmas Ball. And by the way, today is December 25, Christmas day.
Paskong pasko pero nakahilata lang ako dito sa kama at blangko ang isipan. Ayokong mag-isip. Nakakapagod rin lalo na at wala rin naman akong magagawa kung mag-iisip pa ako. My life has already been decided lalo na ngayon at alam na ng lahat na alam ko na na ako ang magmamana ng Organization.
Aaminin kong ayoko. Ayokong maging parte ng Mafia pero lahat sila ay hindi sang-ayon sa naging pasya ko. All of the family under Tanda's rule doesn't please about my decision. Lahat ng sasabihin ko ay kinokontra nila kaya ang tangi ko nalang ginawa ay ang manahimik at magkulong sa kwarto. What's the purpose of opposing them kung wala namang makikinig. I'll just make myself tired.
*Knock! Knock!
Bago pa man ako makasagot ay bumukas na agad ang pinto at niluwa nito si Ryan na abot tenga ang ngiti. He really resembles his twin Gian.
"Merry Christmas Boss! Here's my gift!"
Patakbo siyang tumabi sakin sa pagkakahiga at hinampas sa noo ko ang maliit na kahong dala niya.
"Aray! bat ka ba nanghahampas!" singhal ko sa kanya. Bumangon ako at hinimas ang parte ng noo na tinamaan yata ng edge nung kahon.
"Hahahahaha! Init naman ng ulo ni Boss, ikaw na nga dinalhan ng gift ehh!"
"I don't want a gift. Wala ako sa mood tumanggap. Ibigay mo nalang yan kay Caleb o di kaya itapon mo nalang." Tumalikod ako sa kanya at pumunta ng veranda. Sumalubong sakin ang malamig na simoy ng hangin dala ng malamig na klima dito sa Japan. Mabilis namang sumunod sakin si Ryan at inunahan pa akong makaupo sa favorite spot ko.
"Sige na boss! Buksan mo na to. Sa malayo ko pa ito nakuha. Sige na! Pag hindi mo ito tinanggap hindi na kita bibisitahin dito! Sige ka!" pananakot niya sakin. Inirapan ko siya bago hinablot ang kahong kanina pa niya binabalandra sakin.
"Ako pa talaga tinakot mo eh no? Tss." Tamad kong binuksan ang kahon at napakunot noo ako sa nakitang laman nito.
"Sampaguita? Seryoso?"
"Ang ganda hindi ba? Galing pa yang Pilipinas boss!"
"Pinagloloko mo ba ako Ryan? Anong gagawin ko dito? Kakainin?"
"Try mo baka masarap."
"Sapak you want?!"
"Ito naman high blood agad." Sabay nguso niya. Sinimangutan ko siya at bumalik sa loob para ilagay sa table ang kahon ng Sampaguita at bumalik ulit sa veranda. Naabutan ko siyang nakatulala sa langit.
"Do you want to go out?" tanong niya nang hindi ako nililingon.
"Wala akong planong maglibot kung ganito kalamig ang panahon at lalo na kung hindi ko rin alam ang lumalabas sa bibig ng mga taong makakasalubong ko."
BINABASA MO ANG
Silver Claws ( COMPLETED )
Ficțiune adolescențiLies... Betrayal... Pain Her name is as cool as her personality. She doesn't need anything to make her the right girl for a guy because she's already the right one. He's a snob, cold and weird. He's nothing but a good-snober but because of that he b...
