Claws 14

2K 40 2
                                        

Chapter 14

Napunta ako sa isang kainan na malapit lang sa hotel. Ilang lakad lang ang layo nito kaya hindi na ako napagod sa kakalakad. It's just a small sea food restaurant. May ilang kumakain at nang makakita ako ng isang table for one ay agad akong umupo roon.

I just ordered a sweet and sour shrimp, rice and a buko juice. Hindi ganoon karami ang tao kaya hindi rin ganoon kaingay. My stare went to the sea shore at my iilan akong nakikita na naliligo parin kahit dapit hapon na. I wonder if nasaan na kaya yung tatlong yun.

Mahinang kumalabog ang kalapit na mesa kaya't napunta doon ang tingin ko at muntik na akong mabulunan nang makilala kung sino ang nakaupo roon.

"Anong ginagawa mo dito?!"

Napalingon siya sakin at bakas naman ang pagtataka nito saking inakto. I unconsciously bite my lips. Ang OA naman yata ng reaction ko.

"Bawal ba? Kakain lang naman ako dito ah." Nag-iwas nalang ako ng tingin at hindi siya pinansin. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Peste kasi tong bibig ko eh.

Pinagpasalamat ko naman nang hindi niya ako pinansin sahalip ay nag-order ito ng makakain. My eyebrow suddenly raised nang makitang kapareho ng order ko ang kanyang inorder.

"Kung iniisip mong ginaya ko ang order mo, look at the menu. It's their main dish for today."

Napasunod naman ang tingin ko sa hawak niyang menu at doon ko lang napansin na ang main dish pala nila ang inorder ko. Sinamaan ko siya ng tingin at mabilis na tinapos ang kinakain.

Halos simutin ko ang buko juice para lang makaalis agad. Agad akong tumayo nang maubos ang aking inorder. Napalingon ako sa katabing mesa nang mapansin ang nagtataka nitong tingin sakin.

"Nagmamadali ka yata?" tamad niyang tanong.

Tumayo siya at akmang lalapit sakin. Bago pa siya makahakbang muli ay agad akong lumabas ng restaurant at mabilis na tumakbo kahit na kakatapos ko lang kumain. Huminto lang ako sa pagtakbo ng makaramdam na medyo nakalayo na ako.

Wait? Why am I avoiding him? Am I avoiding him?

Kinaltukan ko ang sarili. Ano ba itong ginagawa ko? Hindi ko naman alam kung ano ang nangyayari sakin. Basta pagkakita ko kay Third ay bigla akong kinabahan sa hindi malamang kadahilanan. After shock siguro toh ng paggising sakin ni Shane.. yung Intsik na yun talaga.

My gaze went to the near souvenir stalls. Ngayon ko lang napansin na papalubog na ang araw, kaya pala may mga ilaw ng nakasindi.

"Hey."

Napakislot ako nang biglang may humawak saking balikat. Napalingon naman ako saking likod at doon ko nakita ang nakangiting mukha ni Red. I sigh in relief. Akala ko naman si ano....

"Sorry. Did I startle you?"

"No! no no. May iniisip lang kasi ako kaya medyo hindi ako aware sa paligid."

Tumango naman siya at sinabayan ako sa paglalakad.

"Bibili ka ba ng souvenir? Isn't too early? We still have three days to stay here." Tanong niya nang mapansin ang pagtingin ko sa mga stall ng souvenirs.

"Hindi. Wala naman kasi akong gagawin kaya nagpasya akong maglibot-libot muna. I'm just enjoying the night breeze." Nakangiti kong sabi sabay tingala sa langit na ngayon ay kinain na ng dilim.

We saw an empty cottage kaya nagpasya kaming tumambay doon. May mga Christmas lights ang cottage kaya masarap pagmasdan, idagdag pa na maganda ang ngiti ng kasama ko.

Silver Claws ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon