Claws 44

1.7K 23 0
                                    

Chapter 44


Yeniesh's POV


Ilang bwan na ang nakalilipas simula nang magsimula ang pagiging Mistress in training ko and so far maganda naman ang naging resulta.


"Boss! Tama na! Ayoko pang mamatay!" naiiyak na pigil sakin ni Ryan. Huminto ako sa akmang pagsuntok sa kanya at pinangunutan siya ng noo.


"Hindi pa tayo tapos kaya lumapit ka sakin." sabay senyas ko sa kanyang lumapit.


Mahigpit siyang umiling at lumabas ng ring. Today, we're doing boxing at hindi pa ako nag-iinit suot ang gloves nang biglang mag-inarte ang lalaking ito.


"Ayoko na! Hinaharas mo na ako boss eh! Ang sabi ko wag mong tatamaan ang gwapo kong mukha pero anong ginawa mo?! Halos lahat ng suntok mo sapol sa mukha ko!!" mabilis niyang hinubad ang suot na gloves at agad na humarap sa salamin.


"WTF?!!! Magkakapasa pa yata!!"


Naiiling nalang akong pinagmasdan siyang abala sa pag-aalala niya sa kanyang pagmumukha.


"Minsan talaga hindi ko mapigilang isipin na bakla ka."


"WHAT?!"


"You keep on acting like a girl."


"What the fck?!!! I can't believe it! Sa gwapo kong ito?! Magiging bakla lang?! Minsan hindi ko rin mapigilan ang sariling isipin na hindi ka talaga babae eh. Bakit ba ang hilig mong saktan ang damdamin ko?! Ha?! ang sama mong tao!"


Napakamot nalang ako sa ulo at tinalikuran siya. Minsan talaga hindi ko makuha ang pag-iisip ng taong ito ehh. Minsan may topak, minsan abnoy, minsan bakla. Hay nako ewan.


*toot toot..


I checked my phone when it suddenly dinged. My brother's name popped out.


[from: Yohan
'Kindle crib, now.']


Napataas ang kilay ko sa text niya. Ang tamad talaga nito, ultimo sa text ang tipid paring magsalita.


[To: Yohan
'Coming.']


"Hoy bakla, Kindle Crib raw sabi ni Yohan."


"Anong tinawag mo sakin?!"


Inirapan ko nalang siya at lumabas ng gym.




-----
Mabilis kaming nakarating ni Ryan sa Kindle Crib kung saan naghihintay ang tamad kong kapatid, it's a bar by the way.


"May mission na naman ba tayo dito boss?" tanong ni Ryan.


"I don't know. Wala naman siyang sinabi ehh."


Agad kaming pumasok at sumalubong samin ang pamilyar na amoy ng paligid. Hindi pa man humahalik ang bwan sa kalangitan ay nagsisimula nang maging wild ang mga tao dito.


Agad naming nakita si Yohan sa bar counter kaya hindi na kami nag-aksaya ng panahon na lumapit sa kanya. Sa tagal ng pagsasama namin, nakaya ko ng tanggapin siya sa sistema ko, after all hindi ko na mababago ang katotohanang kapatid ko siya. And he keeps on telling me to call him Yohan dahil yun naman daw ang totoo niyang pangalan, so sinunod ko nalang hanggang sa kusa nang lumalabas sa bibig ko ang pagtawag sa kanya ng 'Yohan.'


Nang makalapit kami sa kanya ay agad na umakbay sa kanya si Ryan.


"Anong meron tayo ngayon Master?"


Silver Claws ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon