Chapter 30
~~~ Present time...
Yeniesh's POV
Kaluskos mula sa pintong nakasara ang kumuha sa aking atensyon habang nakatulala sa kawalan. Sa tulong ng malamlam na liwanag galing sa bintana, nakita ko ang isang lalaking may suot na itim na maskara. May dala itong tray ng pagkain. Naalis sa kanya ang aking tingin nang makita ang taong nakasunod sa kanya. Matangkad ito at may suot na maskara pero hindi tulad nang suot ng nauna, Joker ang sa kanya.
Matapos mailagay ang tray ng pagkain sa side table, agad na umalis yung lalaking nakamaskara ng itim habang nanatili naman ang naka joker mask. Sa kabila nang suot niyang maskara na natatakpan ang buong mukha nito, alam kong nakatitig siya sakin. Bigla akong nakaramdam ng paninindig ng balahibo saking batok sa hindi ko malamang dahilan. The atmosphere in this room suddenly became heavy. Naglakas loob akong nagsalita dahil kapag nagtagal pa ang katahimikang bumabalot samin, baka tuluyan na akong makaramdam ng takot dahil sa taong ito. And to tell you what, fear is not my thing.
"Who are you?." Hindi ako nabigong ituwid ang aking boses sa kabila ng kakaibang pakiramdam na hatid niya. His aura speaks danger and I don't like it.
"I'm nobody." Nag-eco sa apat na sulok ng kwarto ang malalim niyang boses.
"But you can call me Thief... because that's my job. Stealing valuable things just like... you." Muling nanindig ang balahibo ko dahil alam kong sa likod ng maskarang suot niya nakakubli ang isang mapanganib na ngisi.
"I'm not valuable Mr. Thief. At kung pagnanakaw nga ang trabaho mo, bakit ako ang nandito at hindi ang pera o kayamanan na kadalasan niyong ninanakaw." Nilakasan ko ang loob na magmukhang matapang at hindi pinansin ang kakaibang aura na nagmumula sa kanya.
Naglakad-lakad siya sa harapan ko habang nakalagay ang mga kamay sa kanyang likuran na para siyang propesor na nagleleksyon.
"You heard me princess, I steal valuable things. I don't need money like what's you've said. Kailangan ko ang mga bagay na mahahalaga. And when I said mahalaga, isa ka na doon. At isa pa, ang mga bagay na kakailanganin ko lang sa mga plano ko ang ninanakaw ko." Huminto siya sa mismong harapan ko at pinantay ang kanyang mukha sakin.
Nagkaroon ako ng pagkakataong masilip ang kanyang mga mata na siyang sana ay hindi ko na ginawa. Nabalot ng takot ang buong sistema ko nang magtama ang aming paningin. Ang itim at singkit niyang mga mata. Blangko ang mga ito na parang walang buhay.
"A-Ano bang p-pinagsasabi mo?" hindi ko na mapigilang mautal. Nilayo niya sakin ang kanyang mukha at muling naglakad-lakad.
"Tell me, did your parents told you about the problem they were facing right now? Did they tell you anything concerning to the murder cases happened in your company?"
"W-What?"
Murder? Sa c-company? Ito ba ang problemang hindi nila masabi-sabi sakin?
"Oh, I guess they didn't tell their princess. Well then, let me tell you about it my dear. Let's start with a little introduction. Your dad, Peter Ramirez, have a friend named Lawrence. That Lawrence is one of his closed friends that were very loyal to him. They both have their own company. The first one is as high as the sky and the other one is as strong like mountains." Tumigil siya sa pagsasalita at napalingon sa tray na may pagkain.
"Why don't you eat while I talk? This will be a little too long so maybe----"
"I'm good. Just continue talking." Mabilis kong sagot dahil gusto ko nang malaman ang tungkol kina daddy. I've been dying to know about that problem. They've been secretive to me these past days at may karapatan akong malaman ang tungkol dito.
BINABASA MO ANG
Silver Claws ( COMPLETED )
Teen FictionLies... Betrayal... Pain Her name is as cool as her personality. She doesn't need anything to make her the right girl for a guy because she's already the right one. He's a snob, cold and weird. He's nothing but a good-snober but because of that he b...