Epilogue

3K 46 9
                                    

Epilogue

Lumaki akong namulat sa kaisipang hindi naging pabor sakin ang mundo. Nagkaisip akong laging wala sa panig ko ang tadhana. Lahat ng gusto ko ay kailangan ko munang paghirapan kahit na galing ako sa marangyang pamilya.

Masama ba akong tao sa past life ko para maranasan ko ang lahat ng paghihirap at sakit na kinakaharap ko ngayon? Ni minsan ba may nangyari sakin na hindi ako nasaktan? Bakit parang ang daya naman?

Kasi kung nasa panig ko ang mundo bakit hinahayaan niya akong maramdaman ang sakit?

Tulala akong nakatingin ngayon sa dalawang taong naghahalikan sa harapan ko. Gusto ko silang pigilan. Gusto kong pumagitna at saktan silang dalawa pero hindi ko manlang magalaw ni isang paa ko. Na parang mas gusto pa nitong makita ko ang lahat at mamatay sa sakit na nararamdaman.

Hindi ko magawang umusal manlang ng isang salita para sabihan ang lalaking mahal ko na nandito ako ngayon sa harapan niya at nakikita ang ginagawa niyang pagtataksil sakin.

Kusang kumawa ang mga luhang ni minsan ay hindi ko inakalang lalabas dahil sa kanya.

“T-Third.” Basag ang boses na naiusal ko ang kanyang pangalan.

Nahinto sila sa paghahalikan at napalingon sakin. Halos gumuho ang mundo ko nang magtagpo ang aming tingin. Tulad noong una naming pagkikita, I can see coldness in his eyes na para bang hindi niya ako nakikilala, na parang hindi ako yung babaeng minsan niyang pinagsabihang mahal niya.

Nakita ko kung paano lumandas ang ngisi sa labi ng babaeng ngayon ay nasa kanyang mga bisig na dapat ay ako ang nandoon. That’s my place, I should be the one holding him and kissing him.

“Who is she babe?” tanong nito kay Third. Babe?

“I don’t know her.” Malamig na turan ni Third.

The girl held his face and kissed him again. This time it’s deeper and aggressive. They kiss as if wala ako sa harap nila. Mas lalo akong nasaktan nang makitang hinayaan lang siyang halikan ng babae. He even held her private parts.

“I w-want to talk to you, Third. Alone” Nilakasan ko ang loob kong kausapin siya. Muli silang natigil.

“Ano bang kailangan mo?” bakas ang irita sa kanyang boses.

“Gusto kitang makausap.”

Napabuntong hininga siya at maingat na ibinaba ang babae mula sa kanyang kandungan. Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko makayanan ang nakikita ko.

“Let’s continue later, I just have to talk to her.”

Agad namang tumalima yung babae na nagawa pa akong irapan. Naiwan kaming dalawa dito sa garden ng school. namayani ang katahimikan saming dalawa. Hindi ko magawang magsalita. Parang may nakabara sa lalamunan ko and once na simulan kong magsalita, I might lose my control and let myself break down in front of him.

“Anong gusto mong pag-usapan natin at kailangang tayo lang dalawa.”

“Kailan pa.” sinalubong ko ang kanyang tingin ng buong tapang. Napangunot noo siya at hindi sumagot.

“Kailan mo pa ako niloloko? Sino yung babaeng iyon? Bakit hindi mo tinupad ang pangako mong babalikan ako? A-Anong nangyari Third? B-Bakit?”

“Am I required to answer it all?” tanong niya na parang walang planong sagutin ni isa sa mga tanong ko.

“How about you play with me for the mean time?”

Silver Claws ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon