Chapter 29
Yeniesh’s POV
Unti-unti akong nagmulat ng mata. Unang rumihestro saking isipan ang huling nangyari bago ako mawalan ng malay. Ang nangyari sa kotse namin, si M-Mang Leo, at yung mga nandukot sakin.
Una kong tiningnan ang kinalalagyan ko. I’m lying in a single bed. Medyo madilim din ang kwartong kinalalagyan ko at tanging ilaw mula sa labas ng maliit na bintana ang nagsisilbing liwanag. Pinakiramdaman ko rin ang aking sarili. Walang masakit bukod sa ulo kong nauntog kanina sa kotse. Kinapa ko ito at napansin kong may bandage na nakalagay dito. Uniform parin ang suot ko kaya’t nasisiguro kong ang sugat ko lang sa ulo ang ginalaw nila. Bukod sa kama, maliit na mesa at isang mono block na upuan, wala ng ibang gamit ang nandito.
Sinubukan kong buksan ang pintong gawa sa kahoy pero nakalock ito. Nilapitan ko rin ang bintana malapit sa kama. Wala akong ibang nakikita kundi matatayog na puno lamang.
“Sa gubat pa yata nila ako ulit dinala.” Bulong ko saking sarili. Noong una ay nagising akong nakatali sa isang upuan, ngayon naman ay nakahiga sa isang kama at nakakulong sa isang kwarto. At kung mamalasin, mukhang nasa gitna na naman ako ng gubat.
Lumapit ulit ako sa pinto at malakas itong kinalambag.
“HELLO?! MAY HAYOP BA DYAN?! PALABASIN NIYO AKO DITO MGA ANIMAL KAYO!! TULONG! MAY TAO BA DYAN O KAHIT HAYOP MANLANG?! TULONG! TANGINA PALABASIN NIYO AKO DITO!!”
Wala akong ibang naririnig kundi ang ingay na aking ginawa kaya nang mapagod ako ay bumalik nalang ako sa kama at napabuntong hiningang sumalampak doon. Kahit anong gawin kong kalampag eh mukhang walang nakakarinig sakin. Iniwan pa yata akong mag-isa dito. Bwisit.
Wala akong ideya kung sino naman ang kumidnapped sakin ngayon. Noong una ay hindi naman ganoon kadelikad, pero ngayon kasi, may nadamay ng inosente. Yung driver naming si Mang Leo, wala siyang asawa at anak na umaasa sa kanya pero hindi niya deserve na mamatay dahil sakin.
Kasalanan ko kung bakit siya namatay, kasalan ko kung bakit siya nadamay. Kung hindi nalang sana ako nagpahatid sa kanya edi sana tumatawa pa siya ngayon kasama ng iba naming tauhan sa bahay.
Sa tulong ng ilaw na nagmumula sa bintana, nakita ko kung paano magpatakan ang luha ko saking mga binti habang nakaupo sa kama. Inaamin kong hindi ganoon kaganda ang ugali ko, bilang isang babae ay matalas pa ang dila ko dahil sa walang pakundangan kong pagmumura kahit kailan ko gustuhin. Wala rin akong pake sa mga taong nakapaligid sakin dahil sarili ko lang ang iniisip ko. Wala rin akong pake sa kung ano man ang sasabihin nila, I don’t care if they’re badmouthing me as long as they won’t cross the line, wala akong pakialam sa kanila.
Pero sa sitwasyon ko ngayon, hindi ko maiwasang maging mahina. At ito ang pinaka ayokong parte ng pagkatao ko, ang pagiging mahina. Dahil sa pagiging mahina ko nawala ang taong pinakaimportante sa buhay ko. Ang taong nagparealize sakin na mahalaga ang buhay ng isang tao. Kung gaano kaswerte ang isang tulad ko na nabubuhay sa mundong ibabaw. Dahil sa kanya ay natuto akong magpahalaga sa ibang tao at magkaroon ng pake sa mga nakapaligid sakin.
Pero nang mawala siya dahil sa kahinaan ko, muling nawalan ng kulay ang buhay ko. Bumalik ako sa pagiging rebelde at muling nawalan ng pake sa mga taong nakapaligid sakin.
Nanikip ang dibdib ko nang maalala kung paano niya ako ngitian na parang ako na ang pinakamahalagang tao para sa kanya. Yung mga huli niyang ngiti na sana ay mas tinitigan ko pa ng mas matagal kung alam ko lang na yun na ang magiging huli niyang ngiti sakin.
BINABASA MO ANG
Silver Claws ( COMPLETED )
Roman pour AdolescentsLies... Betrayal... Pain Her name is as cool as her personality. She doesn't need anything to make her the right girl for a guy because she's already the right one. He's a snob, cold and weird. He's nothing but a good-snober but because of that he b...
