Chapter 9
Ilang beses ko ng tinatak sa isip ko na ang salitang peace at ang pangalan ko ay hindi magkadungtong. Pero ngayon ay parang gusto kong iapply ang salitang yan. Paggising ko palang kanina ay masama na ang pakiramdam ko. Parang hihiwalay ang ulo ko sa sobrang sakit. At hindi nakakatulong ang ingay ngayon sa kwarto namin.
Tinapunan ko ng masamang tingin ang dalawang babaeng nagsasabunutan sa hindi malamang kadahilanan. Marami ang umaawat sa kanila pero wala parin silang tigil sa pagsasakitan.
"Ang lakas ng loob mong landiin ang boyfriend ko!"
"Hindi ko siya nilandi! Siya ang kusang lumapit sakin! Aray! let go of my hair!"
"Sinungaling! Kitangkita ko ang pang-aakit mo sa kanya!"
Lintik yan. Yun lang ang pinag-aawayan nila pero halos magpatayan na silang dalawa. Mabigat ang ulo ko kaya tinatamad akong umawat. Bahala na sila dyan.
"Nerd Guardian! Stop them!"
"Oo nga! Nagkakasakitan na sila!"
"We can't stop them! We need a Guardian power!"
Nag-angat ako ng tingin at sinamaan sila ng tingin. Guardian Power? Ang dami nilang alam ha. Padabog akong tumayo at mabibigat ang hakbang na pumagitna sa dalawa. Nahinto naman sila at kapwa masama ang tingin sakin. Tusukin ko kaya yang mata niyo?
"Umalis ka dyan! Hindi ko pa tapos kalbuhin ang babaeng yan!" nanggagalaiting turan ng isa sa kanila.
"Shut up Karen! Ikaw ang kakalbuhin ko. And you Guardian! Hayaan mo kami rito!" sabat naman nung isa.
"Masakit ang ulo ko sa ingay nyong dalawa kaya bago ko pa kayo parehong makalbo ay tumigil na kayo." Bakas ang inis sa boses ko pero hindi manlang sila nasindak at nagpatuloy sa pagsasamaan ng tingin. Napapikit ako sasobrang inis nang magsabunutan sila ulit. Ok! I've reached my limitation!
Bago pa tumagal ang kamay nila sa isa't isa ay pinaghiwalay ko na sila at isa-isang binigyan ng suntok sa mukha. Napasinghap ang lahat sa nakakita nang pareho silang bumagsak. Pareho silang nawalan ng malay. Isang suntok lang yun pero tulog agad. How weak.
"Tulungan niyo yan." Turo ko sa dalawa at agad naman silang nilapitan ng mga kaklase namin. Bumalik ako sa upuan ko at kinuha ang bag ko. Napatingin ako sa katabing bakanteng upuan. Hindi siya pumasok.
Matapos kong magpaalam kay Shane na pupunta muna ako ng clinic ay hindi na ako nagtagal pa at pumunta doon. Naabutan ko ang nurse na abala sa kanyang table. Nang makita ako ay mabilis itong tumayo at lumapit sakin.
"You need something?" nakangiti nitong tanong.
"Can I stay here? Masama kasi ang pakiramdam ko."
"Sure. You can take the available bed there. Bibigyan nalang kita ng gamot mamaya."
Agad kong binagsak ang sarili sa puting kama at mabilis na dinapuan ng antok.
Nagising ako ng maramdaman ang pag-alog ng kamang kinahihigaan ko. Nakita ko ang nurse na may nilagay sa mesang katabi ng kama ko.
"Gising ka na pala. Here's your medicine." Nilapag niya ang isang baso ng tubig at isang tablet ng gamot.
"How long I've been asleep Ms Nurse?"
"Call me Ate Anne. And to answer your question, you've been sleep for an hour now." Hindi na ako nagulat sa narinig. Kadalasan pa ngang mas mahaba ang tulog ko kapag masama ang pakiramdam ko. Inabot ko ang gamot at ang tubig at ininom ito. Nangangalahati na ako sa pag-inom sa tubig nang bigla akong nabilaukan.
BINABASA MO ANG
Silver Claws ( COMPLETED )
Ficção AdolescenteLies... Betrayal... Pain Her name is as cool as her personality. She doesn't need anything to make her the right girl for a guy because she's already the right one. He's a snob, cold and weird. He's nothing but a good-snober but because of that he b...