Makalipas ang ilang taon mula nang mamatay ang Goddess of Destruction, maraming pangyayari ang naganap sa mundo ng mga tao, sa Olympus at maging sa Underworld. Maraming nagbago, pero may nanatiling wala ring pagbabago.
Time flies and time heals. Pero para kay Hades, Time only flies. Past is past and in order to move forward, we have to let go all the bad memories we had. Ganyan ang pananaw ng mga tao at ng mga Olympian. But Hades is different from them. Hades do not treasure all the good memories and never forget the bad one. In short, he kept those bad memories to seek revenge.
His heart is full of madness, revenge, and wickedness. Lalo pang naging malala ang pagkatao niya nang mapunta sa Underworld kaya ganun na lamang siya maging sa mga kapatid.
Lalong umiral ang kasamaan niya ng mamatay ang anak at magmula noon ay hindi na rin siya lumabas ng Underworld, bagkus ay lagi nang nakaupo sa kanyang trono. Pero isang araw ay biglang may pumasok sa isip niya na pwede niyang gawing posible ang isang bagay na mukhang imposible.
"Nora. " tawag niya sa Fury na agad din namang lumitaw sa harapan niya.
"Yes Master. "
"Bring me the coffin. "
"Yes Master. " agad naman itong nawala ng walang tanong tanong pero ilang saglit pa ay bigla din itong bumalik.
Kasunod niya ay may mga Fury din na may dala-dalang coffin na gawa sa igneous rock. Wala itong panaklob kaya lantad na lantad ang kulay emerald na loob nito na bahagyang kumikinang kinang na parang crystal. Maingat itong ibinibaba ng mga fury sa harap ng trono ni Hades saka agad ding nawala pero naiwan si Nora.
"Bring all the Wardens and Furies here. " utos ni Hades at agad namang nawala si Nora para sundin ang iniutos sa kanya.
Pumwesto si Hades sa harap ng coffin at maingat na inilapat ang kamay sa gilid ng bukas na coffin.
"It's been a long time... " pagsasalita niya na parang may kausap habang pinaikutan ang bagay na nasa harap niya. "And you've slept too much. Now... is the time to rise again... my child. Be with me again. Join me... to start such epic destruction..."
All of a sudden, the body of Peres appeared inside the coffin and looks like sleeping deeply. She's wearing the black slightly furry gown and its sleeves cover her arms.
"I know my child how much you've missed the Underworld..."
Sa ilang sandali pa ay nagsilitawan ang mga Fury sa harap ng coffin ganun din ang mga Warden at ilang zombies na naglilingkod kay Hades. Ang warden sa Underworld ay mga itim na dragong may 6ft ang laki at may dala-dalang kadenang nagbabaga. Kanya kanyang linya ang Furies, Wardens, at Zombies na tahimik na nakatingin sa Hari nila.
"Today's the Day where the Goddess of Destruction will rise again. And you're all here to witness." while saying those words, his arms are wide open.
"We're all here to witness, Master. " sabay sabay na pag-uulit ng mga alagad ni Hades.
"My child... it's time to rise up! Rise my child!"
Matapos sumigaw ni Hades ay biglang lumindol ng malakas dahilan para may maglaglagang mga maliit na bato at konting lupa mula sa taas ng apat na sulok ng throne room. Saglit ring humangin ng malakas na nagpaatras sa position ni Hades palayo sa coffin ganun din ang mga alagad niya. Muli, ay lumapit si Hades sa anak niya habang hawak ng kanang kamay ang bident niya at ang kaliwang kamay naman ay nakalapat sa sariling abdomen na tinatabunan ng kanyang itim na robe.
Nang makita niya ang anak ay napansin niya ang biglang pagvisible ng mga itim at maliliit na ugat sa maputla nitong mukha at bahagyang umusok ng itim ang buong katawan niya. Nagbigay naman ito ng ngiti sa labi ni Hades saka marahang huminga ng malalim.
"That's right, my child." pabulong nitong sabi sa kawalan. "That's right."
Biglang nabasag ang katahimikan nang mabasag at madurog ang coffin kasabay ang biglang pagtayo ni Peres na hindi man lang naibend ang mga tuhod. Bahagyang nakalutang ang mga paa nito sa lupa pero nang mumulat na siya ay kusa itong bumaba.
Ikinagulat ng lahat ng alagad ang biglang paglanta at pag-itim ng ilang halaman sa loob ng throne room at bigla itong nabulok hanggang sa maagnas at matunaw.
"Welcome back, your Majesty. " pagbungad ng mga alagad ni Hades kay Peres na nagbow pa.
"You came back, my child. " pagbati ni Hades sa anak kaya nilingon siya nito.
"I... came back?" naguluhan nitong tanong sa ama na parang di nagtaka sa narinig nito. "What do you mean I came back?"
Sumulyap ng tingin si Hades kay Nora at agad namang nawala at umalis ang mga alagad ni Hades sa harap nila.
"My child... Are you—" magtatanong pa sana siya pero pinutol ito ng sunod sunod na tanong ng anak.
"Who am I? Where are we? I can't even remember this place. " halos kumunot ang noo na tanong ni Peres habang inikot ng tingin ang buong throne room.
"My child... this is our world. You were sleeping for a long time but I'm glad you already woke up." bahagya itong ngumiti saka lumapit sa anak at hinaplos ang kaliwang pisngi. "I'm your father, and you are my daughter... Aurora. "
"Aurora?" Kunot noo ulit nitong tanong na parang bago ang mga naririnig.
"Yes my child. Don't worry. I'll help you to remember everything." ngumiti ulit ito saka tumalikod sa anak na parang gulong gulo ang pag-iisip.
'I'll help you to remember nothing.' bulong nito sa sarili at ngumiti na parang nagtagumpay na masamang plano.
*****