CHAPTER 2: Bad Omen

192 7 0
                                    

May lumutang na malaking bato mula sa sahig at ang ibabaw nito ay naging isang malaki at malawak na lugar na 3D. Sa gitna nito ay may nakalutang na malaking flat na bato at may kalakihan din ito. Yun siguro ang sinasabi ni Dad na bagong Olympus na invinsible sa mata ng mga mortal.

"I want you to surprise Olympus while others are destroying their world. " seryosong sabi ni Dad kaya tumango ako.

"That's a wicked one."

"Not much, my child." he grinned.

"How about Titans?" bigla kong tanong.

"Let's don't mind them. Besides, may matagal nang di nagiexist sa kanila. And fortunately, some of them are my allies."

"What's next after we destroy them?" tanong ko habang inaaral ang buong Olympus.

"We can bring back your mom. We can live together. And we... will rule the whole World. "

Hindi ko alam pero kusa akong napangiti nang marinig ang mga salitang yun mula sa kanya. It's like a vision na feeling ko dapat dati pa namin ginawa.

"Bakit... hindi natin 'to ginawa noon pa?" nang itanong ko yun ay mabilis na nawala ang ngiti sa labi ni Dad kasabay ang pagbabago din ng aura nito.

"Just don't mind it Dad. I asked too many questions. " pagbawi ko na lang.

"Just forget it. We have a lot of things to focus on." kusang nawala ang mapa at napalitan naman ito ng hologram na ipinapakita ang twelve Olympians. "Iisa isahin natin silang lahat. But first, sisimulan natin sa mga nasasakupan nila. And I want you to watch them, my child." saka siya tumingin sa akin, habang ako ay nanatili lang sa pakikinig.

"Know their plans. Know everything. I know you'll never disappoint me. Right, my child?" it was a challenging tone of his voice kaya nginitian ko siya.

"Of course, father. I will never... ever disappoint you." after niyang marinig saken yun ay ngumiti din ulit siya.

H A D E S

Nag-uumapaw ang saya nito sa nangyayari. Alam niya noong una pa lang na ang kapalit ng pagpupumilit niyang buhayin ang anak ay ang pagkawala ng lahat ng alaala nito. At yun ay napakalaking pabor naman para sa kanya. Simula nung una pa lang gusto niya na siya lang ang pinakikinggan ng anak subalit hindi naman ito ang nangyari noon dahil may sarili itong mga pananaw.

Dahil siya ang bumuhay sa anak, ay siya lamang din ang tanging natatandaan nito. Siya lang at kung sino o ano ang ganap niya sa buhay ni Peres. Pero kung ano man ang mga nangyari sa kanilang nakaraan ay mabubura lahat yun sa isip ng anak.

Nabura ang lahat ng alaala nito pero kasabay nun ay ang pag-doble ng lakas at kapangyarihan nito na posibleng ikawasak ng lahat ng may buhay sa mundo.

Hindi ilalagay ni Hades sa panganib ang anak, pero kaya niyang ilagay sa panganib lahat sa pamamagitan ng anak niya. At dahil kasama na ulit si Peres ay wala itong ibang gusto kundi pabagsakin ang Olympians kasama ang mga kasapi nito.

"I'm now giving you my permission to go to above world at any time, my child."

Kung dati ay mahirap yun para kay Hades, ngayon ay iba na dahil alam niyang siya lang ang pakikinggan ng anak at wala ng iba. Malaki rin ang tiwala niya dito ngayon lalo't alam niya na imposibleng maibalik ang mga alaala nito.


"Pero... wag mo munang gagalawin ang kahit na sino sa mga Olympian." pagpapaalala ni Hades sa anak dahil nakikita niya sa mga mata ni Peres kung gaano ito kaagresibo ngayon pumatay at sabik sa laban. "Wag muna. Nagkakaintindihan ba tayo, Aurora?" tanong nito kaya tumango ang anak saka bahagyang ngumiti.

Dawn Of DestructionWhere stories live. Discover now