CHAPTER 14: Heart

140 3 0
                                    

WEST

Ang mga alagad ni Hera at Hermes ay sinalubong ni Aeolus at ng mga mandirigma nito. May mga huntress din sa itaas ng pader na nagpaulan agad ng nagliliyab na mga arrow sa direksyon nina Aeolus pero tumalsik lang ang mga 'yon nang mag-wave siya ng isang kamay.

"Shit!" bulalas ng isa sa mga huntress nang makita kung ano lang ang nangyari sa mga inasinta nila.

"It's... the God of Wind and Air!" dagdag pa ng tauhan ni Hermes kaya tumigil ang ilan sa mga fighter din ni Hera at tiningnan ang mga kalaban na halos hindi nahihirapan sa pag-atake.

"What are we gonna do now?!"

"Our arrows can't handle the wind." napapailing na pagbibigay alam ng isa pang huntress sa iba pang archer.

"Close attacks." pagsagot ng isa sa fighter ni Hera na may double axe. "It will probably work." pagkasabi niya nun ay tumalon siya palabas ng pader at sumugod sa mga kalaban. May napaslang naman siya kaya sinundan yung ng mga fighter ni Hermes at iba pang fighter ni Hera. Mabilis silang nakaabante pero nang mapansin yun ni Aeolus ay lumikha siya ng tatlong ipo-ipo na mabilis nakapagpatalsik sa mga kalaban. Sinubukan niyang sirain ang diamond na pader sa pamamagitan ng mga ipo-ipo pero mukhang wala yung naging epekto kaya pinag-isa niya ang tatlo at mas pinalaki pa hanggang sa maging buhawi na mabilis na tumangay sa mga huntress at mga kalabang nasa labas at itaas ng pader.

Mabilis na nag-echo sa buong paligid ang malakas na halakhak ni Aeolus na sinundan pa ng sigaw.

"No one can deal with my wind! No one!" nasundan ulit yun ng malalakas na halakhak habang ang malaking buhawi ay bumubunggo sa pader na lumalakad paikot dahilan para mahigop din ang ilan sa mga nasa loob ng pader.

SOUTH

Maraming tauhan si Demeter at Hephaestus na nasa labas na ng pader at madugong nakikipag laban sa mga alagad ni Aristaeus na whip na may mga spike ang mga armas na gamit sa pakikipaglaban, kaya nahihirapan ang mga fighter nina Demeter.

"Leave him to me." pagharang ni Hephaestus kay Demeter nang magtangkang sumugod ito.

"Then go. He's all yours." walang pag-aalinlangang pagpapaubaya ni Demeter sabay sugod sa mga tauhan ni Aristaeus gamit ang sword niyang gawa sa ginto na hugis wheat at nagisprinkle rin ng wheat grain sa t'wing iginagalaw ni Demeter.

Sa kabilang dako, napangiti si Aristaeus dahil sa ginawa ni Hephaestus.

"Well... well..." nakangiting reaksiyon ni Aristaeus habang nilalaro ang scythe niya pero naagaw lalo ni Hephaestus ang atensyon niya nang may lumitaw rin na scythe sa kaliwang kamay niya na may dalawang blade. "I'll end you, Vulcan." ngumisi ito pero bago pa siya umatake ay inunahan na siya ni Hephaestus na parang hangin sa bilis ng paglitaw sa harap niya pero mabilis niyang nadeflect ang mga atake nito.

Sa pangalawang pagkakataon ay si Aristaeus naman ang sumugod na tumalon pa sa ere pero ikinatalsik niya ang pagdeflect ni Hephaestus sa atake niya.

"Didn't see that coming." ngumiti ito ng nakakaloko saka mabilis na tumayo at sumugod ulit kay Hephaestus na sumugod din sa direksyon niya. "You are no longer Olympian, Vulcan..."

"I don't waste my time blabbing with some birdbrain." madiing bwelta ni Hephaestus sabay hampas ng scythe niya sa kalaban pero nadeflect din ito ng scythe niya.

"Arghh!" naiinis na sumugod ulit si Aristaeus at sunod-sunod na hinahampas si Hephaestus sa magkabilang side nito pero mabilis rin yung nadedeflect dahilan para mas lalo pa niyang atakehin ito ng magkakasunod pa habang tumatalon sa ere at sumusulpot sa likod ng kalaban. "Yan lang ba ang kaya mo?! Ha, Vulcan?! So weak of YOU. Sa pangalan ka lang pala malakas. Pero sa totoo, isa ka lang mahina tulad ng iba dito sa Olympus." tumawa siya nang malakas na punong puno ng pang-iinsulto habang buong pwersa niyang inaatake si Hephaestus na dinidepensahan ang sarili mula sa mga atake niya, pero napatigil siya sa pagtawa nang tumalsik siya ng malayo dahil sa lakas ng paghampas sa kanya ni Hephaestus na nagbabaga ang mga matang nakapako sa kanya.

Dawn Of DestructionWhere stories live. Discover now