E P I L O G U E

193 8 3
                                    


"M-master Hades?"


"Are you alright?" dagdag na tanong nito.

Wala sa sariling napatingin si Hades kay Nora pati na rin sa mga nasa harapan niya. Nakatingin lahat ito sa kanya na puno ng pagtataka sa kung ano bang nangyayari sa hari nila.

Nasa harapan niya pa rin ang coffin ni Peres na parang mahimbing lamang sa pagkakatulog. Buo pa rin ang coffin. At maayos ang lagay ng lahat.

Inalis niya ang kamay na nakalapat sa gilid ng coffin nito saka tumingin kay Nora.

"W-what just happened?" nagtatakang tanong ni Hades pero maging si Nora ay nagtaka din sa tanong niya.

"T-There's nothing happened master. You're just... staring at... your daughter."

"Are you... are you crying, my Lord?" pahabol pa nitong tanong.

Bahagyang napakunot ang noo ni Hades sa tanong na 'yon ni Nora. Kaya't napahawak siya sa sariling pisngi at napagtanto na basa pala ito. Hindi rin sigurado sa kung kelan pa siya nakatayo sa harap ng kinahihimlayan ng anak.

"H-How long am I staring at her?"

"N-not so long, my Lord." nag-aalangan na sagot ni Nora dahil sa pagkakaalam nito ay hindi naman talaga matagal. "You just keep on saying 'I'm sorry' while looking at her."

Bahagyang napatingin si Hades sa abdomen niya at saglit na hinawakan 'yon ng isang kamay saka marahang pinagmasdan ang paligid hanggang sa mabaling muli ang tingin kay Peres.

"About an hour?" tanong pa ni Hades.

"Minutes... my Lord."

Tinitigan pa ni Hades ng sandali si Peres saka hinaplos ang kaliwang pisngi nito pagkatapos ay hinalikan sa noo.

"Bury her along with her mother's graveyard." utos ni Hades kay Nora at kumilos naman agad ito ng wala ng tanong tanong.

Inihatid ng mga warden ang coffin ni Peres sa tabi ng libingan ni Persephone kasama ang iba pa habang si Hades ay nasa likod nila at tahimik na nakapanood hanggang sa mailibing ang anak.



OLYMPUS

Payapa at may galak ang lahat para sa darating na masayang pagdiriwang.

Maganda ang panahon at masaya ang kulay ng langit.

Nagliliparan ang may iba't ibang kulay na paru-paro at maliliit na ibon sa paligid na sumasabay sa himig ng masayang tugtog na nililikha ng ilan sa alagad ni Apollo. Nagtutulong tulong ang lahat ng alagad ng Olympians para sa pagdiriwang. Gumagawa ng mga dekorasyon na gawa sa masasayang kulay ng bulaklak ang mga alagad ni Aphrodite at Demeter.

Habang sa kabilang dako naman ay nag-aayos ng mga mesa at upuan ang mga alagad ni Hera at Hestia. Ganun din naman ay naglalagay ng mga prutas at alak sa bawat mesa ng dining pavilion ang mga alagad ni Dionysus.

"Naipadala na ba lahat ng imbitasyon?" bungad na tanong ni Zeus nang dumating sa harapan nila si Hermes na nakangiti.

"Tulad ng inaasahan." masayang sagot nito na bahagyang nag-bow pa.

Sa oras ng pagdiriwang ay pinapaliwanag ng bilog na buwan at maningning na mga bituin ang madilim na paligid. Nagsisiliparan sa paligid ang kumukuti kutitap na mga alitaptap habang ang ilan sa mga ito ay pinapagliwanag ang ilan sa mga matitingkad na bulaklak sa paligid ng pavilion.

Taglamig na sa panahon na 'yon kaya lahat ay mahaba at medyo makapal na ang kasuotan na suot.

Halos karamihan sa mga naimbetahan ay minor gods at demigods na hindi naman pinalampas ang paanyaya ni Zeus.

May masasayang nagsasayawan at sinasabayan ang malamig na himig ng musika. May mga nagkukwentuhan sa bawat mesa habang nagsasalo salo sa masarap na hapunan. At may ibang umiikot sa bawat grupo para batiin ang bawat isa.

Sa labas ng pavilion malapit sa pasukan nito ay naroon si Zeus. Parang isang ama na puno ng galak ang nararamdaman habang pinapanood ang masayang kaganapan sa loob habang hawak ang isang kopita na may lamang wine. Abot rin ng mga tingin nya ang pakikisalamuha at pagbati ng mga Olympian sa mga bisita nila.

"Am I late for the celebration?"

Nawala ang ngiti ni Zeus sa tanong na yun at napahinto sa pagbuka ng bibig sa iinumin na sanang alak. Marahan niyang nilingon ang pinanggalingan ng boses at napatitig dito sa ilang sandali.

"What?" medyo kunot noo nitong tanong saka napairap sa hangin kasabay ang pagbuntong hininga. "Tss! I did not come here for trouble––"

Hindi na natapos ni Hades ang sasabihin nang bigla siyang yakapin ni Zeus. Yakap na puno ng galak. Sino nga ba naman ang hindi magagalak kung ngayon lamang sumipot ang kapatid niyang sa tinagal tagal ng panahon na nagbibigay at nagpapadala siya ng mga imbitasyon dito ay ngayon lang din naisipang dumalo.

"It's been a long time, Hades."

"I know. I know." sagot ni Hades na kumawala sa yakap ni Zeus at tiningnan ito. "Aren't you happy to see me? Or should I leave now?" monotone pa din ang pagsasalita niya kahit pabiro ang dating sa kanya ng tanong niya kay Zeus.

"No! I mean yes!"

Napakunot ang noo ni Hades sa sagot ni Zeus at bahagya niya itong pinanliitan ng mata.

"Hades, what I mean is... Yes, I am so happy that you're here. And stay here for a while." pag-iinsist ni Zeus sa huling sinabi niya.

"Zeus..." tawag ni Ares na parang may masayang sasabihin kay Zeus pero napatigil siya nang makita si Hades at ganon din kabilis ang paglaho ng ngiti sa mga labi niya. "Hades." mahina nitong naibulalas pero nakatingin lang sa kanya si Hades.

"So you're gonna look at me like that the whole time?" medyo pabirong tanong ni Hades na walang nakikitang reaksyon sa mukha.

"I'm just glad you're here." bumalik sa sariling sagot ni Ares. "It's been a long time anyway after––"

"Just forget it." putol ni Hades. Ayaw na muna niya marahil pag-usapan ang mga hindi magandang nangyari sa kanila sa nakaraan. "I'm here because... I want to reunite with my family."

Napangiti ang dalawa sa narinig nila na yon habang si Zeus ay may bahagyang namumuong luha sa mga mata. Hindi niya alam kung anong nasa isip ng kapatid pero di mawari ang saya niya sa mga salitang narinig dito.


"Welcome back then." masayang sabi ni Zeus saka hinawakan sa balikat si Hades. "C'mon, they'll be happy to see you."


"You're son and grand daughter are also here anyway." masayang dagdag pa ni Ares saka sila pumasok sa pavilion.

• E N D •

Dawn Of DestructionWhere stories live. Discover now