CHAPTER 25: Hestia

77 2 0
                                    

Hall of Zeus

"Anytime soon nandito na ang iba ko pang mga fighter para patayin lahat ng sinumang kaaway na nasa hall na ito." pagpapaalala pa ni Hades kay Zeus. "You... are running out of time to save their lives. And to save this Olympus... brother."

"I would rather die fighting than giving up." bwelta ni Poseidon at sang ayon naman doon ang iba pang Olympians maliban kay Zeus.

Nakapasok na sa Hall of Zeus ang mga zombies, sorcerer at iba pang fighter ng allies ni Hades saka sinugod ang mga nandoon na parang sabik na sabik at gutom na gutom sa laban. Nagkalat na ang dugo kahit saan at hindi pa rin gumagalaw ang mga Olympians hanggang hindi nagdedecide si Zeus.

Hermes tried to help his people but Hecate stopped him by putting chants. Nagstuck ito sa kinatatayuan niya at namilipit sa sakit ng tiyan hanggang sa bumagsak kasunod ang pagsusuka ng likidong kulay itim.

"Make it stop, Hades." pag uutos ni Zeus pero nakatingin lang ito sa kanya na parang hindi naririnig.

"Only if you kneel and surrender." Hades teases with a grin.

"You bastard..." naiinis na bulalas ni Artemis saka inasinta ng pana si Hades pero nadeflect yun ni Hecate at nilagyan din siya ng chants tulad ng kay Hermes.


Walang tigil sa pagsusuka ang mga ito at halos gumapang na sa sahig.

Naiinis na din sina Poseidon ganon din ang iba pa dahil sa wala silang maggawa.

"I said make it stop!" naiinis na sigaw ni Zeus.

"Kneel!" pag uutos ni Hades. "Just kneel and surrender. It will be over." pagbabalik sa monotone voice ni Hades.

Pinagmasdang mabuti ni Zeus ang paligid niya. Nagkalat lahat ng dugo at nakabulagta na sa kahit saan ang katawan ng mga nasasakupan niya. Sira na lahat. Wala na ring laban ang mga fighter niya sa mga agresibong kalaban. Wala na rin siyang nakikita na iba pang paraan.

"No, Zeus." nag-aalala at naiinis na umiiling si Poseidon habang nakatitig kay Zeus na unti-unting lumuluhod.

"N-No. D-Do n-n-not... kneel." pakiusap ni Artemis na hirap na hirap na saka sumuka ulit.

"I have no choice." naaawa at napipilitang sagot ni Zeus na labag sa loob ang ginawang pagluhod.

"You are the ruler of this world, Zeus. You have no right to give it up easily!" sigaw ng isang babae na may dalang torch na nangngangalit ang sindi nitong apoy.

"Hestia. " mahinang tawag ni Apollo na bakas ang pagkagulat sa mukha tulad ng iba na nakatayo malapit kay Zeus.

Si Hestia ang may pinaka weak heart sa kanila at lagi itong nagtatago sa tuwing may kaguluhang nangyayari. Mabilis ito magpanic at kapag hindi niya nacontrol ang sarili ay nasusunog ang lahat ng nasa kanyang paligid.

"What's ours will be ours." dagdag ni Hestia saka ibinagsak ang torch sa tabi niya.

Parang may buhay ang apoy nito na biglang lumaki at parang tubig na mabilis dumaloy papunta sa direksyon nina Hades saka pinalibutan ang mga ito. Naging mas mataas at mas nagliyab na animoy taong galit na galit, at sinumang dumampi ay tiyak na masusunog.

Mas pinatindi ni Hephaestus ang init at liyab ng apoy pero mabilis na nawala sa posisyon nila sina Hades. Bagkus ay lumipat sa ibang posisyon at magkakahiwalay na sila.

"Aurora." tawag ni Hades kay Peres at tiningnan naman siya nito. "Finish her." utos sa anak.

Mabilis na nawala si Peres sa posisyon niya at parang hangin na dumaan kay Hestia para paslangin ito pero napaatras siya na parang napapaso matapos mapalapit dito.

Dawn Of DestructionWhere stories live. Discover now