CHAPTER 21: Not The Same

156 5 0
                                    

SOUTH

Sa dako ng kinaroroonan ni Hades ay lumitaw sa likod niya ang lahat ng alagad ng mga ally habang ang mga pinuno nila ay nasa magkabilang tabi ni Hades na nakatingin sa direksyon ni Peres na nakikipaglaban kay Hephaestus.

"What now?" tanong ni Hecate na nasa left side ni Hades. "You want us to watch how your daughter fight?" sarkastiko niyang tanong. "I can almost finish Ares when you suddenly interrupt."

"Who cares?" walang ganang sagot ni Hades kaya napairap nalang sa kawalan si Hecate habang nakataas ang isang kilay na nakatingin sa direksyon ni Peres. "I ordered everyone from the three opposite directions to head this part for the larger destruction. Zeus will probably send a lot of his fighter here including those who were assigned at the three directions. And the moment na nandito nang lahat sa South ang mga tauhan niya, mawawalan na ng defense ang North, East and West part. That's the perfect time para umatake si Helios, Nereus at Boreas."


"Okay, I get it." napangiting reaksyon ni Hecate.

"Minerva is still inside that wall. So save yourself for your ultimate fight. After all, it's a big privilege for you..." pagpapaalala ni Hades habang nakatanaw pa rin kay Peres na nakikipaglaban.


"I get it." mayabang na reply ni Hecate. "Now, let's do this."


"Now, go and finish all of them!" utos ni Hades kaya mabilis na naglaho sa likod at tabi niya ang mga alagad at lumitaw sa taas at baba ng pader. Madugong digmaan na magiging katapusan ng lahat. Digmaan para sa kapayapaan at para sa kasamaan. "The last laugh will belong to me." pagdeklara ni Hades na bahagyang ngumiti sa kawalan.

Napapaatras ang mga fighter ni Hephaestus at Demeter sa dami ng mga sumusugod sa kanila at maging si Hephaestus ay nahihirapan na rin sa pakikipaglaban kay Peres na nanlilito sa kalaban niya.


Sa di inaasahang pagkakataon ay nahuli ni Peres ng chadar niya ang sword ni Hephaestus at ibinato niya yun sa malayo pero sa ere pa lang ay naglaho na yun. Sinubukan ni Hephaestus bugahan ng apoy si Peres gamit ang isa niyang kamay pero namamatay lang yon sa t'wing malapit na kay Peres. Tila ba sindi ng kandila na nasa garapon na once na takpan ay mabilis na nawawalan ng sindi.


"Fire won't work on me." pagpapaalala ni Peres kay Hephaestus na napangiti.


Napaisip si Hephaestus sa sandaling yun kung pa'no pa niya matatalo si Peres kung hindi gumagana ang apoy sa kanya, pero may isang bagay sa isip niya na ngayon niya lang napagtanto.

"You've lost your memory?" halos matawa si Peres sa tanong sa kanya na yon ni Hephaestus pero naagaw ng atensyon nila ang biglang pagdating nina Throy.

"Dad." tawag ni Throy mula sa likod ni Hephaestus. "Leave her to us."


"Careful. She's too dangerous. And... I think she lost her memory." paalala ni Hephaestus bago umalis para tulungan ang ibang kasamahan kaya tumango si Throy.


P E R E S

Nakaramdam ako ng pagkainis nang mabilis na nawala si Hephaestus nang dumating si Throy. Kanina ganun din ang nangyari nung yung Throy ang kaharap ko tapos naulit na naman ngayon.

"Peres?"


Naagaw naman ng atensyon ko ang lalaking bigla na lang lumitaw sa tabi ni Throy na itim na itim ang suot. Nakatitig siya sa akin na para bang pumapasok sa ulo ko pero ang nagpapadagdag ng pagkainis ko ay kung bakit halos lahat na lang ng nakakaharap ko ay Peres ang itinatawag sa akin.

'Listen to my voice, Peres.'


Nagulat naman ako sa boses na yun na biglang nagsalita sa ulo ko, kaya tiningnan ko yung lalaking nakaitim. Tinitigan ko siyang mabuti. I have hundred percent assurance na siya yung nagsalita na yun sa ulo ko. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit feeling ko halos may pagkakaparehas kami? Bakit feeling ko kilala ko siya sa di ko alam na dahilan? Parang wala sa mga kagustuhan kong labanan siya, pero bakit?


Dawn Of DestructionWhere stories live. Discover now