SOUTH OLYMPUS
Muling tumaas ang apoy ni Hephaestus sa buong katawan at pumosisyon sa pagsugod.
"I'm telling you, wala kang magagawa." pabulong ni Aristaeus sa kawalan.
Mabilis na sumugod ang ipo-ipong puno ng mga bubuyog sa direksyon ni Hephaestus pero mabilis niyang pinagdikit ang dalawa niyang pulsuhan saka itinutok sa aatake sa kanya. Nagmistulang bunganga yun ng dragon na nagbuga ng malaki at nagngangalit na apoy dahilan para masunog lahat ng bubuyog sa harapan niya. Hinigop ng ipo-ipo ang apoy niya hanggang sa maglaho ang laman nun at mabilis na nawala. Napalaki naman ang mata ni Aristaeus sa nangyari na parang hindi makapaniwala pero nakatingin lang sa kanya si Hephaestus.
"How did—Argh..." naiinis na nabulalas niya.
"Tulad ng sinabi mo kanina, madadagdagan lang ng madadagdagan ang bilang nila kahit na gaano pa karami ang mapatay ko. Then I figured out na yung natira lang naman sa kanila ang nagduduplicate sa mga nawala, kung may mabawas man, magduduplicate lang sila ulit ng paulit-ulit at paulit-ulit. So I thought maybe kapag lahat sila napatay ko, walang makakapagduplicate na. Am I right?" nakangising tanong ni Hephaestus na naging baga na lang ang katawan at hindi na nagliliyab tulad sa kanina.
"Well... you're quite intertaining me, now." pagbabago niya ng mood.
WEST
Maraming nahigop na mga archer at marksman ang malaki at namiminsalang buhawi na kagagawan ni Aeolus na maging ang mga kakampi at tauhan niya ay wala ring ligtas.
Halos wala nang natira sa harapan niya tulad ng sa itaas ng pader liban sa mga tauhan niyang nasa kanyang likuran na umaatras para hindi madala ng malakas hangin.
Humalakhak muli si Aeolus sa nangyayari dahil alam niyang walang makakalapit at makakatalo sa kanya, kaya naman mas pinadikit niya ang buhawi sa pader at ibinubunggo dito.
"Poor Olympians! No doubt you'll never make it till dawn!" humalakhak ulit siya na parang nadagdagan pa ang sarili ng tuwa.
Sa laki ng buhawi at sa lakas ng pwersa nito sa pagbangga ng pagbangga sa pader ay unti-unti nang nagkakaroon ng crack sa itaas nito.
"Even infrangible things can be frangible somehow." dagdag pa niya na nakangisi sa pader na unti-unting humahaba at lumalaki ang crack.
EAST
Marami ng sugat na natamo si Aphrodite pero patuloy pa rin siya sa pakikipaglaban. Kalahati na rin sa mga tauhan niya ay nasawi habang ang iba ay maraming na ring sugat na natamo dahil sa mga Minotaur at sa mga fighter ni Nyx na ginagawang guide at panangga ang mga Minotaur sa pag-atake kaya napapadali ang laban nila. Nagkakaroon na rin ng mga crack ang ibang parte ng pader dahil sa pagsugod at pagbunggo dito ng mga Minotaur na nag-uusok ang mga ilong habang ang mga mata ay namumula na halos makita ang maliliit na mga ugat.
Isang Minotaur ang mabilis na sumugod sa direksyon ni Aphrodite na katatapos lang magdeflect sa mga atake ni Nyx kaya halos mapaluhod siya sa lakas ng binigay niyang pwersa nang ihampas ang halberd sa unahang dalawang binti ng Minotaur na napadapa at sumadsad sa tabi ni Aphrodite.
"Crap. That was close." bulalas niya na hinihingal na pero nakuha pang tumalon sa ere saka buong pwersang hinampas ang halberd niya sa batok ng Minotaur. Tatayo pa sana ito pero agad na bumagsak ang katawan nito na humiwalay sa ulo matapos ang ginawa ni Aphrodite.
Sunod-sunod ang naging paghabol niya ng hininga bago binunot ang bahagyang nakalubog na talim sa lupa ng halberd niya, pero pagtapos na pagtapos niyang mabunot yun ay inatake naman ulit siya ni Nyx na nakangisi sa mga nakikita. Natamaan si Aphrodite sa magkabilang balikat na bahagyang napalalim dahil sa pag-ilag niya sa biglaang atake kaya napaatras siya para lumayo-layo ng konti.