SOUTH
Lumitaw si Peres malapit sa pader at inatake ang dalawang fighter ni Demeter na humarang sa kanya. Mabilis na naagnas ang dalawang yun nang itutok lang sa kanila ni Peres ang dalawa niyang kamay. Sinundan pa yun ng tatlong fighter ni Hephaestus na mabilis niya ring napaslang saka tinapos ang iba pang nakikita niyang magiging balakid sa pag-atake niya sa lalaking nakasakay sa board.
T H R O Y
Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa nangyayaring digmaan na 'to dito sa Olympus, at lalong hindi ko pa rin naiisip ang sagot sa bakit kailangang mauwi pa sa ganito ang lahat.
I threw my boomerang at the Minotaur that approaches my father's direction who's been struggling in a conflict with someone I don't even know.
Matapos kong ibato ulit sa kalaban ang boomerang ko ay naramdaman ko ang bagay na biglang sumabit sa board ko kaya napatingin ako dun. It's a chain. And it's very much familiar.
"Oh crap!" I've lost my balance and fell on my but when someone pulled the chain hard. I was separated from my board which was also disappeared after a few second of not being used.
Mabilis akong tumayo at sinalo ang dalawang boomerang na bumalik sa akin na naging isa na lang matapos kong pagdikitin. Hinanap ko rin ang may ari sa chain na umatake sa akin, pero hindi maipaliwanag na emosyon ang naramdaman ko nang makita ang babaeng nakatayo sa di kalayuan na katapat ko rin. Mabilis na nagflashback sa isip ko ang babae noon sa lakeshore na naka knee-length coat na nakadress ng above knee sa loob lang na pinaresan din ng boots.
Now I know na totoo talaga ang nakita ko nung time na yun. Siya nga talaga yun.
"P-Peres?" naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa mga sandaling tinawag ko siya at maging ang isip at katawan ko ay di na alam kung ano ang dapat na gawin.
"Oh. Did I suprised you?" sarkastiko niyang tanong kaya napakunot ang noo ko at mas tinitigan siya kahit kalahati ng mukha niya ay madilim dahil sa sikat ng malaking buwan sa itaas namin.
Bigla niyang inihampas sa direksyon ko ang chadar niya pero mabilis akong nakailag saka sumakay sa board na agad namang lumitaw nang makapag-whistle ako. Inihampas niya ulit sa akin ang chain niya nang makitang naiwasan ko yun pero tulad ng una kong ginawa ay inilagan ko lang din ulit yun.
"Peres, Stop!" sigaw ko sa kanya habang patuloy sa pag-iwas sa mga malalakas at mabigat niyang atake, pero parang wala siyang naririnig. "Hey, Stop! Peres! What are you doing?!"
Pinaikot niya sa itaas ang chain niya saka ibinato sa direksyon ko na parang manghuhuli na halos ikalaglag ako sa pag-iwas dun. Pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kasama siya sa umaatake sa amin? Bakit parang di niya ako naririnig o nakilala? At paanong nabuhay siya na kinakalaban kami? Maraming tanong ang isa-isa pumapasok sa isip ko habang hindi nawawala ang atensyon sa kanya na walang ibang gustong gawin kundi atakehin ako.
"Peres?! Will you please listen to me?!"
Bigla siyang nawala sa harap ko at nagulat na lang ako nang may biglang sumabit ulit sa board kaya bumagsak ako nang buong pwersa niya yung higitin.
"You'll die if you don't shut your mouth, you jerk." pagpapaalala niya mula sa itaas ng pader.
Muli kong inilagan ang atake niya pero sinundan pa niya yun ng sunod-sunod na hampas na kamuntikan ko nang ikatalsik sa pag-iwas. Malakas ang pakiramdam kong may mali talaga sa kanya pero hindi ko siya kayang labanan ni magawang saktan man.
YOU ARE READING
Dawn Of Destruction
FantasíaA chapter that full of lies, detestation and deception.