M A R C U S
"Olympians are preparing for... WAR?" reaksyon ni Comoařa na nagkaroon ng bilocation sa Olympus para makita kung ano ang nangyayari don. Her bilocation is kinda like a projection, at maglalaho lamang yun kapag ginusto ni Comoařa.
"A war?" sabay na reaksyon ni Marcus at Throy na napakunot ang noo.
"Wala pang nangyayaring digmaan mula nang mamatay si Peres." dagdag ni Throy na nagsimulang mag-isip kung ano ang posibleng dahilan.
"Ang tanong, bakit magkakaroon ng digmaan." dagdag ni Marcus na sinagot naman ni Comoařa.
"Hades. Olympians found out that it was Hades big intention. To start a war."
"Pero para saan? Bakit kailangan pang magkaroon nito."
"Argh. What could be possibly on his mind?" umiiling na tanong ni Marcus sa sarili at iniisip kung bakit nga ba magsisimula ng digmaan si Hades.
"Whatever it is, I think there's still something we can do." sa puntong yun ay mabilis niyang naagaw ang atensyon ni Marcus at ng ama na naghihintay ng sunod niyang sasabihin. "I'll try to negotiate with him."
"Him? You mean Hades? That is actually not a good idea." umiiling na reaksyon ni Marcus.
"We know him the most. If he already had a plan, no one can change his mind." dagdag ni Throy.
"Well... we still have to try. In fact, the result of the idea will probably depends on the flow of our negotiation with him."
U N D E R W O R L D
Nasurpresa si Hades sa biglaang pagdating ni Comoařa, Throy at nang anak na si Marcus pero hindi na naabutan ng mga ito ang mga kapulong ni Hades. Sa kabilang dako, si Peres ay nagpaalam kay Hades na saglit na lumabas ng Underworld at nagpaalam na bago sumapit ng blood moon saka siya babalik.
"I'm surprised!" nakangising salubong ni Hades na umayos ng upo sa trono niya. "But you came as I expected. So I'm not really surprised." kasunod nun ay ang pag-irap niya sa kawalan. "What brings you here, anyway?"
"About the war." sagot ni Comoařa na inulit lang ni Hades.
"Oh! The war. Yes. Yeah. The war." tumatangong sagot ni Hades, na dahilan para magkatinginan si Marcus at Throy.
"What's his acting all about?" kunot noong tanong ni Throy.
"He's gotta be kidding us."
"Grandpa." sa puntong yun ay bumalik ang atensyon ni Hades kay Comoařa na nakatitig sa kanya.
"You've grown up already, my grandchild. You really reminded me of—everything." huminga siya ng malalim saka tiningnan ang tatlong bisita. "But if you're just here to convince me to retract the war... Well, I have to say... I already made up my mind. You can do nothing with it."
"Kung ganun, bakit ngayon mo pa naisip magsimula ng digmaan?" tanong ni Marcus na agad na lumipat sa kanya ang atensyon ni Hades na inunahan ng masamang ngiti bago siya sagutin.
"Let's just say, my time has come." sinundan yun ni Hades ng malakas na halakhak na agad ding tumigil. "What do you think? Well... that question will be answered eventually." sinundan ulit yun ng mapang-insultong halakhak na nagpakunot ng noo ng tatlo. Dahilan din para mapaisip sila kung aling tanong ba ang tinutukoy ni Hades.
"On the other hand, you still have options to choose." dagdag ni Hades dahilan para mas lalong maagaw niya ang atensyon ng tatlo.
"Naiisip mo ba kung anong naiisip kong itatanong niya?" pabulong na tanong ni Throy kay Marcus habang nakatingin pa din kay Hades.