SOUTH OLYMPUS
"Bakit hindi ko nakikita si Demeter?" tanong ni Ares kay Hephaestus nang makita ito habang nakikipaglaban.
"She's... gone." may pag-aalinglangang sagot ni Hephaestus saka sumugod sa kalaban na umatake sa kanya.
"What?" halos hindi niya makapaniwalang reaksyon na sinundan ng pagkakunot ng noo niya kaya nainis siyang sumugod at pinaslang ang apat na fighter ni Nyx na malapit sa kanya. "There's no way!" tumalon siya sa ere at bumagsak sa dalawang kalaban na nagkalat ang dugo sa lupa matapos isagad ng saksak ang spear niya sa leeg ng mga yon.
"You must be Ares." pag-agaw ni Nyx ng atensyon niya na nasa likod lang ng dalawa niyang fighter na napaslang ni Ares.
Sa puntong yun ay hindi na nagpaligoy-ligoy si Ares. Para siyang hangin lang na dumaan kay Nyx na hindi nadepensahan ang sarili mula sa di niya napansing atake ng kalaban.
"Man or woman, an enemy is an enemy." paglilinaw ni Ares na nakatalikod sa likod ni Nyx habang mahigpit ang pagkakahawak sa spear niya na may tumutulong dugo sa dulo nito.
Napahawak si Nyx sa left chest niya nang may maramdamang pag-agos ng malagkit na likido mula doon at napalaki ang mata niya nang may makitang dugo sa kamay na inihawak niya doon.
"I... d-didn't see that... c-coming..."
"Of course you did." sagot ni Ares na hinarap ang likod ni Nyx at ibinaon ng sagad sa likod nito ang spear niya na binunot din matapos maduwal ni Nyx.
Sa kabilang dako naman ay nakaharap ni Hephaestus si Deimos na naunang kumuha ng atensyon nito kaya hinarap siya.
"I'm looking for a freaky real fight, Hephaestus... my old friend." May halong pagkasarkastikong panghahamon ni Deimos kaya mas lalong napunta sa kanya ang buong atensyon ni Hephaestus.
"And who told you we were friends?" may pagkainis na tanong ni Hephaestus pero biglang sinagot siya ng nakakainsultong halakhak ni Deimos.
"Well, I'm expecting you to say that." humanda siya sa pag-atake at sumugod sa direksyon ni Hephaestus pero hindi pa man siya nakakalapit dito ay bigla siyang tumalsik matapos ihampas ng malakas ni Ares ang kabilang dulo ng spear niya sa tagiliran nito.
Wala namang nagawa si Hephaestus kundi ang mapatingin lang kay Ares na humarang sa harap niya para harapin si Deimos na tumayo habang hawak ang tagiliran niyang iniinda sa sakit.
"I really hate it seeing someone who was once one of my attendants." puno ng pagkainis na sabi ni Ares habang nakatingin kay Deimos.
"Attendant?" Hindi niya makapaniwalang reaksyon dahil sa narinig. "I was your son!"
"You're definitely right. Not anymore, Deimos." pinaikot niya sa isa niyang kamay ang hawak na spear na inihanda sa pag-atake habang si Hephaestus naman ay napunta ang atensyon sa mga kalabang umaatake sa kanya. "You want to surpass me, yes. That is why you put yourself to this kind of mess and join Hades in his wicked scheme. Pero sa oras na wala ka ng silbi sa kanya, hindi ka na niya kakailanganin."
"I've been waiting this moment for so long... I will finally surpass you." hinanda niya ang sarili niya sa pag-atake saka sumugod kay Ares pero nadeflect nito ang atake niya na parang normal lang. Tumalon pa siya sa ere at bumagsak sa likod ng ama saka inatake ito ng nakatalikod pero mabilis siyang napaharap at nadeflect ang atake na yon sa kanya.
"Good luck, then." walang pag-aalalang sabi ni Ares saka siya inatake ni Deimos pero nadeflect niya lang ang mga yun, at nang makahanap siya ng pagkakataon ay siya naman ang umatake. Bigla siyang nawala sa harap ni Deimos na napatigil sandali dahil sa pagkawala niya. "Hey." tawag niya kay Deimos mula sa likod nito na nagpalingon din sa kanya. Pero pagkaharap na pagkaharap niya at bago pa man siya makaatake, ay naibaon na ni Ares ang dulo ng spear nito sa abdomen niya.
T H R O Y
I was about to return to Olympus when I heard something from the living room. Para bang may bumagsak na kung ano kaya sinilip ko yun agad but I found nothing but Peres. Nakaupo pa rin siya at nakatungo. Di ko pa alam kung anong gagawin ko kaya tumalikod na ko para umalis pero napatigil ako nang marinig ang pagsinghap niya.
"Stop. Stop. Please... s-stop. I'm tired." mahinang pagpapamakaawa niya at narinig ko pa ang pagcrack ng kanyang boses sa huling salita. Hindi ko alam kung may kausap ba siya sa isip niya kaya nilingon ko siya.
Nanatiling nakatungo si Peres na parang pagod na pagod na sa mga chain na nakatali sa kanya hanggang sa makalapit ako.
"Peres?" mahina kong tawag at hahawakan ko sana siya sa balikat pero bigla niyang inangat ang tingin sa akin. Halos magdikit ang kilay niya sa pagkunot ng noo. Pero mula sa naiinis na mukha ay mabilis yung napalitan ng naluluhang mga mata. Her longing eyes means a lot and asking for something. Matagal niya akong tinitigan at bumalik lang siya sa ulirat ng tawagin ko siya ulit.
"Peres."
"T-Throy?" puno ng emosyon ang boses niya na yun na parang nakikilala na niya ako kaya bumilis ang tibok ng dibdib ko. Sa wakas ay naaalala na niya ako.
"Peres?" wala sa sariling pag uulit ko pa dahil sa di makapaniwalang narinig kong tinawag niya ang pangalan ko.
"Throy..." pag uulit niya pa kasabay ang pagtulo ng mga luha niyang kanina pa nagbabadya bumagsak. "T-Throy, I-I'm sorry... I'm sorry I—"
"Shh. Stop." nilapat kong saglit ang right index finger ko sa malambot at namumutla niyang labi kaya napatigil siya sa pagsasalita at napatitig sa akin. "Don't be sorry."
"But why... why am I here?" nagtataka niyang tanong habang nakatingin sa mga chain na nakatali sa kanya. "Where's Marcus? Where... where are we?" sunod sunod niyang tanong habang tumitingin sa madilim na paligid.
"Hey. Hey. Calm down, okay?" pagpapakalma ko sa kanya na hinawakan siya sa magkabilang pisngi niya. "Aalisin ko muna 'to." turo ko sa mga chains na nakapulupot sa magkabilang braso at binti niya at marahan siyang kumalma at tumango.
"O-okay. Okay."
Tinapat ko ang kamay ko sa mga chain na nasa left side muna niya at lahat yun ay kusang kumalas saka ko sinunod yung nasa right side niya.
"Thank you..." tumayo siya agad at niyakap ako ng mahigpit. Napaka init ng yakap niya kasabay ang paghagulgol niya sa iyak kaya niyakap ko rin siya.
Sobrang tagal na panahon akong nangulila sa yakap niya kaya mas niyakap ko siya ng mahigpit at ninamnam ko ang sandaling yon.
"...for letting me go." dugtong niya sa thank you niya kanina.
Napaubo ako ng maramdaman ang mas paghigpit ng yakap niya. Sinubukan kong kumawala pero parang may malakas na pwersa ang pumipigil saken at nanatiling nakadikit sa katawan niya.
"P-Peres, stop.I... I c-can't... b-breath..."
Ramdam ko ang pagkaubos ng hangin sa aking katawan at parang puputok rin ang mga ugat kong nagiging visible sa leeg at ulo ko.
"Whoever that Peres is, I... AM NOT HER!" madiin niyang sabi at mas hinigpitan ang pagkayakap saken.
Sinubukan kong sumigaw ng tulong pero wala ng lumalabas na boses sa akin. Ang mainit niyang yakap kanina ay nagiging kasing lamig ng yelo habang ang buo niyang katawan ay naglalabas ng itim na usok. At ang paghagulgol niya sa iyak kanina ay napalitan ng mapangasar na halakhak. Hindi ko na rin maramdaman ang mga binti ko ganon din ang buo kong katawan at tanging isip na lang ang gumagana sa akin.
Unti-unting bumigat ang talukap ng mga mata ko pero bago ako mawala sa pagkaulirat ay may familiar na boses ng babae akong narinig na sumigaw.
"Hey, STOP!!"
"DADD!"
"DAD!"
*****