CHAPTER 6: Confusion

141 7 0
                                    

P E R E S

Matapos maglaho ng mga Hellhound at Fury para bumalik sa Underworld ay saglit ko munang pinagmasdan ang malawak na bakanteng lupa saka dumako sa lawa at naupo sa malaking bato malapit sa pampang. Sumunod naman sa akin si Argus at nagpaikot ikot muna sa pwesto niya sa tabi ko bago ito nahiga pero nakatingin sa akin ang lumiliwanag niyang kulay ginto na mata. Nakapako lang ang tingin niya sa akin kaya ipinatong ko ang kanang kamay ko sa ulo niya.


"You did a great job, Argus. You impressed me." compliment ko sa kanya na sinagot naman niya ng nakakabinging tahol.

Whoorf!

He licked my hand and bark again before he suddenly fell asleep.


Nilipat ko ang atensyon ko sa refleksyon ng buwan sa lawa at para bang bigla akong nakaramdam ng pagod na di ko matandaan kung kelan ko huling naramdaman. I don't know if I really feel weary or it's just a sudden confusion playing inside my head. But why would I be confused? Nagawa ko naman ng ayos yung pinapaggawa saken ni Dad. Sumunod ako sa inutos niya, pero bakit parang wala lang saken? Bakit parang imbis na magsaya dapat ako ngayon, ay mas nararamdaman ko ang biglang pagkalungkot sa di ko malaman na dahilan.

'Peres?!'

'You're already dead, Peres!'

A familiar voice suddenly resounded in my head and I figured out that the owner of that voice was the centaur I've encountered a while ago with a golden bow. I feel intrigued about this Peres, and it seems really familiar to me. I think I know her.


T H R O Y

I was watching the sunrise when I noticed someone walking along the other side of the lake shore. At first, it was like a silhouette, but when it comes closer, I saw a familiar face looking at me. She's wearing a plain sleeve less dress made of soft and shiny cloth that almost blend to her pale complexion, while her sandy hair sways constantly side by side because of the morning breeze.

She smiled at me when she approached my direction and I don't know if it's alright to feel stunned that makes my heart beats faster.


"What?" she asked and chuckled. "Why are you looking at me like that?" she put her hands on my nape and stared at me.

"I was just— Is it real?" I gazed longingly at her intense gray eyes and the smile on her face is still not fading.

Maraming bagay ang mabilis na nagpagulo sa isip ko pero mas pinili kong magfocus sa nangyayari.

"But you're already—" I was about to tell her something but she immediately halted me by putting her right index finger on my lips.

"Shh... Aren't you happy that I'm back?" I held her right hand and kissed the back of her palm.

"Ofcourse I'm happy." sagot ko saka ngumiti.

"I'm expecting that from you." she smiled again and give me a sensuous kiss.

The moment I opened my eyes, the scenery already shifted. I was at the top of the hill where I can see the ruined city beneath me. Malalakas na pagsabog at sigawan ng mga tao ang maririnig mula sa nagliliwanag na syudad dahil sa naglalakihang mga apoy at apaatras naman ako nang makita ko si Peres sa tabi ko na nakangiting pinapanuod ang mga nangyayari sa ibaba namin.

"Peres?" tawag ko sa kanya kaya nilingon niya ako.

"What's that look?" sa puntong 'yon ay naglaho ang ngiti sa labi niya at napakunot noong nagpakawala ng malalim na buntong hininga. "That's what they want me to do. Destroy everything that needs to be destroy... ruin what needs to be ruin... make everyone suffer— only the Goddess of Destruction is responsible to that kind of roguishness, and that Is ME!" sigaw niya saka tumingin sa akin ng masama. Para bang wala na siya sa sarili niya at kasamaan ang kasalukuyang kumukontrol sa puso niya.

"That's not the kind of person you think you are, Peres." pagpapakalma ko sa kanya pero parang hindi pagpapakalma ang nagawa ko.

"But this is me... NOW."

"No." umiiling akong lumapit sa kanya pero umatras siya sa pinakang gilid ng tinutungtungan namin kaya bumilis sa pagtibok ang puso ko. Isang hakbang paatras na lang kasi ay malaglag siya sa bangin. "Please Peres, don't do this." pagmamakaawa ko pero hindi niya yun pinansin kaya mabilis na lumaglag ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang bumagsak.

Ngumiti siya saken na parang may napagtagumpayan siyang plano saka tuluyang nagpatihulog sa matarik na bangin.

"NO—!"

Napabungkawas ako sa pagkakahiga at halos atakehin ako sa puso nang makita ko si Marcus na nakatayo sa gilid ng kama at walang reaksyong nakamasid sa akin. Hindi ko alam kung kanina pa ba siya dun o kung bakit niya ako di ginising agad kung may mahalaga siyang sasabihin.

"Marcus?" kunot noo kong tawag sa kanya pero bigla siyang nawala sa tabi ko saka lumitaw sa pintuan na katapat ng paa ko.

"We got a message from Olympus. "

"A message from Olympus?" tumayo naman kaagad ako at nag-ayos ng sarili pero bigla akong napatigil nang magsalita siya ulit.

"Camp Half Blood's already gone."

"Gone? I mean paanong wala na?"

"Well, let's find out. " Marcus insisted and approached my direction. Halos magulat naman ako sa bigla niyang pagpatong ng kamay niya sa kaliwang balikat ko, at matapos makarinig ng iba't ibang familiar na mga ingay ay lumitaw kami sa isang napakalawak at napakalaking bakanteng lote.

"This is the Camp now. " matapos kong marinig yun kay Marcus ay nagsimula akong maglakad lakad habang pinagmamasdan ang dating kinatatayuan ng mga cabin.


"Imposible." hindi ko alam kung anong nangyari dito at wala pa rin akong ideya dahil ni bakas ng dating nakatayo na mga cabin dito ay walang makita.

"Isang malaking tanong sa lahat kung ano at paano nangyari ito. "

Nilingon ko si Marcus na nakapako ang tingin sa likidong itim na parang manipis na putik na bumabalot sa buong camp. Dahan-dahan siyang naupo at kumuha ng kaunting sample saka sinuri. At sa reaksyon niya ay parang bigla siyang nagkaroon ng ideya.

"I think I have an idea."

P E R E S

Halos magdamag akong nagtigil malapit sa ilog kasama si Argus at wala akong ibang ginawa kundi panuorin ang paglaho ng buwan sa kalangitan hanggang sa mapalitan yun ng sumisikat na araw na katapat ko lang din. Parang ayaw pa umalis ng katawan ko pero naisip ko na baka iniintay na ako ni Dad. Baka rin isipin niya na bakit napatagal ata ang pagtapos ko sa pinaggawa niya. Kaya naman bago pa mas uminit ang sikat ng araw ay bumalik na kami ni Argus sa Underworld at sa throne room ni Dad muna ako unang bumalik pero wala siya sa trono niya.

"My child!"

Nilingon ko ang boses na yun ni Dad sa pinto ng throne room niya na sinalubong ako ng walang karea-reaksyong mukha. Hawak ng kanang kamay niya ang kanyang bident habang ang kabilang kamay naman ay may hawak na gintong goblet pero binigay niya yun kay Nora na nasa tabi niya bago lumapit sa akin.

"Sorry if I returned late, but I finished what you want me to do as early as—"

"No, my child, it's alright. " putol niya agad saken na parang di naman siya nangangailangan ng explanation ko kung bakit ngayon lang ako nakauwi. "And thank you for not disappointing me." pagkasabi niya nun ay bahagya siyang ngumiti at nagulat ako sa paghawi niya sa kabilang side ng buhok ko para makita ang isa kong tenga.

"Why? Have I dissapointed you in the past?" sa tanong ko na yun ay lumiit ang ngiti niya at saglit na tumingin sa akin.

"We do not need to talk about what happened in the past, Aurora. Besides, you're just gonna regret it."

"Okay." sagot ko saka tumango.

"Good." bahagya siyang ngumiti at hinalikan ako sa noo saka tinapik sa balikat.

"Take some rest, my child."

*****

Dawn Of DestructionWhere stories live. Discover now