CHAPTER 24: Surprise!

85 2 0
                                    

M A R C U S

Inihiga nila ni Comoařa si Throy sa kama niya at patuloy pa rin sa panlalamig ang buo nitong katawan.

He's still breathing. But his heart starts beating slowly.

Naiiyak si Comoařa sa gilid ng ama at hindi pa rin mawala sa mukha nito ang pag-aalala.

"Pinakawalan siya ni Throy."

"At hindi ko alam kung bakit." dagdag ni Comoařa sa sinabi ni Marcus habang nakatitig sa ama.

"Maybe he was tricked." hindi niya alam kung paano yun pumasok sa isip niya pero yun ang pinaniniwalaan ni Marcus. Hades always play his tricky role. Kaya hindi na siya magtataka kung naadopt yun ni Peres sa kanya.

"Si dad. Magiging okay pa ba siya?"

"He's not well. And if his temperature continues to drop, we're gonna lose him... "

"No. No. No. " umiiling na reaksyon ni Comoařa habang nakatingin sa ama.

"Hermes could be the one who can help Throy. Pupunta ako sa Olympus para tulungan sila."


"I'll go with you—"

"No." putol nito kay Comoařa. Anytime kasi pwedeng balikan ni Peres si Throy dito kaya hindi siya pwedeng mag-isa. "You have to stay here until he wakes up."



OLYMPUS

Narating ng mga fighter ng Olympians ang South wing. Pero sa kasamaang palad bago pa nila marating yon ay naramdaman na ni Hades ang pag-mamartsa nila kaya sinalubong sila ng mga Minotaur kasama ang mga alagad ni Hecate.

Boreas, Chione, and Aeolus started a massive destruction on the three empty wing. Mabilis nilang narating ang pader dahil nga sa wala ni isang fighter ang mga Olympians doon pero hindi nagtagal ay mismong Olympians na ang nakaharap nila. Zeus against Boreas. Athena against Chione. And Poseidon against Aeolus.



NORTH

Naninigas na parang yelo ang buong lugar kabilang na rin ang mga puno at halaman sa paligid. Nagmukha itong mga babasagin na gamit na anytime na may sumagi ay siguradong ikababasag ng mga ito dahil sa pagbaba ni Boreas ng temperatura ng lugar. Ganon din ay hindi niya pinapansin ang pamimilipit sa lamig ng sarili niyang mga tauhan.

The sky continuously thundered follows by a flash lighting everywhere. Animo'y mga bomba itong sumasabog sa lakas pero sumasaktong tumama sa mga kalaban.



EAST

Balot na balot ng makapal na nyebe ang buong East wing habang patuloy rin ito sa pagbuhos. Dahilan para maging mahamog ang paligid at halos magcamouflage ang mga alagad ni Chione dahil sa puti nitong mga suot na kakulay na rin ng nyebe.


WEST

Tatlong buhawi naman ang sumisira sa buong sulok ng west. Ang mga punong nabubunot sa pagkakatayo nito na nahihigop ng buhawi ay ibinabato nito mismo papunta sa pader at sa loob nito.



M A R C U S

Napakagulo at madugong labanan sa South wing ng Olympus ang naabutan niya at nagkalat sa paligid ang mga duguang katawan ng mga nasawi. Kakaunti na lamang ang fighter ng Olympians na nakikipaglaban at nakikita niyang hirap na rin makipaglaban sina Hephaestus at Ares.

Marcus can almost hear the both of their souls screaming and dying. Anytime nakikita na niya ang negative outcome ng laban pero dahil ayaw niya ring si Hades ng mamuno sa mundo ay tinulungan na niya ng dalawa.

Dawn Of DestructionWhere stories live. Discover now