Kabanata 1: Elaiza

457 23 30
                                    


"Elaiza......Elaiza....."

Nagtataka si Elaiza ng may narinig syang tumatawag sa kanya.Eh sya lang naman mag-isa dun sa inuupuan nyang malaking bato.Mas lalo syang nagtaka dahil di nya kilala ang boses na yun.Di naman iyon boses ng kuya nya dahil kabisado na nya ang boses ng kanyang nakakatandang kapatid na lalaki.

"Sino kaya yun?Siguro,isa sa mga kapitbahay namin.Niloloko na naman ako."   - pabulong na sabi nya sa kanyang sarili.

Napabuntong-hininga nalang ito at tumingin sa malayo.Tila may mabigat na problema.

Ganyan talaga yan si Elaiza,mahilig mag-isa at mas gusto nyang mapag-isa.

"Elaiza....Elaiza...."

Lumingon-lingon naman ito at hinanap kung sino yung nagloloko sa kanya.Medyo nairita naman at nagdadabog na tumayo dahil akala nya pinagloloko sya.Dahil sa may tumatawag sa kanya,napadesisyunan na nyang umuwi sa kanilang bahay.Habang naglalakad ito pauwi,kumakanta pa ito.

Yan ang hilig nya,ang tumambay sa malaking bato na malapit sa ilog o di kaya umakyat sa malaking puno ng acacia at kakausapin ang mga paru-paro.Walang arte sa katawan at di mahilig mag-ayos ng sarili.Makapagsuklay lang ng buhok,ayos na sa kanya.Matulungin sa mga magulang at kapatid.Mahinhin magsalita,malamlam ang mga mata at matataas ang pilik-mata nito.May malalim na biloy sa magkabilang pisngi.Maraming kaibigan ito dahil sa sobrang palakaibigan at palageng may nakahandang ngiti sa mga nakakasalubong nyang tao.

"Oh Elaiza,san ka galing?"  -nakangiting tanong sa kanya ng kabitbahay nilang si Mang Kanor.

"Sa tabing-ilog po."   - nakangiti naman nitong sagot sa matanda.Saka patuloy itong naglakad.

Pagdating nya sa kanilang bahay,sinalubong naman agad ito ng kanyang kuya.

"Bata,san ka galing?"  -pang-aasar sa kanya ng kanyang kuya.

"Sa tabing-ilog po kuya.Saka di na ako bata noh?!"  - sagot nya na nakasimangot.

"Asus!!Dun na naman?Saka,sa pagkakaalam mo,bata ka pa."  -pang-aasar na naman ng kuya nya.

"Sumbong kita kay nanay eh.Saka pinagloloko mo naman ako dun eh."  - nakasimangot nitong sabi sa kuya nya.

"Oy oy!!Pinagsasabi mo dyan?Kanina pa kaya ako dito.Bat naman kita lolokohin,aber?"

"Aba!!Malay ko sayo kuya.Blehh!!" - sagot naman nito sa pumunta sa likod ng bahay nila para puntahan ang nanay nila.

"Nanay,nanay!!"   - pagtatawag nito.

"Oh?!San ka na naman galing bata ka?"  - pagtatanong nito.

"Dun po sa tabing-ilog."  -sabi nito na malawak ang ngiti.

"Hay naku!!Sige ka,mamaya nyan may kukuha sayo dun na engkanto."  - pananakot ng nanay nya.

"Nay naman eh!!Di kaya ako takot sa engkanto."  - sagot nalang nito habang pinanonood nya nanay nya sa ginagawa nito.

"Nanay,totoo po ba talaga ang mga diwata at engkanto?"  - naisip nyang itanong sa nanay nya.

"Bat mo naman natanong yan?"

"Wala po,sige na 'nay.Sagutin mo nalang tanong ko.

Napabuntong-hininga naman ang ina nito.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Itutuloy...

*************************

Hello po sa inyo,sana may bumasa nito.

First fantasy story ko po.

God Bless You all..

@unique_mae

Ang Kaharian ng Inglatia (JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon