Kabanata 9

178 19 19
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nagtataka si Elaiza kung bakit nawalan ng buhay yung aso.Ang pagkakaalam nya,sya lang mag-isa nung oras na yun.Nung dumating ang kanilang mga magulang kanina ay labis itong natatakot at nag-alala sa dalagita.Parang may iniisip na malalim ngunit di nya mawari kung ano ang mga ikinababahala ng kanyang mga magulang.

Medyo kumalma na ito at nagpapahinga sa kanyang silid subalit ang ipinagtataka nya sa lahat ay kung bakit di sya inatake ng sakit nya gayung lubhang natakot sya kanina.Di sya makatulog,pabaling-baling lang sya sa kanyang higaan.Pilit iniisip kung ano ang totoong nangyari.
Ano ba kasi ang nangyari?
Sino ba ang pumatay nung halimaw?
Bakit di ako inatake?Di ba dapat inatake na ako?
Eh di ibig sabihin,wala na akong sakit?Makakabalik na ako sa school this June?

Yan ang nasa isip ni Elaiza ngayon.Makikita mo sa kanyang mga mata na excited at masaya na sya.

Pero di nya alam na marami syang matutuklasan tungkol sa kanyang pagkatao.

Pipikit na sana ito dahil nais na nyang matulog ngunit,may naaninag sya na isang malaking anino sa kanyang bintana.Kinabahan naman ito bigla at medyo nanginig dahil naalala na naman nito ang nanyari kanina.Sobrang natatakot na ang dalagita dahil palapit ng palapit ang anino sa kanyang bintana.Ang kanyang kama ay nasa gitna ng kanyang silid pero malaki ang kanyamg bintana at nasisisguro nya na kaya itong buksan ng isang malaking halimaw na papalapit.

Medyo nilabanan ni Elaiza ang kanyang takot at dahan-dahan naman itong bumangon.Tatayo na sana sya ngunit dumating ang kanyang nakakatandang kapatid na si Kurt at lumapit sa kanya saka sya niyakap.

"K-kuya!!"

- sabay sa sigaw ni Elaiza ang pagbukas ng halimaw ng kanyang bintana.Sobrang nakakatakot ang itsura nito.Malalaki ang dalawang mata,ilong at bibig.Medyo matangkad din ito.Tumutulo pa ang laway at may dalang kahoy.

Tumayo naman si Kurt at hinarap ito.

"Wag kang lalapit!!Hinding-hindi mo makukuha ang kapatid ko!!"

- pagsisigaw ni Kurt at ikinuyom ang mga kamao para kontrolin ang sarili.

"Magaling!!Pagkain!!Nagsama pa kayo!!HAHAHAHAHAHA!!"

- sagot ng isang halimaw sa binata.

Lumapit naman ito at si Kurt ay inihanda ang sarili.Sinalubong ang halimaw dahil gusto nya na sa labas ng bahay sila mag-amok upang di madamay ang kapatid.

"KUYA!!Wag kang lumapit sa kanya!!"

- sigaw ni Elaiza ngunit di sya pinansin ni Kurt at nagtuloy-tuloy lang ito sa paghakbang saka tumalon at sinipa ang harapan ng halimaw.

"AAAAHHH!!"

- sigaw ng halimaw at napaluhod ito.Sinuntok naman ito ni Kurt pero gumanti ang halimaw.Umilag naman ang binata at patakbong lumabas ng bintana.Sinundan naman ito ng halimaw at dun sila nag-amok na dalawa.

Si Elaiza naman ay sumunod din at tumalon upang makalabas.Sumunod naman ang mga magulang nito.

Ngunit nagimbal si Elaiza ng makitang tumilapon ang kanyang kuya at tumama ang katawan nito sa puno.Nung oras na yun ay galit ang namayani sa kanyang puso at gusto nyang patayin ang halimaw para maipaghiganti nya ang kanyang kapatid.

"HALIMAW KA!!SINAKTAN MO ANG KAPATID KO!!MAMATAY KA!!"

- sa pagsigaw ni Elaiza ay may malakas na owersa ang lumabas sa kanyang katawan sanhi ng pagkakatapon ng halimaw sa malayo.

Namilog naman ang mga mata ng kanilang mga magulang dahil sa kanilang nakita.Pati si Kurt ay di makapaniwala na ganun kalakas ang kapangyarihan ng nakakabata nyang kapatid.Ngayon nya lang ito nakita na sobrang galit.Di nya makita rito ang kapatid nya na napakamalumanay magsalita at mahinhin.Iba na ito kaya dali-dali naman nya itong nilapitan at tinawag.

"Elaiza.."

- bigla naman humina ang kapangyarihan ni Elaiza at lumingon kay Kurt.Tumakbo naman ito saka niyakap nya ang nakakatandang kapatid.

"Kuya..."

- ito lang nasabi nito saka ito nawalang ng malay.Buti nalang at yakap ito ni Kurt kaya di bumagsak sa lupa ang katawan ng dalagita.Binuhat agad ng binata si Elaiza saka nagkatitigan sila ng mga matatanda na parang may ibig sabihin at sila lamang tatlo ang nagkakaintindihan kung ano iyon.

Dinala naman agad nila sa Elaiza sa loob ng bahay at dahan-dahan itong inilapag sa kama.Si Kurt ay may kakayahang magpagaling ng maysakit at magpagaling ng malalaking sugat.Ang kulay ng mga mata nito ay kulay gray pero nagiging berde ito pag syay nagagalit.May alaga din itong isang malaking ibon na parang agila pero ang buntot nito ay matulis at ang kulay ng mga mata nito ay bughaw.

Sya ang panganay na anak ni Haring Julian at Reyna Samantha.

Si Elaiza ang pangalawang anak.Kulay gray din ang mga mata nito pero pag magalit ay nagiging kulay bughaw.

Sila ang mga anak ng hari't reyna na ipinadala sa mundo ng mga mortal upang malayo sa kapahamakan.Sila ang prinsesa at prinsipe na matagal ng hinahanap ng lahat upang mailigtas ang dalawang kaharian laban sa mga Glatorian na naninirahan sa Glatoria.

Ang Glatorian ang higpit na kaaway ng dalawang kaharian.Ito ay ang Inglatia at Encladia.Ang hari at reyna ng dalawang kaharian ay matatalik na magkaibigan ngunit kahit higpit ang kanilang pagkakaibigan ay di pinapaalam ng hari at reyna ng kabilang kaharian kung saan ang kanilang mga anak.Ang ipinalabas lamang nila ay nawala ang mga ito.Ang tanging nakakaalam lamang ay ang mag-asawang nag-alaga sa mga bata,si Alleya ang tagapagbantay ni Elaiza at si Prinsesa Yvonne.Maging si Prinsipe Yvor ay walang alam dahil di ipinaalam nf kanyang kapatid na prinsesa dahil nangako ito sa hari at reyna na panatilihing lihim ang lahat.


===============================================================

"Lumalabas na ang kapangyarihan ng prinsesa.Malapit na matupad ang nakasaad sa propesiya.Malapit na ang nakatakda.Nasisisguro ko na nagsipaghanda na ang mga kaaway dahil ito lamang ang makakapagbagsak sa kanila."

- natutuwang saad ng isang engkantada habang nakatingin sa kanyang mahiwagang balon.Dito nya sinubaybayan ang paglaki ng prinsesa at prinsipe.

"Magsipaghanda kayong lahat.Malapit ng magbalik ang matagal na nating hinihintay."

- saad ng engkantada at nagsihiyawan naman ang kanyang mga nasasakupan.










#######################################################################



Ayan po ha?Kilala nyo na sina Kurt at Elaiza.

Ano kayang nakasaad sa propesiya?

Abangan ang next update

Ang Kaharian ng Inglatia (JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon