Natigilan si Elaiza sa sinabi ng kanyang tunay na mga magulang na kailangan na nyang sumama sa kanila sa kaharian ng Inglatia.
"I-Inglatia?"
- mahinang banggit nito at bigla nalang sya nakaramdam ng pangingirot sa kanyang ulo.
"Ah!!Aaahhh!!"
- nagsisigaw si Elaiza sa sobrang kirot at napaluhod na.Nataranta naman sina Ricky at Myrna sa pagsigaw ni Elaiza.Ganun din sina Kurt,Haring Julian at Reyna Samantha.
"Elaiza!"
- sigaw ni Kurt at lumapit sa kanyang kapatid at lumuhod habang si Elaiza ay patuloy pa rin sa pagsisigaw at hawak-hawak ang ulo nito.
Naalarma naman ang hari at reyna at saka lumapit sa kanilang prinsesa.
Lumapit naman ang reyna at hinawakan ang ulo ng dalaga.Nagliwanag ang kamay nito at saka nawalan ng malay ang dalaga.
"A-anong nangyari mahal na reyna?Bakit sya nagsisigaw?'
- natatarantang tanong ni Myrna sa reyna.
"Wala kang dapat ikabahala Myrna.Unti-unti ng naalala ng prinsesa ang kanyang nakaraan noong nasa Kaharian Inglatia pa sya."
- mahinang saad ng reyna na nakangiti.
Inilapag naman ni Kurt ang nakakabatang kapatid sa kama.Lumapit naman dito si Myrna at hinawakan ang kamay ng prinsesa.
"Kailangan nyo na ba talagang ibalik sya sa inyong Kaharian?"
- mahinang tanong nito na nakatitig sa maamong mukha ni Elaiza.
"Ipagpaumanhin mo Myrna.Ngunit ito na ang tamang panahon para maibalik ang prinsesa sa aming kaharian."
- malumanay na sagot ng hari.
"Masakit para sa'kin na pakawalan ang batang ito ngunit wala akong magagawa.Maraming salamat sa inyo dahil ipinagkatiwala nyo sa amin ang mahal na prinsipe at mahal na prinsesa."
- nakangiting saad ni Myrna na nakatitig sa hari at reyna na naluluha.
"Kami ang magpasalamat sa inyo Myrna at Ricky dahil di nyo pinabayaan ang aming mga subling(anak)."
- sagot naman ng reyna na nakangiti.
"Ricky," baling ng hari kay Ricky na nakatayo sa tabi ng prinsesa.
"Mahal na hari?"
- nakayukong sambit nito.
"Maraming salamat sa pagpapalaki sa aming mga anak.Ikinagagalak kong kayo ang nagpalaki sa mga ito."
"Walang anuman mahal na hari.Natutuwa po ako na napakalaki ng tiwala nyo sa'min."
- sagot din nito sa hari.
"Mawalang-galang po.Dadalhin nyo na ba ang mahal na prinsesa habang walang malay pa ito?"
"Oo Myrna.Mas mabuting walang-malay sya habang papunta kami ng Inglatia sapagkat nararamdaman ko na ayaw nyang iwan ang mundo ninyo."
Marahang tumango naman ang mag-asawa at di na nagsalita pa.
Nilapitan naman ni Prinsipe Ashton ang mga ito at niyakap.
"Inay,itay.Maraming-maraming salamat sa pag-aalaga at pagmamahal nyo sa amin ni Allena.Pinapangako ko,babalik kami dito."
- umiiyak na saad ni Prinsipe Ashton saka hinalikan ang mga ito.Gayundin ang ginawa ng mag-asawa at saka lumapit kay Prinsesa Allena at hinagkan ito sa noo ng mag-asawa.
BINABASA MO ANG
Ang Kaharian ng Inglatia (JaiLene)
FantasyMagagawa kayang protektahan ng apat ang Kahariang ito? Mapipigilan kaya nila ang kaaway na gustong wasakin at sirain ang Inglatia? Abangan!! @unique_mae