Dedicated to
@Girl_In_Love_12
@TheIceCreamCandyGirl
@vanjean20
**PRINCESS ALLENA**
"Hmmm,"
Iminulat ko ang mga mata ko.Saka ko lang napansin na ibang kwarto ang hinigaan ko.
"Na'san ako?"
- iginala ko agad ang aking paningin at nakita ko ang isang babaeng pamilyar sa'kin at nakangiti pa.
"Mahal na prinsesa!!Salamat kay Bathala at nagising ka na."
- tuwang sabi nito sa'kin.
Ang ganda nya,para syang dyosa."Naalala kita,
Sabi ko dito saka bumangon.Lumapit naman ito at inalalayan ako upang makabangon.
"Salamat.Nakita na kita diba?"
Ngumiti naman ito sa'kin nung tinanong ko sya.
"Opo,mula pa noong bata pa tayo."
"Bata pa tayo?Pa-paano?"
Ngumiti pa rin ito,yung totoo?Di ba ito nagsasawa sa kakangiti?
Pero ang ganda nya,parang Dyosa.
"Di mo pa rin ba ako naalala,Ena?"
- nung binanggit nya yung pangalan na yun.Biglang may nagflash sa aking isipan na parang nangyari noon pero medyo malabo sya.
"Ena?"
Naguguluhan kong tanong.
Pagkabanggit ko nun,may naalala ako na eksena.
Iya dali!!Bilisan mo,baka maabutan tayo nina Prinsipe Ashton at Prinsipe Yvor!!"
Tawag ko kay Alliya saka sya hinatak.
"Saglit lang Ena!!Si Yvonne nawala!!"
Angal nya,saka ko naman naalala si Yvonne."Nagtago na yun,batid mo naman na magaling yun magtago.Sige na,gamitin mo na kapangyarihan mo para di tayo makita!"
- utos ko dito saka naman nya ikinumpas ang kanyang kanang kamay.^flashback ends^
"Iya?!Alliya?!"
- sigaw ko saka naman sya ngumiti.Tumayo naman agad ako at niyakap sya ng sobrang higpit.
"Na-miss kita!!Sobra!!"
- sabi ko sa kanya habang yakap-yakap pa rin sya.
Kumalas naman to sa pagkakayakap sa'kin at tumitig na parang naguguluhan.
"Bakit?May problema ba?"
"Wala naman,ano yung na-miss?"
- nagtataka nitong tanong.Napatawa naman ako sa tanong nya.
Nakalimutan ko,wala pala dito yung salitang yun.
"Ang ibig kong sabihin.Nasasabik na ako sayo."
- nakangiti kong sabi sa kanya.
"Ako man Ena,sabik na sabik na ako sayo.Alam mo ba,palage kitang binabantayan mula nung lumisan kayo dito sa kaharian natin.
"Patawad Iya,sapagkat di na kita maalala noon dahil binura nina Inang Reyna at Amang Hari ang aking ala-ala dito sa ating kaharian."
- malungkot kong sabi dito.
BINABASA MO ANG
Ang Kaharian ng Inglatia (JaiLene)
FantasiaMagagawa kayang protektahan ng apat ang Kahariang ito? Mapipigilan kaya nila ang kaaway na gustong wasakin at sirain ang Inglatia? Abangan!! @unique_mae