Kabanata 18

75 9 7
                                    

Dedicated to @ejzaldivar16




=====================================================================

**ASHTON POV**

Nang nasa tabi na kami nina ama at ina sa itaas ay nagulat nalang kaming lahat nang biglang may lumitaw na isang magandang sa harapan namin.Sobrang ganda nito at kumikinang ang damit dahil sa kulay ginto ito.

"Sino kang mapangahas na pumasok dito sa palasyo at ginambala ang aming pagdiriwang!"

- mabagsik na tanong ni Hibalom sa isang babae.Nasisiguro ko na isa rin itong engkantada dahil sa ayos nya.Napakapit naman ng mahigpit ang aking kapatid sa braso ko.

Pinalibutan ng mga mandirigma ang babae habang ito naman ay namimilog ang mga mata na para bang hindi nya alam ang kinaroroonan nya ngayon.

"Anong lugar ito?Bakit ako nandito?"

- takang tanong nito na namimilog pa rin ang mga mata.

Tinutukan ito ni Hibalom ng sibat.

"Mapanglinlang!!Anong pakay mo?!"

- mabagsik pa rin nitong tanong.Sobrang nakakatakot ang boses ni Hibalom kaya walang sinuman ang di natatakot dito.

"Nagsasabi ako ng totoo ginoo.Hindi ko alam kung anong lugar ito."

- mahinahong sagot nito.

Bumitaw naman si Allena sa akin at tumitig sa babae.

"SINUNGALING!!DAPAT KANG PARUSAHAN!!"

- sigaw ni Hibalom ngunit napatda ang lahat ng sumigaw si Allena.

"Wag!!Wag mo syang sasaktan!"

- awat nito habang dahan-dahang lumapit sa babae.

"PRINSESA!!"

- sigaw naming lahat.

Subalit di ito nakinig,sinundan ko lamang ito sa pagbaba at lumapit sa babae.

"Palagay ko,nagsasabi sya ng totoo."

- nakangiting saad ni Allena.

"Ngunit----!"

"Sshhh!!"

- pagpuputol nito sa sasabihin ni Hibalom.Nagtataka din ako kung bakit di umimik ang ina at ama.Nilingon ko naman ang mga ito pero nagulat ako ng nakangiti ang mga ito na nakatitig sa babae.

"Klareah!Mabuti at bumalik ka!"

- pasigaw na bati ni ama.
Klareah?Paanong nakilala ito ni ama?

Nagtataka akong lumingon kay ama at ina pati na rin si Allena.

"Ikinagagalak kong bumalik ka na dito sa Kaharian ng Inglatia"

- nakangiting saad ni ina habang papunta sa aming kinaroroonan.Nakangiti naman itong babaeng tinatawag nilang Klareah.

"Ikinagagalak ko din makita kayong muli Mahal na Haring Julian at Reyna Samantha.Kayo din Prinsipe Ashton at Prinsesa Allena."

- nakangiting bati nito habang nakayuko.

"Sino ka?"

- Allena.

Ngumiti naman ito ng malawak ng tinanong ni Allena.Tumalon ito sa harapan ni Allena saka umabrisete.

"Naku!!Namiss kita!Ang tagal ko kayong hinanap,kaya lang ayaw sabihin ni Haring Julian at Reyna Samantha kung saan kayo itinago.Kaya hinanap ko kayo kaso di ko kayo natagpuan.Mabuti nala-----"

"Sandali!!Kilala mo ako mula pa noon?"

- pagpuputol ni Allena sa mahabang paliwanag nya.Tumango naman ito bago nagpatuloy.

"Oo,kaya lang di ako makalapit sa'yo kasi madamot si Ha----"

"Klareah!!Maghunus-dili ka."

- putol na naman ni ama sa sasabihin ni Klareah.Napasimangot naman ito saka nagpapadyak ng paa.

Inilibot naman agad nito ang paningin saka pa lamang nya napagtanto na may pagdiriwang nagaganap sa oras na ito na ginambala nya.

"Hala!!Anong meron?"

- takang tanong nito.

"Ah,may pagdiriwang.Ipinagdiriwang nina ama at ina ang pagbabalik namin dito sa Inglatia."

- nakangiting saad ni Allena.

"And you ruined our celebration."

- inis kong sagot dito.Napatingin naman sa akin ito bago ngumiti.

"Grabe ka naman Prinsipe Ashton.Ang sungit mo.And excuse me!I did'nt ruined your celebra----"

"What?!Naintindihan mo yung sinabi ko?!"

- gulat kong tanong habang yung mga panauhin namin ay nagsibulungan na.

"Ipagpaumanhin po ninyo kung naantala ang ating pagdiwang.Sapagkat dumating si Klareah na anak ng aking kapatid.Klareah,ikinagagalak ko rin na bumalik ka.Magdiwang ang lahat!"

- masayang sigaw ni ama habang nakangiti ng malawak.

Nagkasayahan naman ang lahat.Ngunit ako,sinusundan ko ng tingin itong Klareah na ito.Di ako pakakasiguro kung kakampi ba ito o kaaway sapagkat biglaan lamang ang pagdating nito at itinaon pa sa pagdiriwang na ito.






Itutuloy...

Sorry,kung maiksi lang.Pabitin na naman eh..

Enjoy reading po..

God bless you all..

Ang Kaharian ng Inglatia (JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon