Kabanata 13

136 12 34
                                    





**PRINCESS ALLENA**





Sobrang hinihingal ako ng makarating dito sa silid nina ama at ina.Yumuko ako saka itinukod ko mga kamay ko sa aking mga tuhod.Kakapagod talaga!!Ba't ba kasi ang layo nitong silid nina ama at ina.Pagsasabihan ko nga sila mamaya na lilipat na ako ng silid na malapit sa kanila.Hehehe..

"Ina!!Ama!!"

- sigaw ko saka tuluyan ng pumasok sa loob.

"Oh bakit anak?!"

- gulat na tanong ni amang hari saka tumayo at lumapit sa'kin.Nabigla naman ako ng niyakap nya ako.Maya-maya niyakap ko din sya pabalik.Pati si ina lumapit na rin at yumakap sa amin na naluluha.Mga ilang minuto din kami nagyakapan bago naghiwalay saka hinawakan ni ina ang magkabila kong pisngi at pinahiran ang mga luha ko.

"Natutuwa ako na narinig namin uli na tinawag mo kaming ina at ama.Salamat naman at naalala mo na kami."

- naluluhang pahayag ina saka ako niyakap ulit.

"Patawad po ina,ama kung nakalimutan ko kayo."

- saad ko dito na naluluha pa rin at tinitigan si ina.Ang ganda talaga ni ina,magkahawig kaming dalawa.Saka si ama naman ay kahawig nya si kuya.

"Mahal na prinsesa,labis ang galak ng aming puso na narito ka na ulit.Narito ka na sa mundo natin."

- pahayag ni ama na napakalawak ang ngiti.

Lumapit naman ako kay ama at hinawakan ang kamay nya saka ito pinisil.

"Maging ako man ama,sobrang galak ng puso ko na nakabalik na ako dito pero..."

Pinutol ko ang nais kong sabihin dahil baka magalit sila o magtampo.

"Anak,may suliranin ka ba?"

- nag-alalang tanong ni ina sa akin.Minsan parang matatawa ako sa mga sinasabi nila kasi ang lalim ng tagalog nila eh pero naisip ko din na taga rito pala ako.

Nung di ako nakasagot agad ay lumapit naman si ina sa'kin saka nagsalita.

"Anak,may nais ka bang sabihin?"

Napaangat naman ako ng tingin dahil sa tanong ni ina.Nag-aatubili pa rin ako pero kailangan kong itanong ito sa kanila.

"S-sina itay at inay po?Asan po sila?"

- tanong ko dito habang nakayuko.Baka kasi bigla silang magalit at tuluyan ng ilayo kina inay at itay eh.

"Nasa mabuti silang kalagayan anak.Wag kang mag-alala,di sila mapapahamak doon."

- tugon naman ni ama sa'kin.

"Pe-pero,nais ko po silang makita ama."

- sabat ko naman dito.

"Anak,kung ninais mong makita sila ngunit wag muna ngayon.Naiintindihan mo naman kung bakit di ba?"

Sa tinuran ni ina ay bigla akong nanlambot at nanghina.Alam ko kasi na matatagalan pa yun o di kaya wala ng pag-asa na magkita kami uli dahil isa silang mortal.Nasaktan ako sa sinabi ni ina at nabitawan ko ang kamay ni ama habang nakayuko.

"S-sige po,aalis na po ako."

Sabay tumalikod na ako at tumakbo palabas ng kanilang silid.Di ko mapigilan na di maiyak kasi ilang taon din kaming magkasama eh,sila na ang kinagisnan kong mga magulang at sobrang mahal ko sila dahil sa sobrang bait at mapagmahal sila.Kaya di naman nila siguro ako masisisi diba kung hahanapin ko sila inay at itay?

Ang Kaharian ng Inglatia (JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon