"Rawr!!"
"Aaaaahhhh!!!Tulonggggg!!!"
- pagsisigaw ni Elaiza ng may nakita syang malaking aso na nakakatakot at may malaking pangil.Tumutulo na ang mga luha dito dahil sa takot.Parang lobo ito pero di naman.Ang ulo nito ay sa lobo pero ang katawan parang pusa,ang buntot naman nito ay napakatulis.Bakas sa mukha ni Elaiza na takot na takot sya dahil sa tanang buhay nya,ngayon lang sya nakakita ng ganung hayop.May sa halimaw ito.Di na sya magtataka kung bakit may mabangis na hayop sa tambayan nya dahil malapit lang ito sa gubat.
Palapit ng palapit sa kanya ang hayop at sya naman ay nanginginig na sa sobrang takot.
Iniwan lang sya ng kuya nya saglit dahil kukuha lang ito ng maiinom nila dahil napagod ito sa kulitan nila ng kanyang kuya.
Nang sobrang lapit na ng mabangis na hayop ay iniharang nalang nya ang dalawang kamay sa mukha na nakaharap ang mga palad sa mabangis na hayop at saka sumigaw.
"Aaaaaahhhhhh!!!"
Pagkatapos nyang sumigaw ay nagtataka sya kung bakit walang umatake sa kanya.Dahan-dahan naman nyang inalis ang mga kamay at namilog ang mga mata sa nakita.Nakabulagta na ang halimaw sa kanyang harapan at wala na itong buhay.
Nanigas si Elaiza sa kanyang kinauupuan,sa ganun syang posisyon nang dumating ang kanyang kuya.
"Elaiza!!"
- sigaw ng kanyang kuya at dali-daling lumapit sa kanya saka sya niyakap.Umiiyak pa rin ito habang yakap-yakap ni Kurt at nanginginig pa.
Binuhat naman ni Kurt si Elaiza pauwi sa kanilang bahay dahil di pa rin ito makapagsalita ng maayos.
Iyak pa rin ito ng iyak habang nilalapag ang dalaga sa kanyang kama.
"Nay,uwi ka po muna.Si Elaiza po!"
- tarantang sabi ni Kurt sa ina habang kausap ito sa telepono.
"Oh sige!!Uuwi na kami ng tatay nyo.Painumin mo ng tubig ang kapatid mo.Okay?"
- tarantang sabi din ng kanilang ina at dali-dali namang ibinaba ni Kurt ang telepono at dali-daling kumuha ng tubig.
"Sis,inumin mo muna tong tubig para mahismasan ka.Paparating na sina nanay at tatay."
- bumangon naman si Elaiza at uminom ng tubig na medyo kumalma na.
"Ano ba kasing nangyari?"
- tanong ni Kurt habang nakahawak sa magkabilang balikat ni Elaiza.
"U-umopo ako s-sa malaking puno habang n-naghihintay sayo pero biglang d-dumating yung m-malaking aso.Palapit ng palapit sa a-akin.Hinarang ko yung dalawa kong k-kamay at sumigaw.Naghintay lang ako na atakehen nya ako p-pero hindi tas inalis ko yung mga kamay ko na nakatakip sa mukha ko.N-nagulat nalang ako ng makita kong nakabulagta na yung malaking h-hayop."
- utal-utal na paliwanag nya sa kanyang kuya.
"Ssshh!!Tahan na,promise next time.Di ka na iiwan ni kuya.I'm sorry okay?"
- habang hinahagod ng kanyang likod.
Lumabas na,lumabas na ang tunay nyang katauhan.Mas lalo akong kinakabahan sa mangyayari sa susunod.Dalawang buwan nalang,dalawang nalang ay kaarawan na nya. - saisip ni Kurt na nababahala.Mga ilang minuto,dumating naman ang kanilang mga magulang at alalang-alala ang mga ito saka niyakap ng napakahigpit si Elaiza.
Di naman nagalit ang kanilang mga magulang sa pag-iwan ni Kurt sa kanyang nakakabatang kapatid dahil naiintindihan naman nila na di nito sinasadya na iwan ang kapatid dahil kumuha ito ng maiinom.
================================================
"HINDI!!!HINDI PWEDEEE!!!PAGBABAYARAN MO LAHAT NG ITO!!PAGBABAYARAN MO ANG PAGPASLANG SA AKING ALAGA!!LAPASTANGAN KA!!GAGANTI AKO!!"
- sigaw ng isang nilalang nang matagpuan nyang wala ng buhay ang kanyang alagang hayop.
Binuhat naman nito ang alaga at dinala sa kanyang tirahan.
=============================================
"Buti nalang,hindi nasaktan ang mahal na Prinsesa."
- nakangiting sabi ng isang napakagandang nilalang habang tinitingnan ang napakagandang prinsesa sa mahiwagang balon.
Maya-maya,nagpalit anyo ito.Naging isang napakagandang paro-paro at lumipad para bantayan ang kanyang kaibigan na isang Prinsesa.
############################################################
Dedicated to all my voters..
Sana magustuhan nyo po to.
Enjoy reading...
God Bless You All!!
♥♥♥♥♥♥♥♥♥
*unique_mae*
BINABASA MO ANG
Ang Kaharian ng Inglatia (JaiLene)
FantasyMagagawa kayang protektahan ng apat ang Kahariang ito? Mapipigilan kaya nila ang kaaway na gustong wasakin at sirain ang Inglatia? Abangan!! @unique_mae