Dedicated to @ghostplot
Hinihintay naman nya ang sagot ng nanay nya habang nakapangalumbaba.
"Oo,totoo sila."
-matipid na sagot ng kanyang ina at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.
Napaisip naman si Elaiza.
"Ahm 'Nay,nakakita ka na ba ng mga diwata at engkanto?"
-tanong naman nito sa kanyang ina.Napatigil naman ang kanyang ina sa kanyang ginagawa saka tumingin ito sa kanya.
"Hindi,pero ang tatay mo.Oo,nakakita na sya."
-sagot ng kanyang ina na tila may iniisip.
"Talaga po?!"
-gulat na sabi nito sa kanyang ina na medyo nanlalaki ang mga mata.Napatawa naman ang kanyang ina sa kanyang reaksyon.
"Sige na,pumasok ka na dun sa bahay.Tatapusin ko lang to."
-pagtataboy ng kanyang ina sa kanya.Tumayo naman ito at nagpaalam sa kanyang ina na papasok na.
Nung nakapasok naman ito,bigla nalang nagbuntong-hininga ang kanyang ina at tumingin sa kawalan.Tila may malalim na iniisip.Bigla itong nabahala dahil habang palaki ng palaki ang kanyang anak ay nagiging interesado na ito sa mga engkanto at diwata.Natatakot ito sa positibong mangyayari rito.
======================
Samantala,sa kabilang mundo naman...
Sa mundo ng mga engkanto...
"Mahal na Prinsipe,hinahanap po kayo ng mahal nyong Inang Reyna."
-sabi ng kanyang kawal na nakayuko sa kanya.
"Salamat.Pupuntahan ko nalang sila."
-sagot naman nito sa kanyang kawal at nagsimulang humakbang na papunta sa kinaroroonan ng kanyang ina at ama.
Nang nasa harapan na sya ng kanyang ina at ama ay yumuko ito na nagpapahiwatig ng paggalang.
"Saan ka na naman galing mahal naming prinsipe?"
-mahinahong tanong ng kanyang ina sa kanya.Habang ang kanyang ama ay napakaseryoso ng mukha na nakatingin sa kanya.
"Sa ibabaw mahal kong ina."
-magalang na sagot nito.
"Ano?!"
-medyo pasigaw na tanong ng kanyang ama sa kanya.
"Pinuntahan mo na naman ang babaeng mortal?!Alam mo naman na delikadong pumunta dun?"
-galit na sabi ng kanyang ama.Napayuko nalang ang kanilang anak na prinsipe.
"Patawad ama.Nais ko lang na masilayan ang magandang mukha ng babaeng-----"
-subalit pinutol ng kanyang ama ang kanyang paliwanag.
"Husto na!!Bumalik ka sa iyong silid.
-medyo mahinahon na nitong sabi.
Yumuko naman ito at nagpaalam sa kanyang ina at ama.
=======================
Sa ibabaw...
"Ricky,natatakot ako sa mangyayari.Malapit ng maglabing-walo ang ating anak."
-sabi nito sa kanyang asawa.
"Wag kang mag-alala mahal.Babantayan natin ang ating anak.Walang mangyayaring masama dito."
-sagot naman ng lalaki sa kanyang asawa.
Tumango naman ang babae sa kanyang asawa at niyakap naman sya nito..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.....
Sino kaya yung tinutukoy na anak?
Sino kaya yung prinsipe?May ugnayan kaya ito sa ating bidang babae?
Abangan......
God Bless You All..
Enjoy reading...
------> Yvor at the side..
*unique_mae
BINABASA MO ANG
Ang Kaharian ng Inglatia (JaiLene)
FantasyMagagawa kayang protektahan ng apat ang Kahariang ito? Mapipigilan kaya nila ang kaaway na gustong wasakin at sirain ang Inglatia? Abangan!! @unique_mae