*Kaharian ng Inglatia*
"Ipinatatawag nyo daw ako mahal na hari at mahal na reyna?"
- nakayukong pagbibigay-galang ni Alleya kina Haring Julian at Reyna Samantha.
"Maraming salamat sa pagpapaunlak mo sa aming paanyaya,Alleya."
- tugon naman ng hari.
"Walang anuman Mahal na Hari.Ikinagagalak ko pong nakita ko kayong muli."
- sagot naman ng Reyna.
"Ano po maipaglilingkod ko sa inyo?"
"Alleya,ito na ang panahon para bantayan mo sya."
- sambit ng hari.
Nabigla ang engkantada na si Alleya ngunit bakas mo sa kanyang mukha na masaya sya at nagagalak.
"Ikinagagalak ko po na sinabi nyo yan.Nasasabik na akong mahawakan at mayakap ang prinsesa."
- nakangiti nitong sabi.
"Maraming salamat Alleya.Maraming salamat sa pagiging tapat mo."
- tumango naman ito at yumuko sa hari at reyna.Saka nagpaalam at tuluyan ng lumabas.
===========================================================
Samantala,habang nag-uusap ang mga magulang nina Kurt at Elaiza.Nun naman nagising si Elaiza at bumaba na ng bahay.
"Good morning bata!"
- masiglang bati ni Kurt kay Elaiza.
Ngumiti naman ito at binati rin ang kanyang kuya.
"Good morning din kuya."
"Good morning po 'nay,'tay."
- bati din nito sa kanilang ama.
Ngumiti din ang kanilang mga magulang at inabot sa kanya ang kanyang iinuming gatas.
"Bata,okay ka na?"
- worried na tanong ng kanyang kuya.
"Opo,okay naman po ako kuya.Salamat po kagabi ha?"
- sagot nito saka hinigop ang kanyang gatas.
"Walang anuman sis,basta ikaw."
- sabay gulo ng kanya kuya ng buhok nya.
"Nay,'tay.Pwede po ba akong mamasyal?"
- baling nito sa mga magulang nila.
"Oh sige,isama mo kuya mo ha?"
- sagot ng nanay nito.
"Opo,samahan mo ako kuya ha?"
"Okay sis."
Pagkatapos ng pag-uusap nilang yun ay nagpaalam na ang kanilang mga magulang upang pumunta sa kanilang mga trabaho.
Si Elaiza naman ay naglilinis ng kanyang kwarto habang ang kuya nya ay naglilinis sa buong bahay.
Pinigilan nga sya nito na maglinis ngunit di ito nakinig kaya hinayaan nalang.
Pagkatapos naman nilang maglinis ay namasyal ang mga ito sa paboritong tambayan ni Elaiza.Sa puno ng acacia.
Naghahabulan ang magkapatid at wala silang kamalay-malay na may nagmamasid sa kanila na isang tao.Di mo mababasa sa mga mata nito kung anong pakay nya sa dalawa.
BINABASA MO ANG
Ang Kaharian ng Inglatia (JaiLene)
FantasyMagagawa kayang protektahan ng apat ang Kahariang ito? Mapipigilan kaya nila ang kaaway na gustong wasakin at sirain ang Inglatia? Abangan!! @unique_mae