Kabanata 4

270 19 20
                                    

Dedicated to @gummybearforever123






"San na kaya yung babae?Ang bilis namang nawala."

-sabi nalang ni Elaiza at napakamot sa ulo.

"Makauwi na nga lang.Namaligno ata ako dito eh."

-sambit nito at lumakad na pauwi.

After ilang minutes,nakarating na rin ito sa bahay nila at pumasok agad sa loob ng bahay.

"Inay,nandito na po ako!"

-pasigaw nito pagkapasok ng bahay.

Nang biglang sulpot ng kanyang kuya.

"San ka na naman galing bata?"

-pagtatanong ng kanyang nakakatandang kapatid.

"Sa tambayan lang kuya."

-sagot naman nito at pumunta sa kanilang kusina para humanap ng makakain.

"Hoy bata!!Kakain ka na naman?Pambihira!!"

-pagsisigaw ng kanyang kuya na may tonong pang-aasar.

"Tse!!Walang basagan ng trip kuya!"

-pasigaw rin nito habang ngumunguya ng apple na nakuha nya sa ref na bumalik agad sa kinaroroonan ng kanyang kuya.

Syanga pala,maykaya ang pamilya ni Elaiza dahil sobrang sipag ng ama nito magtrabaho at may malawak na palayan ang mga ito.May medyo malaking tindahan na rin kaya di sila naghihirap.

"Kuya,si nanay?"

- tanong nito habang ngumunguya.

"Nasa damit nito."

-pilosopong sagot ng kanyang kuya.

"Kuya!!Alam ko na nasa damit nya si nanay kasi suot nya ito.Ang tanong ko,asan sya nakatayo o nakaupo ngayon?!"

-asar na tanong nito.Tumawa naman ang kanyang kuya at ginulo ang buhok nya.

"Naman eh!!"

- pagrereklamo nito.Sabay pasalampak na naupo sa sofa at tiningnan ang kanyang kuya na natatawa.

"Kuya."

"Oh?"

"Si nanay?"

"Asus!!Di makatulog na wala si nanay?"

- napasimangot naman ito sa sagor ng kanyang kuya.

Di nalang ito sumagot at nagpatuloy sa pag kain ng apple.

============================================

Samantala,sa mundo naman ng mga engkantada at diwata ay nag-uusap ang mga hari't reyna kasama ang kanilang dalawang anak.

"San ka galing mahal na prinsesa?Di kita nasilayan dito kanina."

-Reyna Natalia.

"Namasyal lang po mahal kong Inang Reyna."

-sagot nito ng malumanay sa kanyang ina.

"Bakit nyo pala kami pinatawag amang hari at inang reyna?"

-prinsipe Yvor.

"Nais lamang namin iparating sa inyo na wag kayong basta-basta pumunta sa mundo ng mga mortal sapagkat mapanganib ang mga ito."

-mahabang pahayag ng kanilang ama.

"Subalit amang hari--"

-di na natapos ni Prinsesa Yvonne ang kanyang nais sabihin sapagkat pinutol na ito ng kanilang ama.

Ang Kaharian ng Inglatia (JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon