Kabanata 3

286 19 22
                                    

Dedicated to Zyrinne_cyrille

Thank you sa pagbabasa bhe and thank you sa vote..sana magustuhan mo to.

Nasa tambayan na naman si Elaiza,sa matayog na puno ng acacia.Yan ang kinahiligan nya,mas gugustuhin nyang mapag-isa at tumambay sa puno ng acacia at sa tabing-ilog at umupo sa malaking bato.

Sa kakaisip nya ng malalim ay di nya namalayan na may isang napakagandang babae sa kanyang likuran na nakangiti ng malawak at ang pupungay ng mga mata nito na nakatitig sa kanya.

Dahan-dahan namang lumapit ang babae sa kanyang likod at naramdaman naman ito ni Elaiza.

Napatayo naman ito at medyo nagulat sa kanyang nakita.

Ang ganda nya.Para syang Dyosa.saisip nito.

"Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?"

-magalang na tanong nito sa babaeng nasa harapan nya.

Ngumiti naman ang babae bago sumagot.

"Magandang araw Elaiza."

-bati nito sa dalaga na nakangiti pa rin.

Nagulat naman ito at nagtataka kung bakit sya kilala nito.

"Kilala mo ako?Paano?"

-gulat na tanong nito na namimilog pa rin ang mga mata nito.

"Matagal na kitang sinubaybayan.Magkasinggulang lang tayo at sabay pa tayo na isinilang."

-malumabay na sagot nito sa dalaga.

"Paano mo nalaman?"

- Elaiza.

"Dahil palage kitang nakikita at palageng sabay ang kaarawan natin."

-nakangiti pa ring sagot nito.

Di ba sya nangangalay sa kakangiti? saisip ni Elaiza.Saka ang weird naman nya,sobrang ang puti ng damit nya at nakakasilaw dahil sa sinag ng araw.

"Anong pangalan mo?"

-pagtatanong nito sa kanyang kausap.

"Malaman mo rin ito sa takdang-panahon.Paalam Elaiza,hanggang sa muli."

-sabi nito sabay talikod upang umalis na.

"S-sandali!!"

-pagtatawag ng dalaga dito pero di man lang ito lumingon at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Hinabol naman nya ito pero di na nya makita ng lumiko ito.

==============================================

"Mahal na prinsesa,san ka galing."

-pagtatanong ng kanyang kapatid na prinsipe.

"Sa mundo ng mga mortal,mahal kong kapatid."

-sagot nito ng malumanay.

Napangiti naman ang lalaki sa kanyang sinagot.

"Maraming salamat mahal kong kapatid sa pagbabantay sa kanya."

- sabi nito sa nakakabatang kapatid.

"Walang anuman mahal kong kapatid.Sapagkat ninais ko ring masilayan ang kanyang magandang mukha at matatamis na ngiti na para bang walang iniisip na suliranin."

-nakangiting sambit ng prinsesa.

Sa ganung pag-uusap sila naabutan ng kanilang kawal.

Yumuko naman ang mga ito bago nagsalita.

"Mahal na prinsipeng Yvor at Mahal na prinsesang Yvonne.Ipinatatawag po kayo ng mahal na hari at reyna."

-mahabang sabi nito na nakayuko pa rin.

"Maraming salamat mga kawal."

-sagot naman ng mga ito.Saka lang tumayo ang mga ito at paatras na lumakad at pinadaan ang mga anak ng kanilang hari't reyna.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Itutuloy...

Nakilala na natin ang prinsesa at prinsipe..

Ano kaya ang ugnayan ng dalawa kay Elaiza?

Oh ayan na po,thank you sa pagbabasa..

-------> Kurt at the side..

God Bless you..

Ang Kaharian ng Inglatia (JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon