Kabanata 10

178 16 17
                                    


**Encladia**

"Mahal na prinsesa,saan ang tungo mo?"

- pagtatanong ng isang kawal kay Prinsesa Yvonne.

"May pupuntahan lang ako Subalom.Dadalawin ang isang kaibigan dahil may nararamdaman akong kakaiba."

- saad ng prinsesa na bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala.

"Sasamahan ko po kayo."

"Wag na Subalom.Kaya ko na to mag-isa.Dito ka lamang,kaw na ang bahalang magpaliwanag kina ama at ina kung sakaling hanapin nila ako."

- sabi ng dalaga sa kanilang kawal.Yumuko naman si Subalom at iniwan na ito ng prinsesa.

~sa mundo ng mga Mortal..

Natanaw na ni Prinsesa Yvonne ang bahay ng kanyang matalik na kaibigan.Lumapit sya dito at bigla nalang naglaho.

Lumitaw itong muli sa loob ng silid ni Elaiza.

"Magandang gabi mahal na prinsipe."

- nakayukong bati nito kay Kurt.

"Magandang gabi din sayo mahal na prinsesa."

- nakayuko rin nitong bati kay Yvonne.

"Kumusta na sya?"

"Maayos na ang kanyang lagay."

- sagot naman ni Kurt.

"Naramdaman ko na may nangyari dito na di maganda kaya ako pumunta."

"Tama ka Yvonne ngunit dahil sa kahinaan ko,napalabas nya ang kanyang kapangyarihan na di sinasadya dahil sa kanyang galit.*sigh* "

"Hindi ka mahina,nagkataon lang na naisahan ka nung kaaway mo.Alam ko na malakas at matapang ka Kurt at kailangan mong magpalakas pa para maproyeksyunan mo si Elaiza."

"Salamat Yvonne.Maraming salamat."

"Walang anuman.Kailangan ko ng umalis.Baka magising na sya.Paalam."

- saad ng prinsesa saka ito yumuko at naglaho nalang sa harapan ni Kurt.

"Hmmm.."

- nilapitan naman agad nya si Elaiza ng umungol ito.

"Kuya."

"Kumusta ka na?Okay na ba pakiramdam mo?"

- nag-alalang tanong nito sa kakagising lang na si Elaiza.

"Okay lang ako kuya.Ano pong nangyari?"

"Wala ka bang natatandaan sa nangyari kanina?"

Nag-isip naman si Elaiza sa tanong ng kuya nya at inalala kung ano ang nangyari.Nang may naalala ito.

"A-ang natatandaan ko lang ay may m-malaking m-mama na umatake sayo?Tapos tumakbo ka palabas then nung sinundan ko kayo,tumilapon ka at tumama ang katawan mo sa malaking puno.T-tapos t-tapos,nagalit ako.Di ko na alam kung anong kasunod na nangyari."

- mahabang paliwanag nito saka naman dumating ang kanilang mga magulang.

"Anak,kumusta ka na?Okay na ba pakiramdam mo?"

- nag-alalang tanong ng mga ito.

"Okay naman po ako."

- sagot nito saka tumayo.

"Anak,wag ka munang tumayo.Magpahinga ka na."

"Okay lang po ako 'tay.Mamaya nalang ako matulog."

Ang Kaharian ng Inglatia (JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon