Kabanata 6

219 15 25
                                    

Habang nakayakap si Elaiza sa kanyang kuya.Ang kanyang kuya naman ay alalang-alala sa kapatid dahil di lang to ilang beses na nagkaganito.Hinahagod nya lang to habang sa nakatulog ito ulit.

Nung malalim na ang kanyang paghinga ay inihiga na sya nito sa kama.

Hinahagod naman ng kuya nya ang kanyang buhok dahil batid na nito kung bakit ito palageng ganito.

Alam nito kung ano ang nangyayari dahil palage nya itong sinusundan.na di namamalayan ng kanyang kapatid.

"Malapit na mahal kong kapatid.Malapit mo ng matuklasan ang katotohanan.Pero pinapangako ko,di ka pababayaan ng kuya.Nandito lang ako."

- sabi nito sa natutulog na si Elaiza saka hinalikan ang noo nito.

Maya-maya tumayo na ito at nilisan ang kwarto ni Elaiza.

=============================================================

*Kaharian ng Inglatia*

"Mahal kong hari,natatakot ako.Natatakot ako na matunton ng mga Glatorian ang kinaroroonan ng mga anak natin."

- sabi ni Reyna Samantha kay Haring Julian.

"Wag kang mag-alala mahal ko.Ipapadala natin si Alleya dun upang bantayan nya ang ating anak.At panahon na para malaman nya ang kanyang totoong pinanggalingan."

- mahabang sabi ng hari.

"Mahal ko,pwede nating ipadala dun si Alleya upang bantayan sya,ngunit wag muna nating ilantad ang katotohanan sa kanya."

- nababahalang sabi ng reyna.

"Ngunit bakit mahal na reyna?"

"Hindi pa panahon para malaman nya ang katotohanan."

- sabi nito at tumango naman ang hari.

=============================================

^Kaharian ng Encladia^

"Mahal kong hari,nabalitaan ko sa isa nating kawal na sinugod ng mga Glatorian ang kaharian ng Inglatia."

- nag-aalalang tanong ng reyna sa kanyang kabiyak.

"Nabalitaan ko nga mahal ko.Ngunit,wala namang napaslang na mga kawal sina Haring Julian ayon sa sulat nito."

"Ang ikinatatakot ko lang mahal kong hari.Paano kung,malagay sa panganib ang mga anak natin katulad sa mga anak nina Haring Julian at Reyna Samantha?Hanggang ngayon,wala na tayong nalalaman kung nasaan na ang mga anak nila."

"Mahal kong reyna.Walang mangyayari sa mga anak natin sapagkat malalaki na sila at kaya na nilang ipagtanggol ang kanilang sarili."

- mahabang paliwanag ng hari sa reyna.Napanatag naman ang loob ng reyna at di na ito nagsalita pa.Ngunit makikita mo pa rin sa mga mata dito na may takot pa rin.

==============================================================

^Mundo ng mga Mortal^

Kinaumagahan..

"Nay,'tay.Nanaginip na naman kagabi si Elaiza."

- balita ni Kurt sa kanilang mga magulang.

"Nagsisigaw nga po sya kagabi eh pero di masyadong malakas."

"Okay lang ba sya anak?Di kasi namin narinig dito sa baba eh!!Ano?!Ayos na ba ang kapatid mo?"

- nag-alalang tanong ng kanilang ina.

"Anak,mas mabuti pa sigurong samahan mo nalang ang kapatid mo sa kanyang kwarta.Aaminin ko,natatakot na ako sa mangyayari."

- nag-aalala ring sabi ng kanilang ama.

"Wag po kayong mag-aalala,babantayan ko po palage si Elaiza.I promise,di ko sya pababayaan.Lalo na ngayon na malapit na syang magdebut."

- pahayag naman ni Kurt upang di na mag-alala ang kanilang mga magulang.

"Salamat anak.Kahit nandito lang kayo sa bahay.Di pa rin ako kampante kasi alam ko,ramdam ko na kahit anong oras.Pwede kayong mapapahamak kaya anak please lang.Ibayong pag-iingat ang gawin nyo ha?"

"Opo nay,pangako po."

- sagot ni Kurt at tumingin sa kawalan.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Itutuloy...

Sa palagay nyo,sino si Alleya?

Sino ang kanyang babantayan?

Abangan..

Enjoy reading po..

God Bless You All!!

Haring Ezekiel and Haring Julian at the side-------->

*unique_mae*

Ang Kaharian ng Inglatia (JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon