===========================================================
**YVOR POV**
Nakakatuwa syang pagmasdan habang hinahabol ang mga paro-paro.Napakaganda nya.Ibang klase ang taglay ng kanyang kagandahan.
Nilibot namin ang buong lawa,di ko akalain na may matuklasan kami dito sa pinakalikod at pinakatagong bahagi ng lawa.Sa katunayan nga,ngayon ko lang ito nalibot dahil wala talaga akong balak na libutin ito noon.Ngunit ngayon,di ko akalain na malilibot namin ito at di ako nakaramdam ng pagod.Dahil siguro ay kasama ko ang babaeng iniibig ko.
Malapit ng magdilim kaya niyaya ko na si Llena na umuwi.Sapagkat mapanganib ang lugar na ito kahit sakop pa rin ito ng Inglatia.Maraming mababangis na hayop at maaaring may makakasalubong pa kami na kaaway.
Mga ilang minuto ay nakarating din kami sa palasyo at saka nagpaalam na rin ako sa kanya na uuwi na ako.
"Dito ka na lamang matutulog Yvor.Baka mapahamak ka sa daan."
Nag-aalalang saad nito.
"Wag kang mag-alala Llena.Kasama ko si Subalom at iba pa naming kawal."
"Di ka na ba talaga magpapaawat?"
"Patawad.Ngunit kinakailangan kong umalis at umuwi na sapagkat may pupuntahan pa kami bukas ng umaga."
"Kung gayon,mag-iingat lamang kayo."
"Salamat Llena."
Yumuko naman kami bago nilisan ang kanilang kaharian.
Pagpasok ko ng bulwagan ay nadatnan ko ang aking ama,ina at kapatid na nag-aabang sa akin.Yumuko naman ako bago nagsalita.
"Magandang gabi mahal kong ama,ina at kapatid."
"Saan ka galing Prinsipe Yvor?!"
Matigas na tanong ni ama na tono ng isang hari.Natigilan naman ako sapagkat nagpaalam ako sa kanila kanina.
"Ama,di nga ba't nagpaalam ako sa inyo kanina na dadalawin ko lamang si Prinsesa Allena?"
Kabadong saad ko.Napakaseryoso ng kanilang mukha.Kahit may kakayahan akong magbasa ng isip ngunit di ko mabasa kay ama sapagkat may kakayahan syang harangan ang kanyang isip para di ko ito mabasa.Gusto kong basahin kay Yvonne.Ngunit ayaw kong magalit ito sa akin.Kaya nanahimik lamang ako nang ni isa sa kanila ay walang nagsasalita.Napayuko lamang ako.
"Ama,tatanggapin ko kung anumang kaparusahan ang ipataw mo sa akin."
Mahinahong saad ko habang nakayuko pa rin.Ngunit napaangat agad ako ng tingin ng bigla silang nagsihalgapan ng tawa.
Anong nangyare?Nasapian ba sila ng masasamang espiritu?
"Ama?Ina?Yvonne?"
"Hahahahahaha!!Nakakatawa ka talaga anak!Hahaha!!"
"Ina!Anong nangyare sa inyo?!"
Naguguluhan na ako sa kanilang tatlo.
"Sinusubukan ko lamang ang pagiging strikto ko kung matatakot ka ba.Hahaha!!Sa nakikita ko,takot ka nga!Hahaha!!"
"Ama,hindi ba kayo nasapian mg masasamang elemento?"
Nagdududa kong tanong rito.
"Hindi naman anak,sapagkat nagkakatuwaan lamang kami."
"Tama ang iyong ama.Magmula nung bumalik na dito sa mundo natin sina Prinsipe Ashton at Prinsesa Allena ay nakaramdam ako ng kakaibang sigla sa aking puso.Para bang,di na ako natatakot sa kung anumang susunod na mangyayari."
"Maging ako man ina.Natutuwa ako't nagbalik na sila."
Nag-uusap lang silang tatlo sa harapan ko.Ako,nakikinig lamang na para bang nanonood ng isang palabas.Di ko akalain na makikita ko silang nagkakatuwaan.At ako pa ang napili nilang pagkatuwaan.Umupo na lamang ako sa aking upuan na upuan ng isang prinsipe at nagbuntong-hininga.Saka naalala ko ang pangyayari kanina nung magkasama kami ni Llena.
"Anak,kung iniibig mo sya.Magtapat ka.Hindi yung iniisip mo lamang sya araw-araw at gabi-gabi."
Napalingon naman ako kay ama ng sabihin nya iyon.Nais kong sabihin sa kanya ngunit di ko alam kung matatanggap nya ako o hindi dahil di ko mabasa ang laman ng kanyang isip.
Si Allena ang kahinaan ko,tanging sya lamang ang di ko kayang basahin ang kanyang isip.Hindi ko alam kung bakit.At iyon ang nagpapagulo sa aking isipan.
"Dahil iniibig mo sya."
"Ano ang ibig mong sabihin ama?"
"Hindi mo kayang basahin ang isip ng babaeng iniibig mo.Sapagkat iyon ang nakasaad sa kasulatan.Tanging ang babaeng mo ang kaisa-isang kahinaan mo at lakas mo."
Naguguluhan ako sa itinugon ni ama.Batid ko na may ibig pa syang ipakahulugan.Iyon ang dapat kong alamin at di ko kailangang itanong sa kanila.Tuyuklasin ko ito sa pamamagitan ng kakayahan ko.
====================================================================================
**ALLIYAH POV**
Simula nung sumulpot yung babaeng yun dito sa Inglatia ay di na natatahimik ang isip ko.Nakaramdam ako ng paninibugho.Hindi ko alam kung bakit at ano ang dahilan.
Nandito ako ngayon sa likod ng palasyo.Nakaupo sa malaking bato at pinapanood ang mga alitaptap na nagsisiliparan at ang iba ay pinapalibutan ako.
Nagulat na lamang ako ng biglang may lumitaw sa harapan ko.Ang makulit na namang babae na si Klareah.
"Anong maipaglilingkod ko sayo?"
Mahinahon kong tanong dito.
"Wala naman,nais lang kitang makausap."
"Tungkol saan?"
"Sa kahit ano."
"Kung gayon,maaari mo ba akong iwan?Nais ko lamang mapag-isa."
"Kaw naman,ang sunget mo!"
Sabay hampas nito sa akin sa balikat.Nasaktan naman ako kasi napalakas talaga ang paghampas nya kaya tiningnan ko sya ng may galit sa mata.Nataranta naman ito.
"Hala!Di ko sinasadya!Patawad!"
Dahan-dahan naman akong lumapit sa kanya.
"Alam mo bang ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung saktan ako?"
"Patawad!Di ko talaga sinasadya!Waaahhhh!!"
Sigaw nito at bigla nalang naglaho.Ayaw ko sa kanya,kung ano-ano lang ang pinagsasabi.Parang hindi engkantada.
"Ayun!Natakot din.Akala ko pa naman,walang kakatakutan yun dito."
Napalingon naman ako sa nagsalita at bahagya akong nagulat nang si Ashton pala ito.
"Anong kailangan mo?"
"Wala naman.Gusto ko lang ng kausap.Maaari ba,Liya?"
Tumango naman ako,kaya naupo ito sa aking tabi.Tahimik lamang kami ng ilang minuto ngunit binasag nito ang katahimikan nang may naisip itong itanong sa akin.
"Alliyah?"
"Bakit?"
"Naranasan mo na bang umibig?"
"Ha?Bakit mo naman naitanong iyan?"
"Nais ko lamang malaman kung umibig ka na ba?Maaari ko bang malaman?"
Napakaseryoso ng tanong nya.Ngunit natatakot akong sagutin sapagkat hindi nya batid na sya yung taong iniibig ko.
"Ah,
Itutuloy..
#############################################
Ayan!Nakapag-ud rin.Di kasi makatulog eh!Nilalagnat kasi si pamangkin kaya bantay muna ako.
Pagpasensyahan nyo muna kung panget ang chapter na to..
Enjoy reading po..
God bless you all..
BINABASA MO ANG
Ang Kaharian ng Inglatia (JaiLene)
FantasíaMagagawa kayang protektahan ng apat ang Kahariang ito? Mapipigilan kaya nila ang kaaway na gustong wasakin at sirain ang Inglatia? Abangan!! @unique_mae