Dedicated to @ljgella
@ej9014
==========================================
"Kuya?"
"Bakit sis?"
"Totoo ba ang mga engkanto at diwata?"
-pagtatanong nito sa kanyang kapatid.
Pero hindi nya alam na dahil sa tanong nyang yun ay nabahala ang kanyang nakakatandang kapatid.
"Ba't mo naman natanong yan?"
- balisang tanong ng kanyang kuya.
"Wala naman po.Gusto ko lang malaman kung totoo ito o hindi."
- kulit nito sa kanyang kuya.
"Tsk!!Wag mo 'kong tanungin tungkol dyan dahil wala akong alam."
- sagot nito na di mapakali.
Sa ganun silang pag-uusap nang dumating ang kanilang mga magulang.
"Nay,Tay!!"
- pasigaw ni Elaiza ng makita nya ang kanyang mga magulang.
"Parang isang taong di nakita sina nanay at tatay ah!!"
- pang-aasar sa kanya ng kanyang kuya pero di nya to pinansin.Niyakap nalang nya ang kanyang mga magulang.
"Oh anak,maupo ka muna.May sasabihin lang kami ng iyong nanay sa inyo."
- natatawang sabi ng kanilang ama.Umupo naman ito sa tapat ng mag-asawa saka nagtanong.
"Ano po yun 'tay?"
- mahinhin nitong tanong sa ama.
"Anak,napag-isip-isip namin ng nanay mo na napakadelikado na ng panahon ngayon.So,
- putol ng kanyang ama.
"Ano po yun 'tay?"
"So,kailangan kung lalabas ka ng bahay.Dapat kasama mo ang kuya mo."
- pagpapatuloy ng kanyang ina.
Napasimangot naman ito at tumingin saglit sa kanyang kuya na nakangisi at kumindat pa.Ibinalik naman nito ang tingin sa kanyang mga magulang habang nakasimangot pa rin.
"Nay,'tay.Ayaw ko pong makasama si kuya.Palage po akong inaasar nyan eh."
- pagrereklamo pa rin ngunit malambing pa rin ang boses nito.
"Anak please,ayaw namin na mapahamak ka.Lalo na't sakitin ka diba?"
- sabay hawak sa kanyang kanang kamay at pinisil ito.Ngumiti naman si Elaiza sa sinabi ng kanyang ina.
"Tay,sabihin mo naman kay nanay oh na okay lang ako saka wala namang mananakit sa'kin dito diba?"
- baling nito sa kanyang ama.
"Nak,makinig kay nanay."
- sagot naman ng kanyang ama.
"At ikaw Kurt Ashtone,bantayan mo ang kapatid mo.Wag magpasobra sa pang-aasar."
- baling ng ama kay Kurt.
"Oo na po.Babatayan ko yang si Elaiza Allena."
- nakasimangot rin na sagot ng nakakatandang kapatid nito.Ayaw na ayaw kasi nito na binabanggit ang totoo nyang pangalan.
"Sisiguraduhin mo lang."
- sabat naman ng kanilang ina.
"Basta ha,pupunta pa rin ako sa tabing-ilog at sa punong acacia ha?"
BINABASA MO ANG
Ang Kaharian ng Inglatia (JaiLene)
FantasyMagagawa kayang protektahan ng apat ang Kahariang ito? Mapipigilan kaya nila ang kaaway na gustong wasakin at sirain ang Inglatia? Abangan!! @unique_mae