CHAPTER 3

10.6K 297 2
                                    

"ROSE BAKA GUSTO MONG SUMAMA SA AMIN NI SOFIA KAIN KAMI SA LABAS" aya sakanya ni Lourdes na kapwa teacher.

Ngumiti siya at ngumiwi "Pasensiya na pero may lakad din kasi ako ngayon maybe next time sama ako"

Bigla silang napatingin sa bumusinang sasakyan at mula doon ay lumabas ang isang napakagwapong nilalang.

"Ayyy! Si Mr. Hot pala ang kasama mo! Oh! Ayan na sundo mo! Alam mo bagay kayo" tudyo ni Lourdes sakanya.

"Di ba nga sabi ko sa inyo hindi kami talo! Magkaibigan lang kami Friends okay?!" Pagpapaliwanag niya sa mga ito.

"Hi mga Ms. Beautiful!" Sabay kindat kina Sofia at Lourdes. Pigil naman ang tili ni Lourdes dahil sa kinikilig ito sa binata.

"Tumigil ka nga! Nakakahiya!" Siko ni Sofia sa kaibigan.

"Eh bakit ba! Gwapo naman talaga siya. Ang hot eh! Hi Fire!" Winagayway ni Lourdes ang kanyang kamay at tsaka iniipit ang kanyang buhok sa likod nang tenga nito na tila ba nag dalagang pilipina Challenge!

Natawa nalang si Rose dahil sa nagiging asal ni Lourdes sa harapan ni Fire. "Oh siya! Mauna na kami" paalam ni Rose

"Teka..sabay na kayo gusto niyo" wika ni Fire sa dalawa, sasagot sana si Lourdes nang si Sofia na ang nauna ditong sumagot.

"Naku! Di na! May dadaanan pa kami diyan sa harapan nang school. Salamat nalang" at hinila na nito si Lourdes palayo.

Nang makasakay si Fire sa driver seat ay agad niyang tinignan si Rose. "Saan tayo?" Tanong nito.

"Sa Legendary Club tayo"

Kunot noo itong napagkit ang tingin sakanya "bakit doon?"

"Kasi nga nandoon si Erica! Kelangan natin siyang puntahan baka kung ano pang mangyari sakanya doon!"

Hindi nito inistart ang kotse bagkus ay muki itong nagtanong. "Ang aga aga namang nagwalwal niyang kaibigan mo!"

"Broken hearted yun! Kaya hayaan mo na! Tara na! Baka nalulunod na sa alak yun!"

Nang makarating sila sa Legendary Club ay agad niyang hinanap ang kaibigan. Good thing nakita niya ito sa isang sulok. Maaga pa kaya hindi pa ganuon kadaming tao. Halos sambahin na yata nito ang mesa dahil sa kalasingan.

"Eca! Eca! Ayos kalang?" Hila niya dito at hinaplos ang likuran nang kaibigan. Naupo siya sa tabi nito at si Fire naman sa kabila naman ni Erica. Tinawag ni Fire ang waiter at umorder nang whisky

"Ikaw Punch anong sayo? Vodka, whisky, tequilla--"

"Juice!" Sagot niya. Kahit nalito si Fire sa sagot niya iyon na ang inorder nito para sakanya.

"Besi naman kasi bakit ka ba naglalasing pa!" Pero di umiimik si Erica. Hanggang sa nabigay na nila ang inorder ni Fire.

"Huhuhu!!! Bakit ba ganun?! Ang ganda ganda ko naman--"

Napaubo si Fire dahil sa pagkasamid sa kanyang narinig pinanlakihan naman ni Rose nang mata ito matapos tumingin sakanya.

"Tapos..ang sexy sexy ko pa--" doon na naibuga ni Fire ang Whisky sa kanyang bunganga dahil tila hindi na nito nakayanan ang sinasabi ni Erica.

"Fire!!!!" Saway sakanya ni Rose hinagod nito ang sariling lalamunan at nagpunas sa bibig. "Eto kasing kaibigan nakakatakot ang mga pinagsasabi!"

"Besi..tama na move on kana--di lang naman siya ang lalaki dito sa mundo madami pa diyang iba"

Tinampal ni Erica ang mesa "ayoko na! Ayoko nang magmahal! Yang mga lalaking yan! Pare-pareho lang sila! Mga paasa!"

"Uy! Di yan totoo ha! Bawiin mo sinabi mo!" Turo ni Fire kay Erica pero tinadyakan ni Rose ang kanyang paa kaya tumigil ito.

LEGENDARY BOYS #5: Peirce Santori (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon