CHAPTER 15

7.7K 265 8
                                    

DINIG NA DINIG NI ROSE ANG TUNOG NANG BAWAT IKOT NANG KANYANG WALL CLOCK. EVERY TICK TOCK OF IT COUNTS..

Katahimikan. Walang nagsasalita tila may dumaang anghel sa pagitan nila at magmula nang pinapasok niya ito wala pa siyang narinig na salita nito.

"Kumain ka na ba?"

Umangat ang tingin nito sakanya at biglang napahawak sa batok nito. "Sorry. Tatawag nalang ako sa Cuisine magpapadeliver--"

"Hindi na. Magluluto na lang ako." Kumain na siya kasama ni Erica sa bahay nina Enaid kanina ngunit sa si malamang kadahilanan because of him she found herself in the kitchen at pinagluluto ito..

Binuksan niya ang refrigerator at napatirik ang kanyang mata nang makitang konti nalang pala ang laman nun at di pa siya nakakapamalengke.

Itlog at talong ang kumuha nang atensiyon niya. Tinorta niya iyon at mabuti nalang may natira pa sa soup na ginagawa niya.

Nang matapos siyang magluto ay binuhat niya ang mga iyon at nilapag sa mini table sa kanyang maliit na sala.

"Pasensiya na iyan lang kasi ang meron akong stock. Ang totoo niyan di pa ako nakakapamalengke"

Hindi siya pinansin nito at kinuha na ang plato at nilagyan iyon nang kanin at tortang talong. May sawsawan siyang ginawa, toyo na may kalamansi at siyempre may konting soup iyon bang knorr crab and corn na instant soup atleast doon tubig lang ipapainit at ilalagay lang ang powder na iyon at papakuluin.

"Taste good. Na miss ko ito"

He uttered habang nasa kalagitnaan sila nang pagkain. Hindi niya mai-focus ang pagkain hindi lang dahil sa busog siya pero dahil sa maganang pagkain nang taong nasa harapan niya.

Ganito din ba siya kumain kapag iba ang nagluto?

"Bakit di ka pa kumakain? May problema ba? Ahm--" napatingin ito sa hawak niyang plato. "Sorry--"

Ilalapag sana nito ang plato nang magsalita siya. "Hindi--kumain ka lang, ano--may naisip lang ako"

Nilapag nito nang tuluyan ang platong hawak at nakaramdam siya nang guilt. "Im sorry kung naistorbo yata kita tapos inabala pa kita sa pagluluto tapos nakikain--"

"Okay lang..wala naman akong ibig sabihin--" napatingin siya sa itaas "naisip ko lang..bakit nagpapagutom ka samantalang madaming pagkain sa office mo"

"Thanks for the care"

Hindi niya ito pinansin bagkus ay kinuha nito ang mga plato at ang mga nasa mini table at nilagay iyon sa kusina. Nang makabalik siya sa kinalalagyan nito ay katahimikan na naman ang namayani.

"Is he your boyfriend?"

Napamaang ito dahil sa tanong ni Peirce. Why did he ask? Does it matter?

Inisa-isa niyang kinuha ang mga libro na nakasalansan sa ilalim nang mesa at iaayos nito sa loob nang isang bag.

"Why asking? Does it matter?"

She said habang inaayos ang kanyang bag para bukas. "Ilang taon na kayong magkakilala?"

"Higit isang taon"

Tipid na tipid at limitado ang bawat pagsagot niya sa katanungan nito. Nang lingunin niya ito nabanaag niya ang lungkot sa mga mata nito.

Sadness? Why?

"Paano kayo nagkakilala ni Fire?"

Napalunok siya at napatingin dito. Paano ba niya iyon sasagutin? Kapag sinagot niya iyon nang tama mas madami pang katanungan ang mabubuo.

"Party nang isang kaibigan--"

"Fire is my friend but--I think he's not the right one for you"

Napatawa siya nang pagak tsaka tumingin dito "nagpapatawa ka ba? Naririnig mo ba kung anong sinasabi mo? Hindi ikaw ang magsasabi kung sino ang tama para sakin! Hindi porke't nagkaroon tayo nang noon pwede mo akong diktahan"

"Im not dictating you--i know Fire more than you know! Hindi siya ang tipo na nagseseryoso sa isang relasyon--"

"Don't judge him--"

"Im just saying it..at ayokong mapahamak ka..ayokong masaktan ka"

Doon siya napatawa nang sobra. Tawa na hindi niya maexplain. "Alam mo napaka judgemental mo..hindi ibig sabihin na porket ganun yung gawain ni Fire noon hindi na siya pwedeng magbago! May mga santo santo nga diyan kung umasal kaso patagong gumagawa nang milagro!"

Padabog niyang inayos ang ilang natirang gamit sa mesa at sinalpak iyon sa bag na hawak.

"Im sorry-- Im just concern--"

"Concern?!" Napangiwi siya "Your not concern! Sinisiraan mo siya sakin! Anong klase kang kaibigan? Kahit matagal na kayong magkakilala, baka nga mas kilala ko pa siya kesa sayo! I don't care about his bad side! Dahil mas tinitignan ko kung ano ang mga kabutihan niya!"

Napakagat labi siya matapos masabi ang mga katagang iyon. Na-carried away siya at naungkat niya ang past nila. Bigla siyang napayuko at napahawak sa kanyang noo.

"Gusto ko lang linawin na hindi ko siya sinisiraan sayo..ayoko lang na masaktan ka--ulit"

Umagos ang luha sa kanyang pisngi nang tumingin sa lalaki. "Manhid na ako sa sakit Peirce..dahil wala nang mas sasakit pa sa ginawa mo--"

Pinunasan nito ang luhang umagos sa kanyang pisngi. "Umuwi ka na"

Tumayo ito ngunit hindi sa pintuan ang tinungo nito kundi sa kanyang harapan. Bigla itong lumuhod doon at hinawakan ang kanyang mga palad. Gustuhin man niyang alisin iyon ngunit hinayaan na lamang niya.

"Alam kong hindi mo pa ako napapatawad. Im sorry..Im sorry--uulit ulitin kong sabihin ito at di magsasawa hanggang sa mapatawad mo ako, kahit sa kabilang buhay pa Rose maghihintay ako sa kapatawaran mo--beleive me.. hindi ko ginusto na saktan ka"

"Pero nagawa mo..sinaktan mo ako--"

Hindi niya lubos akalain na makikita niya ang lalaki na umiyak but Peirce did. Umiyak ito. Kitang kita niya ang pagpatak nang luha nito..

"Im sorry--im sorry..pero maniwala ka Mahal kita. Mahal kita Rose kahit na ikaw yung lumayo, kahit ikaw ang umayaw...Hindi ako bumitaw--so please! Huwag mo sana akong iiwasan..huwag Rose"

Mahal Kita..

Mas naramdaman niya yung sakit. Sakit na mula noon hanggang ngayon ay naroon parin sa kanyang puso..

Inipon niya ang kanyang lakas at inalis ang kamay nang lalaki na nakahawak sakanya. Tinapangan niya ang kanyang nararamdaman..

"Please Peirce..."

Tinuro nito ang pintuan nang umangat ang mukha nito sakanya.

"Leave. Now!"

Wala na soyang lakas para makipagtalo pa dito at mas lalong wala na siyang lakas upang pakinggang kung ano pa man ang sasabihin nito..

Nang tumayo ito mula sa pagkakaluhod ay wala n itong imik na tinungo ang pinto at lumabas mula roon. Nang makaalis ito ay napako ang tingin niya sa pintuang nilabasan nito. Doon ay hinayaan niya ang kanyang sarili na gunitain at maramdaman ang nangyaring sakit sa nakaraan.

-itutuloy-

Joden15

LEGENDARY BOYS #5: Peirce Santori (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon