CHAPTER 17

7.7K 259 4
                                    

NAPANGITI SIYA NANG MAKITA ANG BUNGAD NANG RESORT KUNG SAAN GAGANAPIN ANG KANILANG SEMINAR. Bumiyahe pa sila mula maynila patungo sa Laguna para sa Seminar na ito.

Pagbaba nila nang sasakyan ay agad na sinalubong sila nang mga staff nang Resort.

"Welcome to Mare de Sogni Resort Ma'am and Sir"

Nakangiti ang mga ito sa kanilang lahat. Isa isang binigay nang mga ito ang kanilang mga susi. Mabuti nalang at nakapareserve ang kanilang school nang kwarto para sakanila hindi na hassle sakaling punuan na ang mga naka book dito.

Sa isang kwarto ay tatluhan ang kamang nandoon at siyempre kasama niya sa doon sina Sofia at Lourdes. Matapos niyang maiayos ang kanyang mga gamit ay tumanaw siya sa labas nang malaking bintana.

Sumalubong sakanya ang malamig na simoy nang hangin. It feels good! Pakiramdam niya dito siya makakapagrelax nang husto.

"Ang ganda rito sa Resort ano?" Tumabi sakanya si Sofia at ginala ang kanilang mga mata sa paligid. Malaking pool sa labas nang mga rooms at may mga cottages din doon. At kapag tumingin ka sa labas nang bakod ay makikita doon ang malawak at kulay asul na baybayin.

It such an amazing view! The ambiance can actually relaxing. "Ang ganda sigurong lumangoy doon sa dagat ano?" Turo ni Sofia

"Naku! Ayoko baka mangitim ako! Diyan nalang ako sa pool!" Singit ni Lourdes sakanila.

Nang may biglang kumatok sa kanilang kwarto. At nang buksan ito ni Lourdes ay isa iyong co-Teacher nila na nagsabing maghanda na sila para sa unang araw nang seminar. Yes! Kakadating nila pero 9:00 am ang umpisa nang seminar. Ang hassle! Lalo pa at malayo ang pinanggalingan nila but they need to follow the instruction.

Malawak ang Event Hall at napaka-Elegante nang pahdedecorate nila doon. Naka-hilera na din doon ang Catering Service na mag-aaccomodate sakanila.

Round tables ang inihanda doon at bawat school ay may kanya-kanyang motif and purple are belong to their school.

"Ang Elegante nang dating! Pay Catering na din dito!" Nilibot ni Lourdes ang kanyang paningin sa loob.

"Teka--" kinalabit niya si Sofia "di ba si Mr. Santori iyon?"

Awtomatikong lumipad ang tingin niya sa tinuro ni Lourdes. Nabigla siya at hindi maiwasang itanong sa kanyang sarili kung bakit narito ito!

"Bakit siya nandito?" Tanong naman ni Sofia at dahil kaunti pa lang ang mga tao agad na tinaas ni Lourdes ang kanyang kamay at tinawag ang atensiyon nito.

"Mr. Santori!" Nang mapatingin ito sa gawi nila ay winagayway nito ang kanyang kamay. Then suddenly Peirce took a step at lumapit sakanila.

"Mr. Santori why are you here?" Pag baby talk ni Lourdes sa lalaki.

"Ahh..kagabi lang kasi nagconfirm sa coordinator nang event na ito--" tinuro sila nito "I don't know na kasama pala kayo?"

Napangiti ang kanyang dalawang kasama ngunit siya ay tumingin pababa.

"We actually here to serve..kami ang magki-cater para sa event for 3 days"

"Naku! What a coincidence naman Mr. Santori" sabay hawak ni Lourdes sa braso nito ngunit agad din nitong inalis iyon.

Hindi siya umimik dito. Ngunit alam niyang napapatingin sakanya ang lalaki. "Uhm..sorry but I need to go--madami pa kasi kaming ipe-prepare"

"Sige Mr. Santori bye..see you everywhere!"

Nang makaalis na ito ay hinarap siya ni Sofia. "Uy teacher Rose! May problema ka ba? Di mo kinibo si Mr. Santori.."

Inilapag niya ang kanyang bag sa lamesa at nilabas ang kanyang cellphone. "Wala. Red Flag lang."

LEGENDARY BOYS #5: Peirce Santori (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon