CHAPTER 12

8.4K 269 2
                                    

SINALUBONG SIYA NI ATARAH HABANG PABABA SIYA SA HAGDAN. Masaya ito at tila may dahilan iyon.

"Daddy! Daddy! Tumawag si Mommy kanina sa telephone!" Nilabas niya ang kanyang cellphone at nakita doon na may mga misscalls nga. Parang balewala naman iyon sakanya, di naman niya iyon narinig kaya siguro sa telepono nalang nila sa bahay ang tinawagan nito.

"Nakausap mo ba siya?" He asked at binuhat ito patungo sa hapagkainan.

"A little bit Daddy. Nagmamadali kasi si Mommy eh binati niya lang si Dada"  alam naman nito kung gaano kadalang tumawag ito at kung bakit sa hindi niya malamang kadahilanan ay ang pagiging mailap nito sa bata. Sarili niyang anak pero bakit kapag kinakausap niya ito hindi ito excited. Isa iyon sa kinaiinisan.

"Uhmm.. kumain kana Atarah lalamig yang pagkain apo"

Nagsimula itong kumain at tumingin sa kanyang ina. Tinanguan lamang siya nito..

"Ahh! Siya nga pala anak, Don't forget to Thank Fire for his gift. Pinadala niya kanina"

Napatingin siya sa tinuro nang kanyang ina. It's a Vase! Mahilig kasi ang kanyang ina sa mga antique vases kaya naman hindi kataka-takang iyon ang niregalo ni Fire sakanya.

"Oh sure Ma! Mabuti naman at di nakalimutan nun na ipadala ang regalo niya."

Fire texted him last night at nag-sorry ito kung bakit di siya nakadalo sa birthday nang kanyang ina dahil busy ito sa kompanya niya. Regarding to him, rushed ang ginagawa niya doon dahil pinapauwi ito nang kanyang ama sa kanilang probinsiya sa Cagayan.

A minute later ay hinatid na niya sa school si Atarah. Palinga linga siya ngunit di mahagilap nang kanyang mata ang hinanap. Kaya naman pumasok siya sa trabaho na hindi man lang nasisilayan ang dalaga.

Ang tagal niyang inantay ang pagkakataong ito, ang muling makita ang dalaga and now..abot kamay na niya ito.

Bigla siyang napangiti dahil naalala nito ang ginawa niya kagabing pagsunod dito. Hahamakin talaga ang lahat malaman lang niya kung saan ito nakatira.

Biglang dumami ang katanungan sa kanyang isip. Kumusta kaya ito sa limang taon na wala siyang balita dito? Ang pamilya niya..

Nasa ganuong pag-mumuni muni siya nang tumunog ang message alert nang kanyang cellphone.

'How's the Party last night fucker?'

Napahaplos ito sa kanyang baba t napaayos nang upo habang nagtitipa sa kanyang cellphone.

'last night is a memorable day..yeah! After five years'

Binigyan niya nang isang palaisipan ang kaibigan bagay na hindi naman nito natiis malaman.

'Oww? Something happened? Too bad im not there to acknowledge what is freaking fucking your memorable day thingy..'

Hindi muna nito sinabi kung ano talaga ang nangyari mas mabuti siguro kung sa personal niya ito masabi sa kaibigan.

'Gonne discuss it with you some other time fucker..bye!"

Pero mapilit yata ito na gustong gusto na nitong malaman iyon dahil sa pagtawag nito sakanya but of course di niya iyon sinagot. Knowing Fire is persistent regarding which issue he have.

Pinilit niyang pinapakalma ang kanyang isip. Marahil ay pagod na ang dalaga dahil sa walang tigil nitong pagtakbo sa kanyang isipan. Di na nga siya nakatulog kagabi nang maayos hanggang ngayon parin ba ay wala sa ayos ang kanyang utak?

Pinikit nito ang kanyang mga mata. Nagpa-flash sa kanyang utak ang mga ngiti nang dalaga habang kausap ang kanyang ina..

Muli siyang napamulagat at napasuntok nang mahina sa mesa. "Shit! Inaantok na ako pero bakit ayaw mo akong patulugin? What's going on with me?!"

He cussed. Sa limang taon na di niya nakita ang dalaga ay medyo kumakalma ang kanyang utak at puso pero knowing that Rose na abot kamay na naman niya ito, iba ang nagiging epekto nito sakanya.

He was so addicted!

**********

"Teacher Rose magkakilala ba kayo ni Mr. Santori?"

Napamulagat siya sa tanong ni Lourdes na kapwa niya guro habang silay nasa tapat nang gate at nagmemeryenda.

"Ha? Ba--bakit mo naman nasabi iyan?"

Tumusok ito sa fishball na niluluto nang tindero sabay sagot sa tanong ni niya.

"Eh kasi nga..kung makapag-usap kayo nung nanay niya parang ang tagal tagal niyo nang magkakilala ganun"

Kumagat naman siya sa chicken ball na kanyang tinusok at nginuya iyon na kahit mainit pa ay tiniis nito iyon.

"I--yon ba? Hindi. Ano--nagpasalamat lang sila about kay Atarah"

Biglang tinulak ni Sofia ang braso ni Lourdes paraan para magreklamo ito dahil sa natuluan ang kamay nito sawsawan na mainit init pa.

"Sabi kasi sayo eh!!! Ikaw kasi masyadong mapaglaro yang imahinasyon mo!" Wika ni Sofia

"To naman! Bakit bawal bang magtanong? Tsaka akala ko may way na ako para makalapit kay Papa Hottie!!!!"

"Hottie yang mukha mo! Itigail mo nga iyan! Dika na nahiya kay manong Lando!"

Ngumiti sakanila ang tindero at napagpasiyahan na nilang pumasok sa loob nang school. Nang iwan siya ni Sofia at Lourdes ay nagpunta ito sa may Cr. Habang nasa loob siya nang cubicle ay may pumasok na mga tao mula roon.

"Nakakainis lang! Dapat nakapunta din tayo sa bahay nina Mr. Santori!"

Nadinig niya ang boses nang isang babae. At sigurado naman siyang kapwa niya ito guro.

"Well! Dapat nga eh pero how come na wala tayong invitation? I meam..imbitasyon mula kay Mr. Santori o kaya sa anak niya.."

"You wouldn't beleive this..pero sina Rose nakapunta sila together with Sofia at Lourdes!"

Di muna siya gumalaw sa loob nang cubicle. Aantayin na lamang niya na lumabas ang mga ito bago siya lumabas mula roon.

"Kung si Sofia man ay nakapunta ok lang kasi siya ang Class Adviser, but Lourdes and--tsk!! That Rose? Duhh! Ewan ko nalang baka dinaan lang sa kalandian nila kaya nakapunta sila!"

Umikot ang kanyang mga mata. Alam na alam niya kung sino ang nagsasalita sa labas. Goshh! 'Ang sarap talagang tarakan nang punyal sa likod ang babaeng iyon' sa isip isip niya.

Kung alam lamang sana nito na siya ay inimbitahan ni Atarah, baka nga mas lalo pa itong magwala.

'Naku Dannah hayaan mo na ang mga wanna bee na iyon, for sure nagpapalakas lang sila kay Mr. Santori para--alam mo na baka makuha sa recommendation ang posisyon!"

Nagtawanan ang mga ito. She close her fist at gigil na gigil itong manuntok pero pinigilan niya ang kanyang sarili.

Dannah Ligo. Kapwa niya guro. Attention seeker! Manunungkit nang posisyon na di naman niya pinaghirapan! Malakas ang loob nito dahil pamangkin siya nang may ari nang school! Na kahit Principal minsan na-Oover power niya. See?!

Nang marinig niya na lumabas na ang mga ito ay dahan dahan naman ang paglabas niya sa cubicle. Nang nasa hallway na ito tinanawa niya ang tatlong guro kung saan isa doon si Dannah..

'Wanna Bee pala ha?!!!'

Kung di lang siguro siya isang kagalang galang na guro o kung di lang siguro ito pamangkin nang may-ari nang school na pinapasukan niya ay nasapak na niya ito..

Napangisi siya nang maalala ang pagsapak nito sa Ex-gf ni Adam na asawa na ngayon nang kanyang kaibigan.

'Pwede rin..kapag di ako nakapagtimpi kahit mawalan ako nang trabaho babasagin ko mukha mo!"

Napangiwi na lamang siya sa kanyang naisip. Pero puwera biro talaga..kaya niyang gawin iyon kahit mawalan pa siya nang trabaho!

-itutuloy-

Joden15

LEGENDARY BOYS #5: Peirce Santori (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon